Higit pa sa Sapat

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Ano ang isang pagpapala sa buhay mo na maaaring hindi mo napahalagahan?

โ€ข Paano nakikita ang maayos na pamamahala sa tagumpay o yaman?

โ€ข Ano ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng โ€œsobra-sobraโ€? Ano ang ilan sa mga panganib nito?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ๐˜จ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ, ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ, ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช-๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ . . .โ€ย ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿญโ€“๐Ÿญ๐Ÿฏ


(Basahin din ang ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿฐโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ.)


Matapos sabihin ni Moises sa mga Israelita ang tungkol sa Lupang Pangako kung saan mararanasan nila ang paglipat mula sa kakulangan tungo sa pagkakaroon ng sapat, nagbigay din siya ng babala tungkol sa panahong mararanasan nila ang kasaganahan. Sa linggong ito, matuto tayo mula sa babala at paalala ng Diyos sa Kanyang mga mamamayan kapag tayo naman ay dumaranas ng kasaganahan o higit pa sa sapat.


๐Ÿญ. ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป.

โ€œ๐˜๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ.โ€ ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿญ


Ipinapakita ng kakulangan at kasaganahan kung ano ang laman ng puso natin. Kapag nagkakaroon tayo ng yaman o tagumpay, madalas ay nagiging kampante tayo sa sarili natin at nakakalimot tayo sa Diyos. Hindi man natin Siya agad-agad na nakakalimutan, unti-unti tayong lumalayo habang mas umaasa sa sarili at sa ating nagagawa kapag huminto tayo sa paghahangad na makita Siya. Nagbibigay ng matibay na babala ang Kasulatan dahil ang kasaganahan ay maaaring tahimik na maglalayo sa atin sa Diyos. Sa bawat panahon, lalo na sa kasaganahan, tinatawag tayong alalahanin Siya at sumunod sa Kanya. Sa anong mga sitwasyon mas madaling makalimot sa Diyos, at bakit?


๐Ÿฎ. ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€.

โ€œ๐˜‰๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช, โ€˜๐˜š๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ.โ€™โ€ย ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿณ


Madaling magdulot ng pagmamataas ang kasaganahan. Kapag marami tayong tinatanggap, nagiging tukso na isipin na lahat ng ito ay dahil lang sa sariling kakayahan. Totoo na tinatawag tayo ng Diyos sa sipag at maayos na pangangasiwa, pero pinapaalalahanan tayo ng Kasulatan na Siya pa rin ang tunay na pinagmumulan ng lahat. Kapag kinikilala natin ito, nananatiling mapagpakumbaba ang ating puso at umaasa sa Kanya. Naranasan mo na bang ipagmalaki ang iyong mga nakamit? Paano mo sasadyaing maibalik ang papuri sa Diyos?


๐Ÿฏ. ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ.

โ€œ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ.โ€ย ๐——๐—˜๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ข ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿด


May plano at layunin ang Diyos sa bawat panahonโ€”panahon man ng kakulangan, sapat, o sobra-sobra. Ang kasaganahan ay pagkakataon para itugma ang ating mga tinatanggap sa Kanyang layunin. Kapag naaalala natin ang katapatan ng Diyos sa Kanyang pangako, nakikita natin na ang mga biyaya ay hindi lang ibinigay para sa atin, kundi ipinagkatiwala sa atin. Ang mga ipinagkaloob ng Diyos sa atin ay hindi dapat manatali sa atin. Sa halip, dapat itong mag-umapaw patungo sa ibang tao at sa mga bansa. Ano ang sinabi ng Diyos kay Abraham nang nangako Siyang pagpapalain Niya ito (Genesis 12:2โ€“3)? Sa tingin mo, paano ninanais ng Diyos na gamitin mo ang mga ipinagkatiwala Niya sa โ€™yo sa panahong ito?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Sa panahon ng kasaganahan, ano ang mga bagay na nakakaagaw ng atensyon mo mula sa Diyos (hal. kaginhawaan, pagiging abala, tagumpay)? Sa linggong ito, pag-isipan kung paano mo maibabalik ang iyong pagtuon sa Kanya at kikilalanin ang Diyos bilang pinagmumulan ng lahat.

โ€ข Saang banda maaaring tahimik na umuusbong ang pagmamataas sa buhay mo? Dalhin ito sa Diyos sa panalangin. Humingi ng kababaang-loob upang maalala na Siya ang nagbibigay ng kakayahan upang magkaroon tayo ng yaman.

โ€ข Anong mga bagay (oras, kakayahan, at kayamanan) ang ipinagkatiwala sa โ€™yo ng Diyos? Paano ka tinatawag ng Diyos na gamitin ang mga ito para sa Kanyang misyon? Humingi ng isang konkretong hakbang na magagawa mo ngayong linggo.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang pagkakaloob at katapatan sa bawat panahon.

โ€ข Hilingin sa Kanya na ingatan ang puso mo laban sa pagmamataas at labis na pag-asa sa sarili. Ipanalangin na lagi mo Siyang maalala at maparangalan sa lahat ng mayroon ka.

โ€ข Ipanalangin na ipakita ng Diyos ang mga pagkakataon para maging pagpapala ka sa iba, tulad ng pagpapala Niya sa โ€™yo. Hilingin na maibahagi mo sa iba hindi lamang ang Kanyang mga biyaya, kundi maging kung sino Siya.