Kahirapan (Mapagbigay na mga Kamay)

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Sino sa paligid mo ang masasabi mong may pangangailangan? Ano ang masasabi mong pangangailangan nila na ibang tao lang ang makakapagbigay?

โ€ข Ibahagi ang isang pagkakataong may nagpakita sa iyo ng kabaitan. Ano ang naramdaman mo? Ano ang naging tugon mo dito?

โ€ข Sino ang tao na nagkaroon ng positibong impluwensiya sa iyo? Masasabi mo ba na mahalaga ang mga positibong impluwensiya sa buhay ng isang tao? Bakit oo o bakit hindi?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ. ๐˜๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ. ๐˜—๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐสผ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜จ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ.โ€ ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿฒ:๐Ÿฒ-๐Ÿณ


(Basahin din ang ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฑ:๐Ÿฒ)


Ipinaalala ni Moises sa mga Israelita, ang bayang pinili ng Diyos, na dapat nilang isapuso ang Kanyang mga utos. Dapat nila itong ituro, pag-usapan, at isaisip sa lahat ng sandaling gising sila. Walang hindi kasali sa mga utos na ito.


Kasama dito ang responsibilidad ng mga mamamayan ng Diyos sa mga taong limitado ang kakayahan o hindi nabibigyan ng mga pagkakataon dahil sa kakulangan o kahirapan. Sinasabi sa atin ng Diyos na sa bawat sandaling gising tayo, dapat nating tandaan ang magpakita ng kabutihan at pagiging bukas sa mahihirap.


๐Ÿญ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ

โ€œ๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข.โ€ย ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฑ:๐Ÿณ


Ipinaalala ni Moises sa mga Israelita na titira sila sa lugar na ibibigay ng Diyos sa kanila. Hindi nila ito makukuha sa sarili nilang yaman o kapangyarihan. Bilang tugon sa biyayang ito, ang kanilang mga puso ay dapat na maging malambot at bukas-palad sa sinuman sa mga mamamayan ng Diyos na nangangailangan ng mga bagay na kaya nilang ibigay. Sa palagay mo, paano mo natututunang maging mabuti sa mga nangangailangan?ย 


๐Ÿฎ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป.

โ€œ๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฑ:๐Ÿด


Ang utos ng Diyos ay hindi nagtatapos sa pagpapakita ng awa at kabutihan. Hindi lang ito tungkol sa pag-uugali natin at nangangailangan ito ng pagkilos natin. Kailangang bukas ang mata ng mga Israelita at mapansin nila ang mga pangangailangan ng kanilang mga kapatid sa Panginoon. Hindi nila dapat balewalain ang mga nangangailangan o sabihin na wala silang pakialam. Bilang isang komunidad, dapat ay sapat ang ibinibigay nila para mapunan ang mga pangangailangang iyon. Anong mga pangangailangan ang nakikita mo sa iyong paligid? Ano ang mga pwede mong gawin?


Sinasabi sa atin sa Deuteronomio 7:6โ€“11 na bilang mga mamamayan ng Diyos, natanggap natin ang Kanyang kaligtasan at presensya hindi dahil may ginawa tayo para maging karapat-dapat sa mga ito. Sa halip, ito ay dahil sa una Niya tayong minahal at mahal Niya tayo anupaman ang mangyari. Libre natin itong natanggap dahil binayaran na Niya ang halaga para makapamuhay tayo sa seguridad na dala ng Kanyang kaligtasan. Wala nang mas mabigat pang dahilan bukod dito para magpakita tayo ng kabutihan sa ating kapwa.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Ano ang sinabi ni Moises tungkol sa pagiging mapagbigay sa mga nabanggit na talata? Paano mo ito magagamit sa buhay mo?

โ€ข Ibinigay ang utos na ito sa mga Israelita noong malapit na silang makapasok sa Lupang Ipinangako pagkatapos silang palayain ng Diyos sa pagkaalipin. Ano ang pagkakapareho ng kwento nila sa kwento natin bilang mga mamamayan ng Diyos na nasa ilalim ng bagong tipan kay Cristo?ย 

โ€ข Ano ang pag-uugali na dapat mayroon ang mga Israelita sa mga nangangailangang mamamayan ng Diyos? Anong pag-uugali ang dapat mayroon tayo sa mga nangangailangan nating kapatid kay Cristo? Ano ang isang hakbang na magagawa mo ngayong linggo para matugunan ang pangangailangan ng isang tao?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa pagiging mapagbigay Niya sa mga Israelita at sa atin na mga anak Niya.

โ€ข Ipanalangin na palambutin ng Diyos ang puso mo at buksan ang iyong mga palad para maging mapagbigay ang pag-uugali at pamumuhay mo.

โ€ข Hilingin sa Diyos na gawin ka Niyang pagpapala at daanan ng Kanyang pagmamahal ngayong linggo.