Katiwalian (Mapagbantay na mga Mata)

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Ano ang naiisip mo kapag naririnig mo ang salitang โ€œintegridadโ€? Paano mo malalaman kung may integridad ang isang tao o wala?

โ€ข Sino ang pinakatapat na taong kilala mo? Sa palagay mo, bakit napakahalaga ng katapatan?

โ€ข Bakit mahalaga na pumili ang mga tao ng mga pinunong magpapatibay ng pagiging patas, pagkakapantay-pantay, at integridad?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜š๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ. ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข. ๐˜‹๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด.โ€ย ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฒ:๐Ÿญ๐Ÿด-๐Ÿฎ๐Ÿฌ


Ipinaalala ni Moises sa mga Israelita na ang Diyos ang nagbigay ng lupa at pamana sa bawat tribo. Trabaho ng mga itinalagang hukom at opisyal na maging patas para patuloy na tumira roon ang kanilang tribo at maipasa ang lupa sa mga susunod na henerasyon. Dapat na seryosohin ng mga tao ang katarungan at ang pagpili nila sa mga mamumuno sa kanila. Mismong ang lupa at ang pamana ng susunod na henerasyon ay nakadepende sa pagsunod nila sa katarungan ng Diyos. Anong uri ng mga lider ang dapat nating piliin? Anong uri ng mga lider dapat tayo?


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ธ๐˜๐—ผ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ.ย 

โ€œ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข . . .โ€ย ย ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฒ:๐Ÿญ๐Ÿต


Ang pagbabaluktot ng isang bagay ay pagbabago ng direksyon nito na malayo sa orihinal nitong layunin. Ang mga namumuno ay may kapangyarihan, posisyon, at kadalasan ay kayamanan para isulong ang hustisya at ibigay sa bawat tao ang nararapat sa kanila. Kapag binago ito sa anumang paraan, maliit man o malaki, nababaluktot ang hustisya at nahahadlangan ang pantay-pantay na pagtrato sa lahat. Nakakita o nakaranas ka na ba ng pagbabaluktot sa hustisya? Ano ang naging opinyon mo dito?


๐Ÿฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป.

โ€œ. . . ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ. . . .โ€ ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฒ:๐Ÿญ๐Ÿต


Ang pagkakaroon ng pinapaboran ay pagpapakita na mas gusto mo ang isang tao kaysa sa isa pa anupaman ang karapat-dapat para sa kanila. Pero ang hinihingi ng Diyos sa mga matuwid na lider ay ang maging patas at ituring ang mga tao ayon sa nararapat para sa kanila. Sa mga desisyong ito, ang dapat lamang katakutan ay ang Diyos at ang Kanyang awtoridad na gawing tama ang kawalan ng hustisya. Ano ang sinasabi ng Salmo 98:9 tungkol sa pagiging hukom ng Diyos?


๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐—ต๐—ผ๐—น.

โ€œ. . . ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข.โ€ย ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฒ:๐Ÿญ๐Ÿต


Ang pagtanggap ng suhol ay nakakapagpahina sa isang matuwid na layunin. Nangangahulugan ito ng pagtanggap ng kahit na anong kabayaran upang baguhin ang kalalabasan mula sa pagiging matuwid tungo sa kawalan ng katarungan. Ang maling kinalabasan na binayaran ay hindi kailanman magiging makatarungan. Mas pinapahina nito ang mga mahihina at pinapababa ang tiwala sa pamunuan. Nakakita ka na ba o nakaranas ng kaparehong sitwasyon? Ano ang kinalabasan nito? Paano ka tumugon?


Ang sinumang may kapangyarihan na magpasya para sa ibang tao o may impluwensiya upang mabago ang desisyon para sa ibang tao ay nasa posisyon ng pamumuno. Kasama tayo rito gaano man kaliit ang mga desisyong ginagawa natin para sa iba.


Dapat ay mamuno tayo nang matuwid nasaan man tayo o sinuman ang ginagabayan natin. Kailangan nating isulong ang katarungan, wala dapat tayong pinapaboran, hindi dapat tayo tumanggap ng suhol, at tanging ang Diyos lang ang dapat nating katakutan sa ating mga pagpapasya. Sa katunayan, makakapili at makakapagsanay tayo ng mga mamumuno na magpapakita ng mga maka-Diyos na katangian. Kapag ginawa natin ito, ipinapangako sa atin ng Diyos ang patuloy na pagpapala at ang isang pamana na tatagal.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Anong mga tuntunin ang binigay ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ni Moises tungkol sa pamamahala, kapangyarihan, at katarungan? Para saan ang mga tuntuning ito? Paano mo ito magagamit sa buhay mo ngayon?

โ€ข Anong mga katangian ang dapat nating hanapin kapag pumipili tayo ng mga mamumuno? Ano ang mga katangiang dapat makita sa mga namumuno? Paano mo maipapakita ang katangiang ito kapag pumipili ka ng mga dapat mamuno?

โ€ข Ang pamumuno ay dapat na isinasagawa nasaan man tayo o sinuman ang nakapalibot sa atin. Paano mo maisasabuhay ang mga katangian ng isang matuwid na pinuno ngayong linggo?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos para sa mga nakaupo ngayon sa gobyerno at sa mga nasa posisyon ng pamumuno at magtiwala sa mga layunin ng Diyos para sa kanilang mga buhay at ginagampanang tungkulin.

โ€ข Manalangin at hilingin sa Diyos ang mga lider na may takot sa Kanya at lalayo sa kahit na anong tukso na baluktutin ang hustisya, magkaroon ng mga pinapaboran, o tumanggap ng suhol.ย 

โ€ข Humiling sa Diyos ng mga lider na sisiguraduhing ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฌ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช (1 Timoteo 2:2).