Pagpapabanal
๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Magbigay ng isang bagay na pagmamay-ari mo, na ginagamit mo lang sa mga espesyal na okasyon o para lang sa isang layunin. Bakit mo ito inilalaan para lamang dito?
โข Sa tingin mo, paano ka lumago bilang tao nitong nakaraang limang taon? Magbahagi ng isa o dalawang bagay na natutunan mo na mahalaga sa kung sino ka ngayon.
โข Sino ang tinitingala mo o gusto mong tularan? Bakit?
๐ช๐ข๐ฅ๐
โ๐๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ฐ๐ฅ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ; ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ฎ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ.โย ๐๐จ๐๐ก ๐ญ๐ณ:๐ญ๐ณ
Bilang mga mananampalataya, natanggap natin ang kaligtasan sa pamamagitan ng ginawa ni Cristo sa krus. Patuloy na pinapakilos ng Diyos sa buhay natin ang Kanyang kaligtasan upang tayo ay mas lalo pang maging katulad ni Cristo. Ang prosesong ito kung saan ginagawa tayong katulad ng imahe ni Cristo ay tinatawag na pagpapabanal o sanctification, at ito ang kagustuhan ng Diyos para sa atin. Ang ibig sabihin ay hindi na tayo magiging katulad ng iba, na sunud-sunuran sa kultura, o naghahangad ng pagsasakatuparan sa sarili. Tayo ay lumalago sa pagiging katulad ni Cristo araw-araw sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ng salita ng Diyos. Ngayong araw, mas lalo nating maiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng prosesong ito.
๐ญ. ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ถ๐๐๐น๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ.
โ๐๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฑ๐ข ๐ด๐ข๐ฏ๐ข ๐ข๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ, ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ฑ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ต๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ช๐ต๐ถ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ, ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ช๐ฏ๐ต๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ. ๐๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข; ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ๐ช๐จ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ต ๐ช๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ญ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐จ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฅ๐ข๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ. ๐๐ข๐ณ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ. ๐๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐๐ฎ๐ข ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ, ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ. ๐๐จ๐๐ก ๐ญ๐ฒ:๐ญ๐ฎ-๐ญ๐ฑ
Ang Banal na Espiritu ang pangatlong persona sa Trinity, na gumagabay at namumuno sa atin upang mas maitulad tayo kay Cristo. Bilang tagatulong at tagapagturo natin (Juan 14:26), ipinapaalala sa atin ng Banal na Espiritu ang mga pangaral ni Jesus at tinutulungan Niya tayo sa panahon ng kahinaan (Mga Taga-Roma 8:26). Kung wala ang Banal na Espiritu, mag-isa lang tayo at walang kapangyarihan sa buhay. Ayon sa 2 Corinto 3:17โ18, paano tayo binabago ng Banal na Espiritu upang mas lalo tayong maging katulad ng imahe ni Cristo? Magbahagi ng isang partikular na pangyayari na nagpapaliwanag nito.
๐ฎ. ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป.ย
โ๐๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ฐ๐ฅ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ; ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ฎ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ.โย ๐๐จ๐๐ก ๐ญ๐ณ:๐ญ๐ณ
Noong ipinagdasal ni Jesus ang Kanyang mga disipulo, nanalangin Siya na maging banal sila sa salita ng Diyos. Kapag tayo ay nagbabasa ng salita, kinakausap tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espirituโipinapakita Niya ang Kanyang sarili, ginagabayan Niya tayo at tinuturuan kung paano mamuhay. Ang Salita ay parang salamin (Santiago 1:23โ24, isang ilaw na nagliliwanag sa isang madilim na lugar (2 Pedro 1:19), at isang espada (Mga Hebreo 4:12). Paano pinapatibay ng salita ang iyong pananalig at paano ka ginagabayan para mas maging katulad ni Cristo?
Ang panalangin ni Jesus sa Juan 17 ay para sa pagpapabanal ng mga nananampalataya. Ipinagdasal Niya ang pagpapadala ng mga mananampalataya sa mundo (Juan 17:18) upang ipahayag at ipakita Siya. Habang tayo ay patuloy na nagiging katulad ni Cristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ng Kanyang salita, sana ay makita rin Siya ng iba sa buhay natin at sa pamamagitan natin.
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Sa tingin mo, bakit iyon ang ipinagdasal ni Jesus para sa Kanyang mga disipulo? Batay dito, paano mo pahahalagahan ang salita ng Diyos?
โข Anong bahagi ng buhay mo ang kailangang maging mas katulad ni Cristo? Sa tingin mo, bakit mahirap ito para sa iyo, at paano mo ito mapagtatagumpayan?
โข Gaano kahalaga sa iyo ang Banal na Espiritu? Ano ang isang bagay na sisimulan mong gawin sa ibang paraan upang mas magtiwala ka pa sa ating tagatulong at tagapaggabay araw-araw?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang pagmamahal at pagnanais na tayo ay maging banal. Maging totoo tungkol sa iyong kahinaan at pagkukulang sa harap Niya. Aminin ang pangangailangan mo sa Kanya sa buhay mo araw-araw.
โข Ipanalangin na patuloy kang maging mas katulad ni Cristo sa paglipas ng bawat araw. Ipanalangin na sa pamamagitan ng salita ng Diyos, ikaw ay magabayan sa katotohanan ng Banal na Espiritu.
โข Ipanalangin na makita sa buhay mo si Cristo. Ipanalangin na maipapakilala mo Siya sa pamamagitan ng iyong pananalita at pamumuhay.