Filipino

๐—œ๐—•๐—œ๐—ก๐—จ๐—ž๐—ข๐—— ๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ญ๐˜ต๐˜ข๐˜ณ. ๐˜๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข.โ€ ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ถ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ? ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ?โ€ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ, โ€œ๐˜•๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ! ๐˜ˆ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ.โ€ โ€ญโ€ญโ€ญโ€ญ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ โ€ญ๐Ÿฒโ€ฌ:โ€ญ๐Ÿฒโ€ฌโ€“๐Ÿดโ€ฌย 


Basahin din ang ๐—๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฐโ€“๐Ÿญ๐Ÿฌ; ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿฒโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ; ๐Ÿฎ ๐—ง๐—œ๐— ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿฎ๐Ÿฌโ€“๐Ÿฎ๐Ÿญ.


๐—ฃ๐—”๐—š-๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก

Ang Bibliya ay puno ng mga kwento ng mga tao na ibinukod para sa layunin ng Diyos. Ikinukwento ng Isaias 6 kung paano nakatagpo ni Isaias ang kabanalan ng Diyos. Pagkatapos niyang kilalanin ang pagiging makasalanan niya sa harap ng Diyos, ang isang anghel ay lumipad papunta kay Isaias at dinampian ang kanyang bibig gamit ang isang nagbabagang uling na kinuha niya galing sa altar gamit ang mga sipit. Ito ang nagpalinis kay Isaias. Naalis ang kanyang pagkakasala at nabayaran ang kanyang kasalanan.


Ang salaysay na ito ay nakahanay sa kultura ng mga Hudyo at malinaw na mga pagbabawal ng pagiging marumi na kaugnay ang pagkain, buhay, at pagsamba. Sa naranasan ni Isaias, ang nagbabagang uling na kinuha galing sa altar ay sumasagisag sa nakakalinis na gawa ng Diyos. Siya ay banal, nakabukod, at malaya sa Kanyang nilikha, at pinapabanal Niya tayo. Nakaranas si Isaias ng espirituwal na paglilinis na nag-udyok sa kanya na tumugon nang may buong pagtititwala sa pagkatao ng Diyos at mapagkumbabang kahandaan na maging bahagi ng Kanyang misyon.


Ang kaparehong pangyayari ay nakita din sa buhay ni Jeremias. Bata pa lamang siya nang ipinakita ng Diyos na siya ay ginawang banal. Ang totoo niyan, bago pa man siya isinilang, pinili na siya ng Diyos na maging propeta para sa mga bansa. At kahit natakot si Jeremias na tanggapin ang banal na tawag na ito sa kanyang kabataan, pinagtibay siya ng Diyos sa pagsabing sasamahan siya Nito. Inutusan ng Diyos si Jeremias sa pag-abot ng Kanyang kamay at paghipo sa kanyang bibig. Sa banal na kilos na ito, inihayag ng Diyos na inilagay Niya ang Kanyang mga salita sa bibig ni Jeremias na simbolo ng pagbibigay Niya ng awtoridad sa kanya na ihayag ang mensahe ng Diyos sa mga bansa at kaharian.


Ang mga tagpo nina Isaias at Jeremias sa kabanalan ng Diyos ay umuulit-ulit sa atin ngayon. Sinasabi sa 2 Timoteo 2:20โ€“21 na tayo ay ibinukod bilang banal, kapakipakinabang sa Panginoon at handa para sa bawat magandang gawain. Maisasabuhay natin ito hindi gamit ang sariling abilidad kundi dahil kasama natin ang presensya ng Diyos. Nang inutusan ni Jesus ang mga apostol na magdisipulo sa lahat ng bansa, nagsimula Siya sa pagpapatibay ng Kanyang awtoridad at nagtapos sa katiyakan na Siya ay makakasama nila. Kasama ng Kanyang bayan, kabilang na rito ang ating iglesya, ang Kanyang presensya. Ang taong ito ay nagmamarka ng ika-apatnapung anibersaryo ng katapatan at biyaya ng Diyos sa ating iglesya. Sa pagpapahayag natin ng pagpapasalamat sa Kanya at sa pagtanaw natin sa mga gagawin pa Niya, nananatili tayong nakatuon sa pagtupad ng Kanyang Dakilang Komisyon.


Ngayon, kahit nasa paaralan man tayo, sa trabaho, sa negosyo, sa pag-aalaga ng tahanan, o nakaretiro na, maaari pa rin tayong lumahok sa pagsulong ng kaharian ng Diyos sa ating bayan at sa bawat bansa.


๐—ง๐—จ๐— ๐—จ๐—š๐—ข๐—ก

โ€ข Nakatagpo mo na ba ang kabanalan ng Diyos? Ano ang naging epekto nito sa iyong buhay? Kung mayroon mang bahagi sa iyong buhay na kailangan mong gawing banal sa Kanya, maglaan ng panahon na ito ay gawin sa araw na ito.

โ€ข Sa palagay mo, bakit kaya tayo tinawag na abutin ang ating bayan at ang bawat bansa? Ano sa palagay mo ang papel mo rito?


๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ๐—”

Hilingin sa Diyos na sumulong ang Kanyang kaharian sa bawat bansa. Manalangin para sa mga pagkakataon na maging biyaya ka sa isang bayan sa pamamagitan ng pagdarasal, pagbibigay, at pati na pagpunta doon.


๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Panginoon, bigyan Ninyo kami ng mga pusong nagmamahal sa mga bansa. Nawaโ€™y magkaroon kami ng pagkaawa para sa iba at nawaโ€™y mabigyan ng luwalhati ang Inyong pangalan sa bawat sulok ng mundo. Humihiling kami ng tapang at kalakasan ng loob na umalis sa aming komportableng kalagayan na may pananalig na nauna na Kayo sa amin at kasama namin Kayo. Andito kami na handang maging sisidlan ng Inyong gawain para sa mga bansa, para sa Inyong kaluwalhatian at karangalan . . . sa ngalan ni Jesus, amen.