Filipino
๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ฃ๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐ฅ๐ข๐ก๐ข
Hindi mabibigo ang misyon ng Diyos, kaya tayo nagpupuntaย sa ibaโt ibang lugar nang may sigasig at pagtitiwala.
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก
๐๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฌ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช. ๐๐ข๐จ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข, ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฏ, ๐ญ๐ข๐ฉ๐ช ๐ข๐ต ๐ธ๐ช๐ฌ๐ข. ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฉ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐จ ๐ต๐ณ๐ฐ๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฑ๐ข. ๐๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ถ๐ต๐ช ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฉ๐ข๐ธ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ด๐ฑ๐ข๐ด. ๐๐ถ๐ฎ๐ช๐ด๐ช๐จ๐ข๐ธ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ด, โ๐๐ถ๐ณ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ถ๐ฑ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ต๐ณ๐ฐ๐ฏ๐ฐ, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ถ๐ณ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฑ๐ข ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ช๐ฏ๐ช๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ณ๐ถ๐ด๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ!โย ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ณ:๐ตโ๐ญ๐ฌ
Sa pangitain ni Juan, nakita niya ang mga tinubos na hindi naย mabilang sa dami, abot hanggang sa dulo ng paningin niya. Sila ay nakadamit ng puti, nilinis ng dugo ng Tupa. May hawak silang mga palaspas, tanda ng tagumpay at kagalakan. Sabay-sabay silangย sumisigaw: โSa ating Diyos at sa Tupa ang ating kaligtasan!โ Alam nila na ang kanilang pagkaligtas ay nakasalalay sa Diyos at ng ginawang pagtubos ng Kanyang Anak.ย
Ang malaking pagtitipon na ito, kasing dami ng mga bituin sa langit atย buhangin sa dagat, ay katuparan ng sinaunang pangako ng Diyos kay Abrahamโna sa pamamagitan niya, pagpapalain ang lahat ng bansa (Genesis 12:3).
Tinutupad din nito ang Dakilang Utos ni Cristo. Inutusan tayo ni Jesusย na puntahan ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod Niya (Mateo 28:19), at makikita natin sa eksenang ito ang bunga ng ating pagsunod. Ang plano ng Diyos na inilalarawan sa pangitain ni DanielโโPinarangalan siya at binigyan ng kapangyarihang maghari, at naglingkod sa kanya ang lahat ng tao sa ibaโt ibang bansa, lahi, at wikaโ (Daniel 7:14)โay dumating na sa maluwalhating katuparan.ย
\Ang pangitain na ito ay hindi lamang sulyap sa hinaharap kundiย paanyaya rin sa kasalukuyan. Hindi pa tapos ang ating gawain naย abutin ang lahat ng bansa. Marami pang tao ang hindi naaabot.ย Dapat na makatawid ang ebanghelyo sa hangganan ng mga bansa at maitanim sa mga lugar na hindi pa kilala si Cristo. Ang katiyakan ng tagumpay ng Diyos ang nagtutulak sa atin. Dahil alam natin ang wakas, nagpupunta tayo nang buo ang loob.ย
Ipinapaalala ng Pahayag 7:9โ10 na hindi mabibigo ang misyon.ย Tatapusin ng Diyos ang Kanyang sinimulan. Aabot ang ebanghelyoย hanggang sa dulo ng mundo. Ang katiyakang ito ay hindi dahilanย para maging tamad tayoโkundi nagbibigay saysay sa papel na ating ginagampanan. Ang Diyos na may ganap na kapangyarihan sa Kanyang plano ang Siya ring tumatawag sa atin upang makibahagi sa misyon. Ipinapadala Niya tayo para magsalita, magtrabaho, at magbigay, dala ang kaalaman na balang araw, ang mga tinubos mula sa lahat ng bansa ay tatayo sa harap ng Kanyang trono.ย
Hanggang sa dumating ang araw na iyon, magpupunta tayo sa ibaโt ibang lugar.
Saan ka pinapapunta ng Diyos?
๐๐ข๐ณ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ด๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ: ๐ ๐๐ง๐๐ข ๐ฎ๐ฐ:๐ญ๐ฐ; ๐๐๐ช๐ ๐ญ:๐ฒโ๐ด; ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ฑ:๐ต; ๐ญ๐ฐ:๐ฒโ๐ณย
๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก
Ang Dakilang Utos ay nagpapatuloyโmarami pang mga tao ang hindiย naaabot. Ano ang mga takot, dahilan, o hadlang na pumipigil sa iyoย na makibahagi sa misyon, sa loob ng bansa o sa ibang bansa, at paanoย mo ito malalampasan?
๐๐๐ช๐๐ก
Ipagdasal kung paano ka tinatawag ng Diyos na maging bukas-paladย sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at isipin ang isang paraan kungย paano ka makakapagbigay ng pinansyal na tulong sa gawain ng Diyos sa buong mundo.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
Panginoon, sa Iyo ang buong mundo at hindi mabibigo ang Iyong misyon. Nangako Ka na darating ang araw na ang napakaraming tao mula sa lahat ng bansa ay tatayo sa harap Mo at aawit, โAngย kaligtasan ay nasa ating Diyos at sa Tupa!โย
Habang hinihintay ang araw na iyon, ipadala Mo po kami nang may tapang at sigasig. Nawaโy magdala ang aming mga paa ng mabuting balita sa mga hindi pa nakakakilala sa Iyo at ang aming mga labiโy magpahayag ng Iyong salita.ย
Palakasin Mo po ang Iyong Iglesya upangย magtrabaho, magbigay, at magpuntaย sa ibaโt ibang lugar dahil hindi pa taposย ang gawain. Maaaring mahirap ang daanย at mabigat ang tungkulin, ngunit may katiyakan ang Iyong pangako.
Gawin Moย pong matatag ang aming mga kamay atย tapat ang aming puso upang makaratingย ang ebanghelyo sa mga lugar na hindi paย nito naaabot. Amen.