Dobleng Bahagi

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Kung sakaling may isang taong gagaya sa paraan kung paano mo ginagawa ang mga bagay-bagay, ano sa palagay mo ang magiging reaksyon mo dito?

โ€ข Kailan ang huling pagkakataon na pinamunuan mo ang isang grupo o aktibidad? Ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili mula sa karanasang ito?

โ€ข Naranasan mo na ba ang matiyagang pagsunod sa isang tao? Ano ang dahilan kung bakit mo sinusundan ang taong ito at ano ang naging epekto niya sa buhay mo?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ด๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ถ-๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฐ ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜Ž๐˜ช๐˜ญ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ. ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฐ, โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ด๐˜ข ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ญ.โ€ ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฐ, โ€œ๐˜š๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ช๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ญ.ย ๐Ÿฎ ๐—›๐—”๐—ฅ๐—œ ๐Ÿฎ:๐Ÿญ-๐Ÿฎ


(Basahin din ang ๐Ÿฎ ๐—›๐—”๐—ฅ๐—œ ๐Ÿฎ:๐Ÿฏ-๐Ÿญ๐Ÿฑ.)


Sa mga huling araw ng propetang si Elias, nagkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng mga propeta sa Israel dahil siyaโ€™y mapapasalangit na. Ipinapakita sa atin ng talatang ito kung paano tumanggi si Eliseo, isang tagasunod ni Elias at isa ring propeta, na iwan si Elias. Sa araw na ito, tatalakayin natin kung paano naganap ang pagpasa ng pamumuno at kung paano ipinagpatuloy ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng buhay ng isang taong natutulad ang alab ng puso at pagnanais sa taong nauna sa kanya.


๐Ÿญ. ๐—ฆ๐—ถ ๐—˜๐—น๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—˜๐—น๐—ถ๐—ฎ๐˜€.

๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฐ, โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ด๐˜ข ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ญ.โ€ ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฐ, โ€œ๐˜š๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ช๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ญ.ย  ๐Ÿฎ ๐—›๐—”๐—ฅ๐—œ ๐Ÿฎ:๐Ÿฎ


Determinado si Eliseo na ibigay ang lahat ng oras na maaari niyang ibigay para makasama ang propetang si Elias. Alam niyang patapos na ang buhay ni Elias sa mundo, kaya matiyaga niyang sinundan si Elias habang tinatapos nito ang mga natitirang ipinapagawa ng Diyos sa kanya. Nakikita natin ang kababaang-loob ni Eliseo na nagnanais matutunan ang lahat ng maaari niyang matutunan mula sa kanyang guro, at ang kanyang katapatan sa tawag ng Diyos. Ang pag-uugali ni Eliseo ay isang mabuting halimbawa para sa atin upang tayo rin ay maghangad na matuto mula sa mga taong nauna sa atin. May nakakasama ka bang taong kabilang sa naunang henerasyon? Ano ang natutunan mo mula sa kanya?


๐Ÿฎ. ๐—ฆ๐—ถ ๐—˜๐—น๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ถ ๐—˜๐—น๐—ถ๐—ฎ๐˜€.

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฐ, โ€œ๐˜‰๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ.โ€ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฐ, โ€œ๐˜Ž๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ย ย ๐Ÿฎ ๐—›๐—”๐—ฅ๐—œ ๐Ÿฎ:๐Ÿต


Para sa mga tao noong panahong iyon, malinaw na noong hilingin ni Eliseo ang double portion o dobleng bahagi ng espiritu ni Elias, ang ibig niyang sabihin ay dalawang bahagi ng mana na ibinibigay sa panganay o ng papel niya sa pamumuno sa pamilya. Sinasabi ni Eliseo na handa niyang akuin ang responsibilidad ni Elias. Ito ay paalala na maaari rin nating tanggapin ang anumang papel sa pamumuno na ibinibigay sa atin ng Diyos. Tayo ay dapat na maging handang ipagpatuloy ang gawain ng mga kalalakihan at kababaihang nauna sa ating sumunod sa Diyos at mas magliwanag sa atin ang pakikilahok sa misyon ng Diyos. Sa anong mga larangan ka pinagkatiwalaan ng Diyos na mamuno? Paano mo naranasan ang Kanyang presensya habang ikaw ay namumuno?


๐Ÿฏ. ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜•๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด?โ€ ๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข. ๐˜•๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ค๐˜ฐ, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข, โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข.โ€ ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜บ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข. ๐Ÿฎ ๐—›๐—”๐—ฅ๐—œ ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿฐ-๐Ÿญ๐Ÿฑ


Kinilala ng iba pang mga propeta na ang pamumuno ay nailipat na kay Eliseo mula kay Elias. Pinarangalan ng Diyos ang sigasig at pagnanais ni Eliseo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng Kanyang Espiritu. Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang katapatan ng Diyos sa pagbuo at paghahanda sa susunod na henerasyon upang matupad ang Kanyang layunin. Ito rin ay isang paanyaya sa atin upang tanggapin ang tawag ng Diyos sa ating buhay at mamuhay nang tapat sa Kanya, habang tinatawag at binibigyan tayo ng Diyos ng kakayahan. Balikan kung paano mo nakita ang pagkilos ng Diyos sa iba't ibang henerasyon.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Mayroon bang bahagi sa buhay mo kung saan kailangan mong maging matiyaga? Isulat ang tatlong bagay na maaari mong gawin upang lumago sa bahaging ito at magtiwala na huhubugin ng Diyos ang iyong pagkatao at bibigyan ka Niya ng kakayahan upang tuparin ang ipinapagawa Niya sa iyo.

โ€ข Paano ka mas lalago bilang isang lider? Isipin ang dalawang bagay na maaari mong gawin ngayong linggo upang mas mapamunuan ang iyong sarili at ang iba.ย 

โ€ข Sino ang matiyaga mong sinusundan sa larangan ng Kristiyanong pamumuhay at pamumuno? Paano ka aktibong makikibahagi upang maipagpatuloy ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong nauna sa iyo?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Hilingin sa Diyos na akayin ka palapit sa isang tao na magiging halimbawa para sa iyo ng Kristiyanong pamumuhay at pamumuno. Ipanalangin na magkaroon ka ng mga pagkakataong makilahok at ipagpatuloy ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng mga naunang henerasyon.ย 

โ€ข Ipanalangin na tulad ni Eliseo, hindi ka matatakot na kumilos kapag may pangangailangan. Hilingin sa Diyos na hubugin ka bilang isang pinunong naglilingkod at hilingin ang dobleng bahagi ng Kanyang Espiritu.

โ€ข Humiling sa Diyos ng mga pagkakataon upang maibahagi ang Kanyang salita sa iba't ibang henerasyon. Ipanalangin na ihanda ka ng Diyos at panatilihin kang handang magbahagi ng Kanyang katapatan sa iyo at sa iyong pamilya.