Ang Pakikilahok ng Iglesya

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Mahilig ka ba sa mga laro o gawain na kailangan ng pagtutulungan? Anong klase ng mga tao ang bubuo ng pangarap mong grupo?

โ€ข Paano ka kadalasang tumutugon kapag may ibinibigay sa iyong mahalaga at agarang gawain?

โ€ข Sa anong proyekto o gawain ka huling nakipagtulungan sa iba? Ano ang kinalabasan nito sa huli?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ? ๐˜•๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข. ๐˜›๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ! ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช.โ€ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฐ:๐Ÿฏ๐Ÿฑโ€“๐Ÿฏ๐Ÿฒ


Tinatawag tayo ni Jesus, ang Iglesya, na makilahok sa misyon ng Diyosโ€”upang ibalik ang nilikha at ipagkasundo ang mundo sa Kanya. Maraming paraan para makibahagi tayo sa katuparan nito, at minsan ay nakakatukso na gawin natin itong tungkol sa atin. Ngunit dapat nating tandaan na wala tayong sariling misyon. Sa simula pa lang, ang misyon na ito ay sa Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu, nakakalahok tayo sa Kanyang dakilang plano para sa mundoโ€”isa itong malaking pribilehiyo. Ngayong araw, tuklasin natin ang mga katotohanan tungkol sa misyon ng Diyos at ang Kanyang pagtawag sa atin.


๐Ÿญ. ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ฎ.

โ€œ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ? ๐˜•๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข. ๐™๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐™ฃสผ๐™ฎ๐™ค ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ!โ€ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฐ:๐Ÿฏ๐Ÿฑ


Mahirap makita ang nasa harap mo kung nakatuon ka lang sa iyong sarili. Sa talatang ito, binigyang-diin ni Jesus nang tatlong beses ang kahalagahan na sadyain ang pagtingin sa ani. Inuutusan Niya ang Kanyang mga disipulo na sadyang magobserba, umunawa, at magmasid. Ibig sabihin, dapat nating palakihin ang nakikita ni Jesus kaysa sa nakikita natin. Hindi tayo dapat tumutok sa mga bagay na hindi natin kayang gawin o sa mga hadlang na pumipigil sa atin; dapat tayong tumingala para makita na ang gawain ay hinog at handa na. Ang anihan ay hinog at nasa harap na natin. Paano natin mas sasadyain na tumingin sa nakikita ni Jesus?


๐Ÿฎ. ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ถ.

โ€œ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ? ๐˜•๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข. ๐˜›๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ, ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ข ๐™จ๐™– ๐™—๐™ช๐™ ๐™ž๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™ž๐™ฃ๐™ค๐™œ ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™ฌ๐™š๐™™๐™š ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™๐™ž๐™ฃ!โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฐ:๐Ÿฏ๐Ÿฑ


Kahit apat na buwan man o isang linggo, hindi tayo dapat nagpapaliguy-ligoy dahil narito na ang ani. Ang ani ay nandito na ngayon, at hindi doon at sa ibang panahon. Minsan, natatakot tayo o nag-aalinlangan dahil iniisip natin na matigas ang puso ng mga tao at hindi sila bukas sa salita ng Diyos. Ngunit inihanda na ng Diyos ang maraming tao. Dahil dito, pwede tayong mas magtiwala at maging mas sadya sa pagpapahayag ng ebanghelyo. Hindi natin dapat tingnan ang ani nang walang aksyonโ€”dapat tayong tumingala at tumingin nang may pagmamadali. Panahon na para mangaral at ipahayag ang ebanghelyo. Hindi lamang natin kailangang tumugon sa tawag ng Diyos na anihin ang ani, kundi kailangan din nating sumunod agad. Sa Mateo 4:18โ€“20, paano tumugon sina Pedro at Andres nang tawagin sila ni Jesus na sumunod sa Kanya?


๐Ÿฏ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ถ.

โ€œ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ. ๐™†๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ข๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ฌ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ข ๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™ž๐™ค๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ-๐™–๐™ฃ๐™ž.โ€ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฐ:๐Ÿฏ๐Ÿฒ


Ginagamit ng Diyos ang nagtatanim at ang umaani para maibalik sa Kanya ang mga naliligaw. Tulad ng pagsasaka, may nagtatanim at may umaani, at hindi palaging ang nagtanim ang nakakakita ng bunga ng pagsisikap niya. Tinawag man tayo na magtanim o umani, ang pinakamahalaga ay makibahagi tayo sa misyon ng Diyos, dahil lahat tayo ay ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ (2 Corinto 5:20). Bagamaโ€™t parang hindi makatarungan na minsan ay hindi nakikita ng nagtanim ang bunga, parehong ang nagtatanim at ang umaani ay tatanggap ng gantimpala. Sa huli, ang gantimpala natin ay makitang maligtas ang mga naligaw ng landas, sapagkat may kagalakan kapag ang tao ay nakabalik sa Ama. Ayon sa Lucas 15:7, ano ang nangyayari kapag nagsisi ang isang makasalanan?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Tinitingnan mo ba ang anihan nang may pagpapahalaga at pagmamadali? Kung hindi, hilingin sa Diyos na tulungan kang makita ang nakikita ni Jesus.

โ€ข Paano ka mas lalago sa pagtatanim ng ebanghelyo at pag-aani sa anihan ng Diyos? Ano ang mga hakbang na maaari mong gawin ngayong linggo bilang tugon sa Kanyang tawag at misyon?

โ€ข Tumingin sa hinog na ani sa paligid mo (hal., sa bahay, paaralan, o trabaho). Mangako na tutulungan mo ang kahit dalawang tao na makita ang pagmamahal ng Diyos simula ngayong linggo.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay Niya sa atin ng pribilehiyong makibahagi sa Kanyang misyon kahit na may mga pagdududa, takot, at kakulangan tayo.

โ€ข Hingin sa Banal na Espiritu na alisin ang anumang pagwawalang-bahala o pag-aatubili sa puso at palitan ito ng sigasig upang anihin ang hinog na bunga saanman tayo tinatawag ng Diyos.

โ€ข Purihin ang Diyos dahil ang Kanyang kaharian ay malakas na umuusad sa pamamagitan ng Kanyang Iglesya. Hingin sa Kanya ang biyaya upang maging mas mabuting kinatawan ni Cristo.