Filipino
๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ
Ipinapakita ng mga salita ni Cristo na ganap Niyang nakamit ang ating kaligtasan, at wala na tayong maidaragdag pa.
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก
๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ช๐ฑ๐ด๐ช๐ฑ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ, ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ช๐บ๐ข, โ๐๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข!โ ๐๐ฏ๐ช๐บ๐ถ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐ญ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ฐ๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ๐ข. ๐๐จ๐๐ก ๐ญ๐ต:๐ฏ๐ฌ
Mga Karagdagang Babasahin: ๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐-๐๐๐๐ฆ๐ข ๐ฎ:๐ดโ๐ต; ๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐-๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ฎ:๐ญ๐ฏโ๐ญ๐ฐ; ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ณ:๐ฎ๐ฑ; ๐ญ๐ฌ:๐ญ๐ฎโ๐ญ๐ฐ
Ipinapakita ng mga salita ni Cristo na ganap Niyang nakamit ang ating kaligtasan, at wala na tayong maidaragdag pa.
โTapos naโโisang pambihirang pahayag, lalo na sa isang mistulang sandali ng kahinaan at kahihiyan. Ngunit ano ang natapos? Buhay ni Jesus? Ang Kanyang gawain? Upang maintindihan kung ano ang natapos, kailangan nating tingnan ang simula.
Sa kwento ng paglikha sa Genesis 1โ2, ginawa ng Diyos sina Adan at Eva ayon sa Kanyang imahe at inatasan silang pamahalaan ang mundo kasama Niya. Ngunit nag-iba ang kwento nang suwayin nila ang Diyos, at nakapasok ang kasalanan sa mundo.
Dahil sa orihinal na kasalanan, nahiwalay sa Diyos hindi lang sina Adan at Eva kundi ang buong sangkatauhan, at wala tayong magagawa upang ayusin ang pagkakahiwalay na ito. Tanging ang Diyos lamang ang may magagawa rito.
Alam ng Diyos na kakailanganin natin ang Kanyang awa at pagpapalaya sa kasalanan bago pa man Niya nilikha ang sansinukob. Sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, nagsimula Siyang magplano para iligtas tayo at ibalik sa tamang ugnayan sa Kanya. Ang planong ito, na isinagawa sa lahat ng mga tipan sa Lumang Tipan, ay humantong sa krus sa Bagong Tipan. Sa pamamagitan ng pagkamatay ni Jesu-Cristo, ang Kanyang Anak, naisakatuparan ito sa wakas.
Ang utang ng kasalananโang utang na kailanman ay hindi natin mababayaranโay binayaran nang buo ng dugo ni Jesus, nang minsan at para sa lahat, sa krus. Oo, naisakatuparan ni Jesus ang Kanyang misyon sa mundo, at naibalik tayo sa Kanya.
Tila nagsasalungatan, ang โTapos naโ ay tanda ng simula ng bagong kasunduan. Sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus sa krus, nahanap natin ang pagpapatawad, pagtubos, at pakikipag-ayos sa Diyos. Sa kabila ng ating mga kasalanan at kamalian, ibinibigay sa atin ng Diyos ang pagiging matuwid ng Kanyang Anak. Mamuhay tayo araw-araw nang nananalig sa ating kaligtasan, dahil alam natin na wala na tayong madadagdag pa.
Narito ang pagsasalin ng isang himno sa Filipino:
๐๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข! ๐๐ข๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ด๐ช๐ข๐ด
๐๐ช๐ญ๐ข๐จ๐ฐ๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ, ๐ฏ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐๐ข๐ฏ๐บ๐ข
๐๐ข๐ช๐ด๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ถ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ญ๐ข๐บ
๐๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด ๐ข๐บ ๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข
ย โโ๐๐ช๐ด ๐๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ฉ๐ฆ๐ฅ! ๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ฆ๐ด๐ด๐ช๐ข๐ฉ ๐๐ช๐ฆ๐ดโย
(๐๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ฉ๐ข๐ณ๐ญ๐ฆ๐ด ๐๐ฆ๐ด๐ญ๐ฆ๐บ)
๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก
Pag-isipan ang konsepto na binayaran na nang buo ni Jesus ang utang ng kasalanan sa krus. Paano mo isasabuhay ang pagkaunawa na ito sa iyong mga ugnayan at kilos?
๐๐๐ช๐๐ก
Isulat ang mga pangalan ng mga taong kilala mo na hindi pa tumatanggap kay Cristo bilang Panginoon. Ipanalangin sila, habang humihiling sa Diyos ng pagkakataon na maibahagi ang magandang balita ng ebanghelyo at kaligtasan sa kanila.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
Ama sa langit, maraming salamat po para sa ganap na ginawa ni Jesus sa krus. Noong sinabi Niyang โTapos na,โ ang aming kaligtasan ay nakamit namin nang buo, at wala na kaming maidadagdag pa rito. Nagpapasalamat kami para sa Inyong planong pagligtas. Tulungan po Ninyo kaming mamuhay sa araw-araw nang may pananalig na may katiyakan ang kaligtasan namin sa Kanya.
Jesus, kami po ay napapakumbaba ng Inyong sakripisyo. Dinala Ninyo ang bigat ng aming mga kasalanan at binayaran ang utang na hindi namin kailanman mababayaran. Sa pamamagitan ng Inyong dugo, kami ay napatawad, nailigtas, at ginawang matuwid.
Sa ngalan ni Jesus, Amen.