Ang Kapangyarihan ng Espiritu

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Anong kapangyarihan ang gusto mong magkaroon? Bakit?

โ€ข Isipin ang isang pagkakataon kung saan may tumupad ng pangako niya sa โ€˜yo na parang imposibleng matupad. Anong nangyari?

โ€ข May panahon ba na sobra kang nahirapan at may taong nagparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa? Ikwento ito sa amin.


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข, โ€œ๐˜š๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ.โ€ ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜›๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿญโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฎ


(Basahin din ang ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿฒโ€“๐Ÿญ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.)


Tinatawag tayo ng Diyos na makibahagi sa layunin Niya na ibalik ang mundo sa tamang relasyon sa Kanya. Pero hindi natin ito kayang gawin sa sarili nating kakayanan. Kaya bago umakyat si Jesus sa langit, ibinigay Niya ang Banal na Espiritu bilang katiyakan na hindi tayo kailanman mag-iisa kahit wala na sa lupa ang pisikal Niyang katawan. Ipinadala ng Ama si Jesus, at hiniling naman ni Jesus sa Ama na ibigay sa atin ang Banal na Espiritu. Ngayong araw, titingnan natin kung paano tayo tinutulungan ng Banal na Espiritu na ipagpatuloy ang layunin ng Diyos.


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜‚ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด.

โ€œ๐˜ˆ๐˜ต ๐™๐™ž๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™ค ๐™จ๐™– ๐˜ผ๐™ข๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™—๐™ž๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™œ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค ๐™ข๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™ข๐™–๐™ฃ. ๐˜š๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿฒโ€“๐Ÿญ๐Ÿณ


Ang simpleng presensya ng isang taong mahalaga sa atin ay napakalaking bagay na. Paano pa kaya kung ang presensyang ito ay permanente? Ipinadala ni Jesus ang Banal na Espiritu upang manatili sa atin at tulungan tayong tuparin ang layunin ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ang ating Tagatulong hindi lamang habang tayo ay ipinapadala, kundi hanggang sa matapos ang misyon. Siya ang ating tagapagtanggol, tagapagpalakas ng loob, at tagapayo magpakailanman. Binibigyan tayo ng Espiritu ng lakas at kapangyarihan para magawa ang mga bagay na hindi natin kayang gawin sa sarili nating kakayahan. Ngayong alam natin na ang Banal na Espiritu ay naninirahan sa bawat isa sa atin bilang indibidwal at bilang isang komunidad ng iglesya, paano tayo dapat tumugon kapag tinawag tayong gawin ang mga bagay na tila imposibleng magawa?


๐Ÿฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜‚ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป.

โ€œ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ฐ. ๐™Ž๐™ž๐™ฎ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™ž ๐™ ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค.โ€ย  ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿฐ:๐Ÿฎ๐Ÿฒ


(Basahin din ang ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿฒ:๐Ÿญ๐Ÿฏ.)


May mga pagkakataon na nahihirapan tayong humanap ng tamang salita o magsalita nang buong tapang. Pero tinitiyak ng Banal na Espiritu ang Kanyang presensya, kapangyarihan, at karunungan. Siya ang naghahayag at gumagabay sa atin sa lahat ng katotohanan at tumutulong sa atin para mas lumalim ang ugnayan natin sa Diyos. Ngunit mas malaki ang Kanyang layunin kaysa sa pansarili nating layunin: binibigyan Niya tayo ng lakas para sabihin ang gustong ipaalam ng Diyos sa mundo tungkol sa Kanya at papurihan Siya habang ginagawa natin ito. Ano ang pag-asa at pangakong ibinigay ni Jesus sa mga disipulo sa Lucas 12:11โ€“12?


๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜‚ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ.

โ€œ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด. ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ. ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™–, ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฉ๐™–๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™ž๐™ก๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ ๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™–สผ๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฌ๐™ž๐™™. ๐˜ผ๐™ฉ ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™ง๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™๐™–๐™๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™ž๐™ก๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™ž๐™ค๐™จ.โ€ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿฒ:๐Ÿณโ€“๐Ÿด


(Basahin din ang ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿฒ:๐Ÿตโ€“๐Ÿญ๐Ÿญ.)


Ipinapakita sa atin ng Banal na Espiritu ang pangangailangan ng kaligtasan mula sa kasalanan, ang paparating na paghuhukom, at ang tanging solusyonโ€”ang katuwiran na mula sa Diyos. Bilang mga mananampalataya, hindi natin tungkulin na piliting iligtas ang mga tao, kundi ipangaral ang ebanghelyo. Hindi kailangan na tayo ang pinakamagaling magsalita, pinakamatalino, o pinakamaabilidad para ipakilala si Cristo sa iba. Mapagkakatiwalaan natin na habang tapat tayong nagbabahagi ng mensahe, ang Banal na Espiritu ang kumikilos sa puso ng tao para makita nila ang kanilang kasalanan at ang pangangailangan nila ng Tagapagligtas. Ano ang sinasabi ng 1 Corinto 2:4โ€“5 tungkol sa kung saan dapat nakabatay ang ating pananampalataya?


Ang Banal na Espiritu ay mananatili sa atin magpakailanman. Hindi tayo kailanman mag-iisa sa gawain ng Diyos. Dahil nasa atin ang Banal na Espiritu, taglay natin ang lahat ng kakailanganin natin.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Pag-isipan ang nananatiling presensya ng Banal na Espiritu. Paano ito makakaapekto sa paraan mo ng pagtugon sa mga mabibigat na sitwasyon?

โ€ข Balikan ang isang pagkakataon na naranasan mo ang pagpapalakas na nagmumula sa Banal na Espiritu. Paano ka mas aasa sa Kanya habang isinusulong mo ang layunin ng Diyos?

โ€ข Ang Espiritu ang nagpapakita sa mga tao ng kanilang kasalanan. Paano nakakaapekto ang katotohanang ito sa paraan mo ng pagbabahagi ng ebanghelyo? Mangako na ibabahagi mo ang iyong patotoo at ang ebanghelyo sa taong ito, at hingin sa Banal na Espiritu na tulungan kang maipadama at maipakilala ang pag-ibig ng Diyos sa kanya.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay sa atin ng Banal na Espiritu bilang ating Tagatulong. Purihin Siya sa Kanyang nananatiling presensya na nagbibigay ng kakayanan, kaginhawaan, at kalakasan sa atin.

โ€ข Hingin sa Banal na Espiritu ang biyaya para manatili kang tapat sa sarili mong munting sulok sa mundo, at para na rin ang lahat ng tao sa bawat bansa ay lumapit, magkaroon ng takot, at sumunod sa Diyos.

โ€ข Ipanalangin na hindi ka umasa sa sarili mo kundi sa Banal na Espiritu para sa katotohanan. Hilingin sa Kanya ang karunungan at pang-unawa habang ipinakikilala mo si Jesus sa iba.