Filipino
๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐๐๐ก
Ang tunay na tagumpay sa buhay at ministeryo ay hindi nagmumula sa ating sariling pagsisikap, kundi sa kapangyarihan ng Diyos na malakas na kumikilos sa buhay natin.
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก
๐๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ฑ๐ข๐ฅ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฏ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ณ๐ข๐ฑ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ง๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐พ๐ง๐๐จ๐ฉ๐ค ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ ๐๐จ ๐จ๐ ๐๐ ๐๐ฃ.ย ๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฎ๐ต
Basahin din ang: ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฑ:๐ฑโ๐ญ๐ญ; ๐ญ ๐๐ข๐ฅ๐๐ก๐ง๐ข ๐ญ๐ฑ:๐ญ๐ฌ; ๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฏโ๐ญ๐ฐ; ๐ญ ๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐๐ข ๐ญ:๐ญ๐ฎย
ย
๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก
Sa Colosas 1:29, ipinakita ni apostol Pablo ang ugnayan ng banal na kapangyarihan at pagsisikap ng tao sa buhay Kristiyano. Ipinapakita ng buhay ni Pablo ang tila nagbabang gaang kaisipan tungkol sa pagsusumikap sa pagmiministeryo: habang mas nagpapakahirap siya, mas lalo siyang umaasa sa pambihirang lakas ng Diyos.
Ginamit ni Pablo ang salitang nagpapakahirap na nagpapakita ng matinding pagsusumikap, tulad ng isang atleta na nakikipaglaban sa karera. Ang ganitong klaseng pagsusumikap ay ganap na aktibo; nangangailangan ito ng atensyon, disiplina, at pagtitiyaga. Pero nilinaw ni Pablo na ang lakas sa likod ng kanyang pagpapakahirap ay hindi nagmumula sa kanya kundi mula sa banal na kapangyarihan ng Diyos na nagtatagumpay laban sa lahat ng mga hadlang.ย
Binibigyang-diin ni Pablo na ang tagumpay niya sa pagpapahayag ng ebanghelyo sa mga hindi mananampalataya at ang pagpapakita ng mga mananampalataya bilang ganap kay Cristo ay hindi dahil sa kanyang lahi, determinasyon, o mga talento, kundi dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Ang katotohanang ito ay tugma sa realidad na gaano man ka disiplinado, hindi sapat ang lakas ng tao para sa espirituwal na gawain ng pagbabago. Kapag nagtangka ang mga mananampalataya na magsilbi sa Diyos gamit lamang ang kanilang sariling lakas, tiyak na makakaranas sila ng pagkabigo, pagkapagod, at kawalan ng espirituwal na bunga.ย
ย
Ang isang magandang halimbawa ng katotohanang ito ay matatagpuan sa Lucas 5, sa karanasan ng mga disipulo ni Jesus. Si Pedro, isang bihasang mangingisda, ay buong magdamag na hindi nakahuli ng isda. Nang inutusan siya ni Jesus na maghagis muli ng kanyang lambat, sumagot si Pedro, โ๐๐ถ๐ณ๐ฐ, ๐ฎ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ข๐จ ๐ฑ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ด๐ฅ๐ข ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฉ๐ถ๐ญ๐ช. ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ, ๐ช๐ฉ๐ถ๐ฉ๐ถ๐ญ๐ฐ๐จ ๐ฌ๐ฐ ๐ถ๐ญ๐ช๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ข๐ต.โ Ang resulta? Isang milagrosong huli ng isda na sobrang dami at halos mapunit na ang kanilang mga lambat!ย
Ang kaibahan ng nabigong pagsusumikap ni Pedro at ng kanyang pambihirang tagumpay ay bunga ng isang mahalagang bagay: ang pagsunod kay Cristo habang umaasa sa Kanyang kapangyarihan. Tulad ni Pedro, madali tayong mahulog sa patibong ng pagsusumikap gamit ang ating sariling lakas, na nagdudulot lamang ng pagod, sama ng loob, at kabiguan. Minsan, sa ating araw-araw na gawain, buhay-pamilya, o ministeryo, maaari tayong mawalan ng pag-asa dahil sa bigat ng mga dapat gawin o sa maliliit na resulta. Ngunit habang nagsusumikap tayo sa Panginoon, binibigyan tayo ng Kanyang banal na kapangyarihan ng lakas na nagbibigay sa atin ng kakayahan upang magawa ang mga bagay na hindi kaya ng sarili nating lakas at pagsusumikap.ย
Itinuturo sa atin nito ang isang mahalagang prinsipyo: Kumikilos ang Diyos hindi sa halip natin, kundi sa pamamagitan natin. Ang Kanyang Espiritu ang nagbibigay sa atin ng lakas, gumagabay at nagpapatatag sa atin. Kapag iniaayon natin ang ating mga pagsusumikap sa Kanyang mga layunin, mararanasan natin ang Kanyang kapangyarihan sa mga paraang hindi natin kayang gawin nang mag-isa. Ang tunay na tagumpay sa buhay at ministeryo ay hindi nagmumula sa ating sariling pagsisikap, kundi sa kapangyarihan ng Diyos na malakas na kumikilos sa buhay natin.ย
๐ง๐จ๐ ๐จ๐๐ข๐ก
โข Paano ka makakaasa sa kapangyarihan ng Diyos para tuparin ang mga gawaing inaasahan Niyang magagawa mo?
โข Tukuyin ang mga personal na hamon na maaaring magpahirap o maglimita sa iyong pagsunod sa Dakilang Utos. Paano ka maaaring umasa sa kapangyarihan ng Diyos upang malampasan ang mga ito?ย
โข Maglista ng tatlong tao na pwede mong bahaginan ng iyong patotoo at ng ebanghelyo. Hilingin sa Banal na Espiritu na buksan ang kanilang mga puso at bigyan ka ng tapang at karunungan sa pakikipag-usap mo sa kanila ngayong linggo.ย
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
Ama naming Diyos, Punuin Mo po ng espirituwal na karunungan at pag-unawa ang puso at isipan ko upang malaman ko ang Iyong kalooban. Tulungan Mo po akong mamuhay nang karapat-dapat sa Iyo bilang aking Panginoon at magbigay luwalhati sa Iyo sa lahat ng aking ginagawa. Banal na Espiritu, bigyan Mo po ako ng kakayahang maging mabunga sa pagpapahayag ko ng ebanghelyo at pagdidisipulo sa lugar na itinakda Mo para sa akin. Panginoong Jesus, Ikaw ang nangunguna sa buhay ko. Amen.ย