Gawin Siyang Tanyag (Misyon)

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Pangalanan ang isang tao na may talento na sobra mong hinahangaan. Ano ang naramdaman mo noong una mo siyang nakita o nakilala?

โ€ข Ano ang isang deskripsyon na hindi mo gustong ginagamit ng ibang tao kapag ipinapakilala ka? Bakit ayaw mo nito?

โ€ข Ikwento ang isang pagkakataon na nagsakripisyo ka para sa isang bagay na alam mong mas mahalaga.


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด.โ€ย ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿฐ


(Basahin din ang ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿดโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ; ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿญ:๐Ÿด; ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐Ÿฑ:๐Ÿตโ€“๐Ÿญ๐Ÿฌ.)


Habang nakikilala natin ang Diyos sa ating debosyon sa Kanya, pwede rin nating malaman ang nasa puso Niya para sa mga bansa. Mula sa debosyon, kumikilos tayo papunta sa misyon. Ayon sa Mga Gawa 20, nagpahayag ng pamamaalam si Pablo sa mga elder sa Efeso dahil alam niya na babalik siya sa Jerusalem at makukulong. Inihayag niya ang kanyang masidhing kagustuhan na magpatotoo tungkol sa Diyos at ito ang pinakamahalaga sa kanya: ang matapos ang ipinapagawa sa kanya ng Diyos. Ngayong araw, titingnan natin ang mahalagang aral galing kay Pablo tungkol sa ating misyon na gawing kilala ang ebanghelyo at ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus.


๐Ÿญ. ๐——๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐˜€-๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.

โ€œ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ . . .โ€ย ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿฐ


Malugod na pumayag si Pablo na sumunod sa Diyos kahit kapalit pa nito ang buhay niya. Iniwan niya ang kaginhawaan ng kanyang tirahan. Nagtrabaho pa nga siya para pondohan ang misyon niya sa Corinto na siya din naman ang misyonero. Handa siyang pagtawanan at pahirapan; higit pa rito, handa siyang magdusa at mamatay para sa ebanghelyo. Pinahalagahan niya ang misyon dahil mula ito kay Jesus. Tulad nito, dapat ay pahalagahan natin ang misyon nang taos-puso. Kapag naunawaan natin na ang nagbigay ng misyong ito ay si Jesus, na nagdusa at namatay para matanggap natin ang ibinibigay na kaligtasan ng Diyos, mas papahalagahan pa natin ang Kanyang misyon. Sa anong mga paraan mo naipakita ang pagpapahalaga mo sa misyon ng Diyos?


๐Ÿฎ. ๐——๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€.

โ€œ. . . ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด.โ€ย ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿฐ


Nabigyan tayo ng pagkakataon na makilahok sa isinasagawang misyon ng Diyos dito sa mundo. Sa misyon ng Diyos na para sa lahat ng mga bansa, binigyan Niya tayo ng bahaging dapat nating gagampanan. Hindi man para sa lahat ang pangmatagalang misyon sa mga bansa, ang bawat isa pa rin sa atin ay may natatanging layunin kay Cristo. Hindi man natin makikita kung papaano ito magwawakas, mapapanatag tayo dahil sumunod tayo sa Kanyang pagtawag at nakilahok sa misyon Niyang iligtas ang mga tao mula sa bawat tribo at wika (Pahayag 5:9). Mula sa kinalalagyan mo ngayon, ano ang masasabi mong ipinapagawa sa โ€˜yo ng Diyos? Paano mo maipapakilala si Jesus sa mga nakapaligid sa โ€™yo?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Pag-isipan ang personal mong buhay at paglalakbay kasama ang Diyos. Paano mo pinahalagahan ang misyon ng Diyos? Ano sa palagay mo ang ipinapagawa sa โ€™yo ng Diyos ngayon?

โ€ข Alam mo ba kung paano maipagpapatuloy ang misyon ng Diyos kung nasaan ka man ngayon? Sa tingin mo, saan ka ipinapadala ng Diyos?

โ€ข Ibigay ang pangalan ng isang tao na inilagay ng Diyos sa puso mo. Ipanalangin na magkaroon ka ng karunungan para maipakilala mo ang Diyos sa kanya.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos para sa pagmamahal Niya sa mga bansa at Kanyang bayan. Pasalamatan Siya sa pribilehiyong makibahagi sa Kanyang misyon.

โ€ข Ipanalangin na magkaroon ka ng lakas ng loob at tapang para maakay ang iba na kilalanin din si Cristo. Hingin sa Diyos ibigay sa iyo ang mga salita at malikhaing ideya para maipakilala Siya.

โ€ข Ipanalangin na ipakita sa iyo ng Banal na Espiritu kung ano ang layunin ng Diyos para sa iyo sa panahong ito. Ipagdasal na marinig mo nang malinaw ang paggabay ng Diyos para sa panandalian o pangmatagalan Niyang tawag sa buhay mo, at manatili ka sa misyon Niya saan ka man Niya tawagin.