Filipino

๐—ฃ๐—”๐—š๐—œ๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ข

Ipinapahayag ng pagkauhaw ng katawang-lupa ni Cristo ang ganap Niyang pagiging tao at ang kahalagahan nito sa ating kaligtasan.


๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก

๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข, โ€œ๐˜•๐˜ข๐˜ถ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ.โ€ ๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ. ๐˜๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ด๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ, ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด. ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿฎ๐Ÿดโ€“๐Ÿฎ๐Ÿต


Mga Karagdagang Babasahin: ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—ฅ๐—ข๐— ๐—” ๐Ÿด:๐Ÿฏโ€“๐Ÿฐ; ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—š๐—”-๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐Ÿฎ:๐Ÿฒโ€“๐Ÿญ๐Ÿญ; ๐Ÿญ ๐—ง๐—œ๐— ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿฑโ€“๐Ÿฒ; ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿฐ


Ipinapahayag ng pagkauhaw ng katawang-lupa ni Cristo ang ganap Niyang pagiging tao at ang kahalagahan nito sa ating kaligtasan.


Bawat taon sa mga nagdaang henerasyon, nag-aalay ng mga hayop ang mga Israelita para sa kanilang mga kasalanan. Probisyon ito ng Diyos kung naniniwala sila sa paparating na inosenteng kapalit. Ngunit karamihan sa mga Israelita ay mas nagtitiwala sa ginagawa nilang pag-aalay. Parang benda lamang ito sa nabaling buto. Ang kailangan ng Israel (at sangkatauhan) para gumaling mula sa naidulot ng kasalanan ay ang perpektong kapalit na alayโ€”isang taong walang kasalanan. Ang tanging perpekto at walang-salang tao na nabuhay ay si Jesus.


Inilalarawan Siya ni Juan bilang โ€œang Salita na nagkatawang-tao.โ€ Ang ating banal na Diyos ay bumaba sa sangkatauhan habang nananatili ang Kanyang pagka-Diyos. Sa kabuuan ng Ebanghelyo, naranasan ni Jesus ang pagiging tao nang hindi kailanman nagkasala. Apatnapung araw ng pag-aayuno ang nagpagutom sa Kanya (Mateo 4:2). Nakatulog Siya sa bangka dahil napagod Siya sa isang mahabang araw ng paglilingkod (Mateo 8:24). Umiyak Siya sa puntod ng Kanyang kaibigan na si Lazarus (Juan 11:35). At dito sa krus, Siya ay naghingalo, nabugbog, at nauhaw.


Si Jesus ay ganap na Diyos at ganap na tao, hindi kailanman naging sobra ang isa sa isa, kayaโ€™t Siya ang perpektong alay magpakailanman. Habang Siya, na walang kasalanan, ay nakapako sa krus para sa ating kapatawaran, makikita natin Siya bilang ating perpektong punong pari na nakakaintindi sa atin nang sabihin Niya na โ€œnauuhaw ako.โ€ Ang Kanyang sakripisyo ay higit pa sa isang bendaโ€”ito ay pagtubos.


Dahil sa pagiging tao ni Cristo, napunan Niya ang lahat ng hinihingi sa sakripisyong kailangan upang matubos tayo nang lubusan. Sana ay lumakas ang loob natin, dahil ganap Niyang hinihilom ang ating pagkasira dahil sa kasalanan, hindi lang isang beses kundi habambuhay.


Narito ang pagsasalin ng isang himno sa Filipino:

๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ

๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜”๐˜ฐ

๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ต

๐˜‹๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข

๐˜—๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช?

๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ด

๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ


ย โ€œ๐˜š๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜š๐˜ถ๐˜ง๐˜ง๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จโ€

(๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ ๐˜๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฌ, ๐˜ˆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด, ๐˜”๐˜ข๐˜ต๐˜ต ๐˜™๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ)


๐—ฃ๐—”๐—š-๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก

Ano ang kahalagahan nang pagsabi ni Jesus ng โ€œnauuhaw akoโ€ sa krus? Bakit mahalaga para sa kaligtasan natin ang pagdanas ni Jesus sa lahat ng pangangailangan at paghihirap ng tao?


๐—š๐—”๐—ช๐—œ๐—ก

Hilingin kay Jesus na bigyan ka ng pusong may habag para sa ibang tao. Maghanap ng pagkakataong makapagsilbi ka sa isang taong nangangailangan o nahihirapan sa iyong komunidad.


๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Ama sa langit, sa tuwing naririnig namin ang mga salitang โ€œnauuhaw akoโ€ na binigkas sa krus, naaalala namin na naranasan ng aming Tagapagligtas ang sukdulan ng paghihirap at pangangailangan ng tao. Maraming salamat sa pagpapadala Ninyo kay Jesus upang maranasan Niyaย ang ganap na pagiging tao.ย 


Nagpapasalamat kami para sa perpektong pag-aalay ni Jesus, na kumuha ng aming mga kasalanan at nagbigay sa amin ng kagalingan mula sa pagkasira dahil sa kasalanan. Ang pagiging tao Niya ay nagpapahintulot sa Kanya na maintindihan ang aming mga paghihirap at mamagitan para sa amin. Tulungan po Ninyo kami na mamuhay nang may pasasalamat at maipaabot ang Inyong habag sa iba,ย na ipinapakita ng pagmamahal ni Jesus.


Sa ngalan ni Jesus, Amen.