Ilaan and Lahat na Mayroon Tayo para sa Diyos
๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Nakabili ka na ba ng regalo para sa mahal mo sa buhay gamit ang perang pinaghirapan mo? Ano ang naging reaksyon niya?
โข Ano ang ginawa mo sa pinakauna mong sweldo o baon?
โข Paano mo nagagamit nang maayos ang oras, pera, o mga pinagkukunan o resources mo? Magkwento tungkol dito.
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐จ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ช. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐จ๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ฎ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ฐ๐ฅ๐ฆ๐จ๐ข ๐ข๐ต ๐ข๐ข๐ฑ๐ข๐ธ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ช๐ด๐ช๐ฅ๐ญ๐ข๐ฏ.ย ๐๐๐ช๐๐๐๐๐ก ๐ฏ:๐ตโ๐ญ๐ฌ
(Basahin din ang ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ, ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ญ๐ฑ:๐ฎ๐ฌโ๐ฎ๐ญ, at ๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐-๐ฅ๐ข๐ ๐ ๐ญ๐ญ:๐ญ๐ฒ.)
Sa mundo na puno ng materyal na bagay, mabilis makalimutan na ang lahat ay pag-aari ng Diyos. Sinulat ni David sa isa niyang salmo na ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon (Salmo 24:1). Ang mga ariarian, pinagkakakitaan, at kahit ang mga buhay natin ay hindi talaga sa atin kundi pag-aari ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan Niya, at para sa Kanya (Colosas 1:16). Bilang mga katiwala Niya, kailangan nating ibalik nang may pasasalamat sa Diyos ang una Niyang ibinigay sa atin. Tingnan natin ngayon kung paano natin mabibigyang-karangalan ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubukod ng lahat ng pagmamay-ari, yaman, at pananalapi natin para sa Kanya.
๐ญ. ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ฏ๐๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ป๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด-๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐.
๐๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐จ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ช. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐จ๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ฎ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ฐ๐ฅ๐ฆ๐จ๐ข ๐ข๐ต ๐ข๐ข๐ฑ๐ข๐ธ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ช๐ด๐ช๐ฅ๐ญ๐ข๐ฏ.ย ๐๐๐ช๐๐๐๐๐ก ๐ฏ:๐ตโ๐ญ๐ฌ
Noong mga panahong ito, iniaalay ng mga Israelita ang mga unang bunga na kanilang pananim bilang pagsamba sa Diyos at para kilalanin na Siya ang pinanggagalingan ng lahat ng mayroon sila. Ang ibig sabihin ng pagbibigay ng unang bunga ay ang pagbubukod ng mga nauna at pinakamagagandang ani o kita para bigyang-parangal ang Diyos. Ibig sabihin nito ay pinagkakatiwalaan natin Siya sa pamamagitan ng paglalagay ng lahat ng pag-aari natin sa Kanyang mga kamay. Ito ang pagkakaintindi ng mga mamamayan ng Diyos tungkol sa pagbibigay ng unang bungaโibinubukod nito ang lahat ng ating mga pag-aari at ito ay nagiging daan para umapaw ang biyaya at mga espirituwal na pagpapala ng Diyos sa atin (Mga Taga-Roma 11:16). Ano ang naging epekto sa buhay mo noong inuna mo ang Diyos sa iyong pananalapi? Paano nito binago ang pananaw mo sa kayamanan?
๐ฎ. ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ฏ๐๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐.
๐๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐จ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ช. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐จ๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ฎ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ฐ๐ฅ๐ฆ๐จ๐ข ๐ข๐ต ๐ข๐ข๐ฑ๐ข๐ธ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ช๐ด๐ช๐ฅ๐ญ๐ข๐ฏ.ย ๐๐๐ช๐๐๐๐๐ก ๐ฏ:๐ตโ๐ญ๐ฌ
Dahil ang Diyos ang may-ari ng lahat ng ating pagkatao at ating pag-aari, kailangang bigyan natin Siya ng karangalan sa lahat ng pagpapala Niya sa atinโhindi lamang sa mga panimulang bunga o ikasampu. Tinawag tayo upang tapat nating pangasiwaan ang 90% na binigyan tayo ng pribilehiyo na ipamahala. Sa katunayan, puno ang Bibliya ng mga paraan kung paano natin pangangasiwaan ang lahat ng ibinigay sa atin. Kahit na sagana man tayo o sala, tinatawag tayo na isabuhay ang pagiging bukas-palad at maging matalino sa paghawak ng pananalapi. Sa pagbibigay-karangalan natin sa Diyos sa ating mga unang bunga at kung paano natin hinahawakan ang ating pananalapi, doon natin makikita ang pag-apaw ng paglalaan ng Diyosโna nagpapahintulot sa atin na mas bigyan pa Siya ng karangalan. Sa buhay mo ngayon, paano mo binibigyang-karangalan ang Diyos hindi lang sa 10% kundi sa lahat ng mayroon ka?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Paano nabago ang pananaw mo tungkol sa pera at mga pag-aari mo ng katotohanan na ang Diyos ang may-ari ng lahat? Paano napapagtibay ang pananalig mo sa Diyos dahil dito?
โข Pag-isipan kung gaano ka pinagpala ng Diyos. Paano mo Siya mapaparangalan sa mga bagay na inilagay Niya sa iyong mga kamay?
โข Paano mo uunahin ang Diyos at ibibigay ang pinakamaganda sa Kanya nang tapat kahit ano pa man ang iyong kalagayan? Paano mo mahihikayat ang iba na gawin din ito ngayong linggo?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Bigyang-papuri ang Diyos para sa lahat na nilikha Niya at pagpapala Niya sa iyo. Pasalamatan Siya para sa Kanyang kabutihan at paglalaan.
โข Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng kakayahan na ibukod ang lahat na mayroon ka para sa Kanya. Ipanalangin na lagi kang maging tapat na tagapangasiwa ng Kanyang pagpapala.
โข Mas kilalanin pa ang Diyos bilang una sa lahat sa pamamagitan ng iyong pagbibigay at debosyon. Humiling ng mga pagkakataon na makatulong sa iba habang binibigyan mo ng karangalan ang Diyos sa iyong kayamanan.