Filipino

๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—”๐—›๐—˜

Kapag nakatuon tayo sa mga biyaya natin kay Cristo kaysa sa ating mga pagsubok, hindi tayo madaling matitinag o mawawalan ng pag-asa.ย 


๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก

๐˜•๐˜ข๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™–๐™ ๐™ž๐™ก๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™–-๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™– ๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ค. ๐˜ผ๐™ฉ ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™๐™ž๐™ข ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™ค: ๐™Ž๐™ž ๐˜พ๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™ช๐™ข๐™–๐™จ๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™จ๐™š๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ. ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด. . .ย ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿณโ€“๐Ÿฎ๐Ÿด


Basahin din ang: ๐—˜๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿณ; ๐Ÿฏ:๐Ÿญ๐Ÿฒ; ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿตย ย 

ย 

๐—ฃ๐—”๐—š-๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก

Habang patuloy na tinutupad ni Pablo ang kanyang tawag kay Cristo bilang ministro para sa mga hindi Judio, inilalarawan niya ang mga yaman ng kaluwalhatian ng misteryong ito. Ang misteryong ito ay ang ebanghelyo ng Panginoong Jesu-Cristo, na siyang ulo ng Iglesya at ang ating pag-asa ng kaluwalhatian. Tungkol ito sa ating hinaharap na pag-asa, muling pagkabuhay, at kaluwalhatian.ย 


Madalas banggitin sa Bagong Tipan ang tungkol sa ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข-๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ. Ang ibig sabihin nito ay ang kasaganaan ng mga biyayang mayroon tayo sa Diyos. Kay Cristo, mayroon tayong pagtubos, kapatawaran (Efeso 1:7), lakas (Efeso 3:16), at kasagutan sa ating mga pangangailangan (Filipos 4:19). At marami pang iba!

ย 

Ang pag-asa natin kay Cristo at ang mga yaman ng kaluwalhatian ng ebanghelyo ay kabaligtaran ng kalungkutan at kakulangan sa ating mundo ngayon. Kapag tumitingin tayo sa ating mga gadget, madalas tayong malungkot, madismaya, o mag-alala. Nangyayari ito kapag nalalaman natin ang mga kaganapan sa mundo o kapag naiinggit tayo sa ginagawa ng iba. Pero kung naniniwala tayo sa pag-asa ng kaluwalhatian kay Cristo, may sagot tayo sa lahat ng ito.

ย 

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay may kinalaman sa halaga o bigat ng Kanyang presensya sa ating buhay. Kapag mas nakikilala natin ang kaluwalhatian ng Diyos, mas nagiging mas mahalaga Siya sa atin kaysa sa ating mga pansamantalang problema o alalahanin. Kapag nakatuon tayo sa mga biyaya natin kay Cristo kaysa sa ating mga pagsubok, hindi tayo madaling matitinag o mawawalan ng pag-asa. Mananatili tayong matatag kay Cristo.


Sinabi ni Pablo na pinili ng Diyos na ipakita sa mga banal kung gaano kalaki ang mga yaman ng kaluwalhatian ng misteryong ito sa mga hindi Judio. Kayaโ€™t dapat din nating ipahayag ang mensaheng ito sa iba. Makikita ito sa buhay ng mga naniniwala kay Jesus.


Bilang mga mananampalataya ngayon, nawaโ€™y magsilbing patotoo ng mensahe ng ebang helyo ang ating mga buhay. Nawaโ€™y maging totoo ito sa atin araw-araw at patuloy tayong magbago dahil dito. Nawaโ€™y makita si Jesu-Cristo, ang pag-asa ng kaluwalhatian, sa lahat ng ating ginagawa at sa ating buhay. Ipagdiwang natin ang pag-asa na ito sa lahat ng aspeto ng ating buhay.


๐—ง๐—จ๐— ๐—จ๐—š๐—ข๐—ก

โ€ข Kailan mo unang narinig ang ebanghelyo? Paano nito binago ang buhay mo? Isipin ang isang pagbabago sa iyong buhay na hindi maipapaliwanag ng iyong pamilya o mga kaibigan nang hindi tinutukoy na ito ay gawa ng Diyos.

โ€ข Paano makakatulong sa buhay mo ngayon at sa araw-araw ang katotohanang si Jesus ang pag-asa ng kaluwalhatian?

โ€ข Mayroon bang mga humahadlang sa iyo para maging saksi ni Cristo? Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng lakas ng loob at kagustuhang hayaan Siya na baguhin ka para maipahayag mo ang ebanghelyo sa mga tao sa iyong paligid.ย 


๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Ama naming Diyos,


Salamat po sa pagpapakilala Ninyo sa amin kay Cristo. Siya ang aming pag-asa ng kaluwalhatian. Salamat po sa mga biyaya Niya na nararanasan namin araw-araw. Nawaโ€™y manatili kami kay Cristo sa lahat ng pagkakataon. Nawaโ€™y maipahayag namin Siya sa aming mga salita at buhay.


Sa pangalan ni Jesus, amen.ย