Filipino
๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐๐๐ก
Ipinapakita ng buong-pusong pagsuko ni Cristo sa Diyos na ang buhay ay nagpapatuloy pagkatapos ng kamatayan, at nagbibigay katiyakan ito sa ating kaligtasan.
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก
๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ด ๐ฅ๐ฐ๐ด๐ฆ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐ฉ๐ข๐ญ๐ช, ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐จ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ข๐ธ, ๐ข๐ต ๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ช๐ญ๐ช๐ฎ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฃ ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ต๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ณ๐ข๐ด. ๐๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ถ๐ณ๐ต๐ช๐ฏ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฃ ๐ฏ๐จ ๐ต๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ญ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ฉ๐ข๐ต๐ช ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ต๐ข๐ข๐ด ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ช๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข. ๐๐ถ๐ฎ๐ช๐จ๐ข๐ธ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ด ๐ด๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด, โ๐๐ฎ๐ข, ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ช๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ช๐ต๐ถ!โ ๐๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ฐ๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ๐ข. ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฎ๐ฏ:๐ฐ๐ฐโ๐ฐ๐ฒ
Mga Karagdagang Babasahin: ๐๐จ๐๐ก ๐ญ๐ฐ:๐ญโ๐ฏ; ๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐-๐ฅ๐ข๐ ๐ ๐ด:๐ฏ๐ดโ๐ฏ๐ต; ๐ญ ๐ง๐๐ฆ๐๐๐ข๐ก๐๐๐ ๐ฐ:๐ญ๐ฒโ๐ญ๐ณ; ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ฎ๐ญ:๐ฐ
Ipinapakita ng buong-pusong pagsuko ni Cristo sa Diyos na ang buhay ay nagpapatuloy pagkatapos ng kamatayan, at nagbibigay katiyakan ito sa ating kaligtasan.
Ilang sandali bago ang Kanyang huling hininga, binanggit ni Jesus ang Salmo 31:5, isang salmo na ginagamit ng mga Judio bilang panalangin sa gabi. Sa gitna ng Kanyang pagdadalamhati, idinasal Niya ang isang awitin na maaaring una Niyang natutunan sa bahay. At hindi ito pabulong kundi pasigaw.
Sa puntong ito ng Kanyang pagkakapako, ang simpleng paghinga ay maaaring isang labis na pagpapahirap. Gayunpaman, pinilit Niya ang sarili na magsalita sa isang malakas na boses. Bakit? Siguro hindi ito para sa Kanya kundi para sa mga taong nakapalibot sa Kanya.ย
Siguro ito ay para sa atin.
Sa mga huling salita na ito, ipinakita ni Jesus ang pagsuko sa Diyos nang may pananalig at buong kapanatagan. Alam Niya na hindi pa tapos ang kwento. Habang umaalingawngaw ang mga salitang ito sa kasaysayan, nagpapatotoo ito sa mga nakakarinig, โManalig kayo sa Akin, at makakatanggap kayo ng kasiguruhan kahit kaharap pa ang kamatayan. Malalaman ninyo na sigurado ang inyong walang hanggan.โย
Ngayong linggo, matapos nating pag-isipan ang mga salitang sinabi ni Jesus sa krus, naiintindihan natin na wala na Siya sa krus. Nakaupo na Siya sa kanang kamay ng Diyos sa langit, at ipinadala Niya ang Banal na Espiritu. Sa mga panahon ng pagdududa, ibinubulong sa atin ng Banal na Espiritu ang mga salita ni Jesus.
Kapag pakiramdam natin ay hindi mapapatawad ang ating mga kasalanan, maririnig natin, โ๐๐ฎ๐ข, ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ช๐ญ๐ข.โ
Kapag pakiramdam natin ay nag-iisa tayo at walang kapamilya, maririnig natin, โ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ, ๐ช๐ต๐ถ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ.โ
Kapag pakiramdam natin ay hindi tayo sapat, maririnig natin,ย โ๐๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข.โ
Kapag ang ating mga puso ay puno ng takot, maririnig natin, โ๐๐ฎ๐ข, ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ช๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ช๐ต๐ถ!โ
Ang ating mga puso ay umaapaw sa papuri habang kinakanta ang mga kataga na sinulat ng isang bulag na manunulat na si Fanny Crosby: โ๐๐ญ๐ฆ๐ด๐ด๐ฆ๐ฅ ๐ข๐ด๐ด๐ถ๐ณ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ, ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ช๐ด ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ฆ!โย (๐๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ช๐บ๐ข๐ฌ๐ข๐ฏ, ๐ด๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ข๐บ ๐๐ฌ๐ช๐ฏ!)
๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก
Pag-isipan ang panahon na kinailangan mong manalig sa Diyos nang lubos kahit may takot ka o hindi ka sigurado. Paano hinubog ng karanasan na iyon ang pananampalataya mo?
๐๐๐ช๐๐ก
Maglakad ka sa isang mapayapang lugar at ituon ang iyong atensyon sa pagpapaubaya mo ng mga takot at pag-aalinlangan mo sa kamay ng Diyos. Habang naglalakad, bigkasin mo ang mga salita ni Jesus sa krus at hayaan mong magpaulit-ulit ito sa iyong puso.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
Ama sa langit, maraming salamat po sa ganap na sakripisyo ng Iyong Anak. Sa kahuli-hulihan Niyang paghinga, inihayag Niya ang Kanyang tiwala sa Inyo: โAma, ipinagkakatiwala ko sa inyo ang aking espiritu!โ Kapag humaharap kami sa mga pagsubok at pag-aalinlangan, sanaโy pagkunan namin ng lakas at kasiguruhan ang mga salitang ito.
Ipinagkakatiwala namin ang aming mga buhay sa Inyong mga kamay. Tulungan po Ninyo kaming mamuhay araw-araw nang may buong pusong pagsuko tulad ng ipinakita sa amin ni Jesus. Nagtitiwala kami na may katiyakan sa Inyong mga kamay ang kinabukasan namin.
Panatag kami sa Iyong presensya dahil alam naming may katiyakanย ang habambuhay namin sa Inyo.
Sa ngalan ni Jesus, Amen.