Linggo ng Pagkabuhay: Isinugo para Pagtagumpayan ang Kamatayan

๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป

๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช ๐˜š๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜—๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด. ๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฑ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ด๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ข.ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ:๐Ÿฒโ€“๐Ÿณ


๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข, โ€œ๐˜š๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ.โ€ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿญ


Karagdagang Babasahin: ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿฒ:๐Ÿฎ๐Ÿณโ€“๐Ÿฎ๐Ÿด; ๐—˜๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿญโ€“๐Ÿณ; ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐Ÿฏ:๐Ÿญ๐Ÿฌ


๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป

Tahimik ang hardin noong umagang iyon. Ang libingan, na nakasara at binabantayan, ay nagsilbing simbolo ng katapusan. Patay na si Jesus. Para sa mga disipulo, ang pag-asa ay tila nailibing na rin kasama ng katawan Niya. Nanatili ang pighati sa gitna ng katahimikan, at ang bigat ng kamatayan ay tila hindi na mababago. Ang nagsimula noong Biyernes Santo bilang isang sakripisyo at nagpatuloy noong Sabado de Gloria bilang kapighatian ay tila umabot na sa huling bahagi. Ang bato, na mabigat at hindi matitinag, ay tila nagpapahayag na ang kamatayan ang nagwagi.


Ngunit hindi naging maingay ang pagdating ng muling pagkabuhay; ito ay dumating nang biglaan. Noong nakita nila na gumulong na ang bato at wala nang laman ang libingan, ang pagkagulat ay napalitan ng pagkamangha. Ang mga telang linen na maayos na nakatiklop ay nagpahayag ng isang kwentong walang sinumang nag-akala. Hindi tumakas si Jesus sa kamatayan; tinalo Niya ito. Ang akala nating katapusan ay ang pinakadakilang simula pala na naranasan ng mundo. Si Jesus ay nabuhay muli. Dinaig ng buhay ang kamatayan.


Kay Cristo, hindi na itinatakda ng dati nating buhay ang ating pagkakakilanlan. Ang ating mga nakaraang pagkakamali, kahiya-hiyang gawa, at takot sa kamatayan ay wala nang kapangyarihan sa atin. Dahil si Jesus ay buhay, tayo na kaisa Niya ay nabigyan ng bagong paraan ng pamumuhay. Ipinapaalala sa atin ng Kasulatan na hindi na tayo nakagapos sa kung sino tayo noon. Tayo ay nakaupong kasama ni Cristo at binigyan ng bagong pagkakakilanlan, layunin, at pag-asa.


Ang buhay na dulot ng muling pagkabuhay ay kasalukuyan nang kumikilos sa loob natin. Iba na ang ating pamumuhay ngayonโ€”hindi dahil naging madali ang buhay, kundi dahil nawalan na ng lakas ang kamatayan. Ang pag-asa ay hindi na isang bagay na walang katiyakan. Ito ay matatag at matibay, nagmumula sa ating Tagapagligtas na bumangon mula sa mga patay at muling bubuhay sa atin kasama Niya.


Ang muling pagkabuhay ay hindi natatapos sa libingan na walang laman. Noong nagpakita si Jesus sa Kanyang mga disipulo, hindi lamang Niya pinakalma ang kanilang mga takot o nagdiwang kasama nila. Binigyan Niya sila ng layunin at isinugo sila. ย ๐พ๐‘ข๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘Ž๐‘›๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘ข๐‘”๐‘œ ๐‘†๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐ด๐‘š๐‘Ž, ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘ข๐‘ ๐‘ข๐‘”๐‘œ ๐‘Ÿ๐‘–๐‘› ๐‘ก๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ ๐‘›๐‘– ๐ฝ๐‘’๐‘ ๐‘ข๐‘ . ๐‘ƒ๐‘ข๐‘š๐‘ข๐‘๐‘ข๐‘›๐‘ก๐‘Ž ๐‘ก๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘–๐‘ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž๐‘ค๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘˜ ๐‘Ž๐‘ก ๐‘ ๐‘ข๐‘”๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘ข๐‘›๐‘‘๐‘œ ๐‘›๐‘Ž ๐‘๐‘–๐‘ก๐‘๐‘–๐‘ก ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘”-๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘ข๐‘™๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž๐‘๐‘ขโ„Ž๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘Ž ๐‘ ๐‘– ๐ฝ๐‘’๐‘ ๐‘ข๐‘ .

.


Ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ay hindi ang dulo ng kwento. Ito ay isang magandang simula, kung saan isinusugo tayo bilang mga patunay na ang kamatayan ay natalo na at ang buhay na ang siyang naghahari ngayon.


๐—ง๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ด๐—ผ๐—ป

โ€ข Balikan ang mga nakaraang buwan. Nakikita ba sa buhay mo ang tagumpay ni Cristo? O may mga bahagi pa rin ba sa buhay mo kung saan pakiramdam mo ay talunan ka o tila wala nang patutunguhan?

โ€ข Paano nakikita sa โ€™yo ang pamumuhay bilang isang tao na muling nabuhay kasama ni Cristo? Sa susunod na mga linggo, pag-isipan mo ang nakasulat sa 1 Corinto 15:55โ€“58 at ang mga kwento ng ebanghelyo tungkol sa muling pagkabuhay. Hilingin sa Diyos na tulungan kang mamuhay sa tagumpay na nakamit na ni Cristo.ย 

โ€ข Sino sa mga nakapaligid sa iyo ang maaaring pinapalapitan sa iyo ng Diyos, upang maranasan nila ang pag-asa ng muling nabuhay na si Jesus sa pamamagitan ng iyong buhay?



๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป

Ama, salamat na dahil kay Cristo, ang kamatayan ay hindi ang dulo ng kwento. Ang Iyong pangako ay muli rin kaming bubuhayin kasama Niya at makakasama Mo nang walang hanggan. Tulungan Mo po kaming mamuhay nang may tiwala at pag-asa dahil alam namin na bagamaโ€™t may paghihirap dito sa lupa, tiyak sa Iyo ang tagumpay magpakailanman. Nawaโ€™y madala namin ang pag-asang ito sa mundong puno ng pagdurusa para maranasan din ng iba ang tagumpay ng Iyong Anak, mabago sila ng Iyong Espiritu at Salita, at mamuhay din sila para sa Iyo hanggang sa dulo ng aming mga buhay. Sa pangalan ni Jesus, amen.


๐—”๐˜„๐—ถ๐˜/๐—›๐—ถ๐—บ๐—ป๐—ผ

โ€œ๐—–๐—ฟ๐—ผ๐˜„๐—ป ๐—›๐—ถ๐—บ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ผ๐˜„๐—ป๐˜€โ€ ย (โ€œ๐˜‰๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜š๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ขโ€) ni Matthew Bridges


๐˜Š๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฏ ๐˜๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜“๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฅ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ญ๐˜ช๐˜ง๐˜ฆ

๐˜ž๐˜ฉ๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฐโ€™๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ท๐˜ช๐˜ค๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ง๐˜ฆ

๐˜๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ


๐˜๐˜ช๐˜ด ๐˜จ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ธ ๐˜ธ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ

๐˜ž๐˜ฉ๐˜ฐ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ

๐˜ž๐˜ฉ๐˜ฐ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ง๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฆ