Filipino

๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ฅ๐—œ ๐—”๐—ง ๐—ง๐—”๐—š๐—”๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ

Ang pinakamakapangyarihang Haring lahat ng nilikha ang Siya ring mapagkumbabang Tagapagligtas na tumatawag sa atin patungo sa Kanya, nagbibigay ng kapayapaan, layunin, at walang hanggang pag-asa.ย 


๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก

๐˜š๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช-๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข. ๐˜š๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช-๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข, ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜‰๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ. ๐™Ž๐™ž ๐˜พ๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ช๐™ก๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™œ๐™ก๐™š๐™จ๐™ฎ๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ. ๐˜š๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต. ๐˜š๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข-๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜Ž๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐™ฅ๐™–๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™ช๐™œ๐™ค ๐™ฃ๐™ž ๐˜พ๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ ๐™ง๐™ช๐™จ. ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿญ๐Ÿฑโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ

ย 

๐—ฃ๐—”๐—š-๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก

Ano ang gagawin mo kung biglang kumatok sa inyong pinto ang isang kilala at makapangyarihang hari, suot ang kanyang magarang damit at korona? Papapasukin mo ba siya at ibibigay sa kanya ang buong atensyon mo? Paano kung dumating ang haring ito, ngunit nakabihis na parang isang mapagkumbabang utusan sa halip na isang makapangyarihang pinuno? Makikilala mo ba siya at papapasukin?

ย 

Inihayag ni Pablo na ang haring dumating para makasama natin ay hindi isang pangkaraniwang hari. Siya ang larawan ng di-nakikitang Diyos, at ipinapakita Niya sa sangkatauhan ang kabuuan ng likas na katangian ng Diyos. Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha, hindi bilang isang nilikha, kundi bilang pinakamakapangyarihan sa lahat. Sa pamamagitan Niya, nabuo o umiral ang lahat ng bagayโ€”sa langit man o sa lupa, nakikita o hindi nakikita. Sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan. Siya ang naghahari sa lahat ng diyos, pilosopiya, at mga pinuno. Ang Kanyang kaluwalhatian ay walang kapantay, ang Kanyang kapangyarihan ay walang hangganan, at ang Kanyang paghahari ay buong-buo. Ang Kanyang pangalan ay Jesus, at Siya ang pinakamakapangyarihang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon sa buong nilikha, sa lahat ng pisikal at espirituwal na mga bagay.

ย 

Ibinigay ni Pablo ang isang kamangha-manghang larawan ng kadakilaan at paghahari ni Jesu-Cristo, hindi para malula tayo sa Kanyang kapangyarihan, kundi upang akayin tayo tungo sa pagkakaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa lawak ng Kanyang pagmamahal sa atin. Ipinaliwanag niya na ang dakilang Diyosโ€”ang Lumikha at nagpapanatili ng buong sanlibutanโ€”ay nagpakumbaba at namuhay kasama ng mga tao. Bumaba Siya sa mundo na Kanyang nilikha, nagkatawang-tao, at pinagtiisan ang isang napakasakit na uri ng kamatayan para pagbayaran ang mga kasalanan ng mismong mga taong tumanggi sa Kanya. Ang Kanyang sakripisyo sa krus ang pinakaganap na pagpapakita ng Kanyang pagmamahal at biyaya. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang maibalik tayo sa Kanya at maitama ang nawasak na relasyon natin sa Kanya na bunga ng ating mga kasalanan. Ang pinakamakapangyarihang Hari ng lahat ng nilikha ang Siya ring mapagkumbabang Tagapagligtas na tumatawag sa atin patungo sa Kanya, nagbibigay ng kapayapaan, layunin, at walang hanggang pag-asa.ย 


Para sa ganitong kamangha-manghang pagmamahal, pagsamba ang tanging nararapat na tugon. Wala nang iba pang mas nararapat para sa Kanya kundi ang ating buong pusong pagsuko. Ibig sabihin nito ay maliban sa Kanya, dapat nating talikuran ang anumang bagay na inaasahan natin para makahanap ng seguridad at pag-asa. Si Jesus ay sapat na. Ang buong debosyon, tiwala, at katapatan natin ay tanging nasa Kanya lamang.ย 


Siya man ay nakabihis bilang isang makapangyarihang Hari o bilang isang mapagkumbabang tagapaglingkod, hawak ni Jesus ang lahat ng kapangyarihan at awtoridad. Kapag hinayaan natin Siyang pumasok at maghari sa atin, mararanasan natin ang kapangyarihan Niya na nagdadala ng pagbabago sa ating mga buhay.ย 


๐—ง๐—จ๐— ๐—จ๐—š๐—ข๐—ก

โ€ข Si Jesus ang nag-iisa at pinakamakapangyarihang Panginoon ng lahat ng nilikha, ngunit madalas ay nakatuon tayo sa ibang mga bagay. Nasaan ang iyong debosyon? Paano ka lumalapit kay Jesus para sa iyong layunin, pag-asa, o seguridad? Ano ang kailangan mong isuko para maibigay ang iyong buong katapatan sa Kanya?ย 

โ€ข Si Jesus ay nararapat tumanggap ng ating pagsamba at papuri. Paano mo ipinapakita ang iyong pagsamba sa Kanya sa araw-araw mong pamumuhay? Bilang tugon sa Kanyang pagmamahal, paano ka magiging mas masigasig sa pagsamba sa Kanya araw-araw?ย 

โ€ข Sa mga panahon ng kahirapan, nakatutok ka ba sa iyong kalagayan o kay Jesus, na nagtiis sa krus para sa iyong kapakanan? Paano mapapalakas ng Kanyang sakripisyo ang iyong determinasyon na magpatuloy, lalo na kapag nararamdaman mong gusto mo nang sumuko?ย 


๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Panginoong Jesus, Ikaw ang larawan ng Diyos, ang Hari ng lahat, ngunit Ikaw po ay nagpakumbaba upang mamuhay kasama namin at mamatay para sa amin. Patawarin Mo po ako sa pagbibigay ko ng tiwala sa mga pamamaraan ng mundo at sa pag-asa ko sa mga bagay o tao maliban po sa Iyo. Isinusuko ko ang mga bagay na ito at ibinibigay ko po sa Iyo ang aking buong katapatan. Tulungan Mo po akong maalala kung sino Ka, anuman ang kalagayan ko, at ipakita Mo po sa akin kung ano ang kailangan kong ilapag sa Iyong harapan, upang patuloy na sumunod sa Iyo. Sa mga panahon ng kahirapan, tulungan Mo po akong magtiwala sa Iyo, at humugot ng lakas mula po sa Iyong sakripisyo. Nawaโ€™y makita sa buhay ko ang Iyo pong kadakilaan, pagmamahal, at biyaya habang akoโ€™y sumasamba sa Iyo at nagpapasakop sa Iyong kalooban. Amen.ย