Ang Trabaho Bilang Isang Patotoo

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Magkwento tungkol sa panahong pakiramdam mo ay may mahalaga kang nagawa sa trabaho mo.ย 

โ€ข Sa palagay mo, anu-anong mga katangian ang dapat mayroon ang isang tao para maituring na masipag?

โ€ข Kung magkukwento ka sa iba tungkol sa trabaho mo, paano mo ito ilalarawan?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด, โ€œ๐˜“๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ด. ๐˜š๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ: ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜บ, ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ, ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ.โ€ ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ, ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฆ ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข. ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€“๐Ÿฎ๐Ÿณ


Ang trabaho ay isang pagpapala mula sa Diyos at isa sa mga paraan ng ating pagsamba sa Kanya. Pero ang layunin ng Diyos sa ating trabaho ay higit pa sa pagsamba natin. Mula pa noong una, nilikha Niya tayo ayon sa Kanyang wangis o imahe para kumatawan sa Kanya sa mundong ito. Paano nagiging patotoo tungkol sa Diyos ang mga trabaho natin? Tingnan natin ang dalawang paraan kung paano natin magagamit ang ating trabaho para magpatotoo tungkol sa Kanya.


๐Ÿญ. ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐˜€๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด, โ€œ๐˜“๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ด. ๐˜š๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ: ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜บ, ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ, ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ.โ€ ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿฒ


Nilikha tayo ng Diyos ayon sa Kanyang wangis para maging kinatawan Niya sa mundong ito. Bilang mga tagapagdala ng Kanyang wangis, tinawag Niya tayo para ipakita ang Kanyang katangian sa lahat ng ating ginagawa, kasama na ang ating trabaho. Tulad ng Diyos, may kakayahan tayong mag-isip, umunawa, malaman ang pagkakaiba ng tama at mali, at maipahayag ang ating damdamin, kagustuhan, at pagiging malikhain. May kakayahan din tayong lumikha, magmahal, at pangalagaan ang Kanyang nilikha. Kapag ginagamit natin ang mga kakayahang ito nang may katapatan, karunungan, pagmamahal, at malasakit sa kapwa, tapat nating kinakatawan ang Diyos. Dahil dito, ang ating trabaho ay hindi lang isang paraan para kumita ng ikabubuhay. Isa rin itong paraan para magpatotoo tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang katangian sa mundo. Paano mo nakita ang pagpapahayag ng isang tao ng mga katangian ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang trabaho?


๐Ÿฎ. ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐˜€๐—ถ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.

๐˜‰๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ.โ€ย ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿด


(Basahin din ang ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿฑ.)


Ang Diyos ang Maylikha ng langit at lupa, pero sa Kanyang kabutihan, pinili Niyang makibahagi ang tao sa pangangalaga ng Kanyang nilikha. Pinagpala Niya sila at inutusan:ย ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. Hindi lang ito utos na paramihin ang tao sa daigdig. Ipinagkatiwala rin ng Diyos sa tao, bilang mga tagapagdala ng Kanyang wangis, ang pribilehiyo at pananagutang linangin, pamahalaan, at pangalagaan ang Kanyang nilikha para maipakita ang Kanyang kabutihan sa buong mundo. Makikita sa Genesis 2:15 ang isang halimbawa nito nang ilagay ng Diyos si Adan sa halamanan ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. Ang gawain ng Diyos ay hindi limitado sa mga ginagawa natin sa iglesya o paglilingkod. Kumikilos din Siya sa matapat na pagsasagawa natin sa mga responsibilidad na ipinagkatiwala Niya sa atin sa bawat araw. Kapag ginagawa natin nang maayos ang ating trabaho, napagpapala natin ang iba, naipapakita ang kabutihan ng Diyos, at nagiging patotoo tayo tungkol sa Kanya. Magkwento tungkol sa isang pagkakataon na ang mabuting ginawa ng isang tao ay nagdulot sa iyo ng papuri sa Diyos o mas malalim na pagpapahalaga sa Kanyang kabutihan, gaya ng sinabi ni Jesus sa Mateo 5:16?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Paano napapalakas ang loob mo ng katotohanang ang trabaho ay isang pagpapala ng Diyos para sa atin, sa ibang tao, at sa Kanyang nilikha? Mag-isip ng kahit isang paraan kung paano nagdudulot ng mabuting epekto ang iyong trabaho, hindi lang sa iyong pamilya kundi pati sa inyong komunidad.

โ€ข Sa palagay mo, paano makikita ang kahusayan sa iyong trabaho? Paano mo maisasabuhay ang kahusayan sa iyong ginagawa para mabigyan mo ng papuri ang Diyos at maging patotoo ka sa iba ngayong linggo?

โ€ข Bilang tagapagdala ng wangis ng Diyos, sa tingin mo, paano ka tinatawag ng Diyos, at ang iyong small group, para pangalagaan ang Kanyang nilikha? Mag-isip ng isang simpleng paraan na makakatulong para magawa ninyo ito.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa paglikha Niya sa atin ayon sa Kanyang wangis at pagtawag sa atin bilang mga kinatawan Niya sa mundong ito. Ipanalangin na makita mo ang iyong trabaho bilang paraan para maipakita ang Kanyang kabutihan at malasakit sa mga taong nasa paligid mo.

โ€ข Humingi sa Diyos ng karunungan, disiplina, at tiyaga para maging mabuting katiwala tayo ng Kanyang nilikha, ayon sa Kanyang kalooban. Ipanalangin din na magamit tayo ng Diyos upang mahikayat at mapalakas ang loob ng iba na gawin din ito.

โ€ข Ipanalangin na habang sinasalamin natin ang wangis ng Diyos at tinutupad ang Kanyang utos na magparami sa mundo at pangalagaan ang Kanyang nilikha, mas marami pang tao at ang buong sangkalikasan ang makinabang at makaranas ng Kanyang kabutihan. Nawaโ€™y mas marami pang magtiwala kay Jesus at magbigay ng kaluwalhatian sa Kanya.