Pagkasapat ng Salita ng Diyos

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Magkwento tungkol sa panahong may nangyari na hindi mo inaasahan na nagpasaya o nagpalakas ng loob mo sa gitna ng isang mahirap na sitwasyon? Ano ang nangyari?

โ€ข Ano ang nagbibigay ng tunay na kagalakan sa puso mo? Hindi lang โ€˜yung panandaliang saya, kundi yung mas malalim pa?

โ€ข Paano mo pinapanatiling matatag ang puso at isipan mo kapag parang magulo o pabago-bago ang lahat ng nasa paligid mo?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜บ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ต๐˜ฐสผ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐสผ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿณโ€“๐Ÿด


Sa isang mundo na puno ng ingay, opinyon, at walang tigil na pagbabago, ang salita ng Diyos ay matatag at ito lang talaga ang kailangan natin. Ang Kanyang salita ay ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏโ€”nagbibigay ng bagong kalakasan, nagbibigay ng karunungan sa mga simpleng tao, nagdadala ng kagalakan sa puso, at nagpapakita ng katotohanan. Hindi ito kulang o lipas na. Ang Salita ng Diyos ay kumpleto at mapagkakatiwalaan. Hindi na natin kailangang hanapin sa iba ang kahulugan, direksyon, o pag-asa dahil sapat na ang Kanyang salita para tayoโ€™y gabayan, patatagin, at bigyan ng buhay. Tingnan natin kung paano naging sapat ang salita ng Diyos sa ating araw-araw na pamumuhay.


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—น๐˜‚๐˜„๐—ฎ.

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜บ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ต๐˜ฐสผ๐˜บ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ. . . . ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿณ


May mga panahong parang ubos na ubos na tayo. Minsan dahil sa pagod, kabiguan, o pakiramdam na wala tayong halaga, parang tuyot at pagod ang ating kalooban. Paalala ng salmista na ang salita ng Diyos ay hindi lang basta payo o inspirasyonโ€”ito ay nagbibigay-buhay. Kapag tayoโ€™y pinanghihinaan o pakiramdam natin ay walang-wala na tayong maibibigay, ang Banal na Kasulatan ang nagbibigay ng pag-asa at lakas. Sa mga oras ng kahinaan, maaasahan natin ang salita ng Diyos, dahil nakaugat ito sa kung sino Siya, at hindi Siya nagbabago. Ano ang pangakong ibinibigay ng Isaias 40:29โ€“31 para sa mga nagtitiwala sa Diyos?


๐Ÿฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป.

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ ๐™–๐™ง๐™ช๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฌ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ. ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿณ


Gusto nating lahat ng matalinong pamumuhay at tamang desisyon, pero hindi laging madaling malaman kung ano ang tama. Ang salita ng Diyos ang nagbibigay ng karunungan na kailangan natin sa pamamagitan ng pagtuturo kung paano mamuhay nang kalugod-lugod sa Kanya. Tinutulungan tayo na gumawa ng mga desisyong batay sa katotohanan, hindi lang sa nararamdaman o opinyon ng iba. Ang tunay na karunungan ay hindi โ€˜yung alam natin ang lahat, kundi โ€˜yung natututo tayong magtiwala at sumunod sa paggabay sa atin ng Diyos. Paano ka nabigyan ng karunungan habang binabasa mo ang salita ng Diyos? Paano ito nakaapekto sa buhay mo?


๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ.

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™คสผ๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ ๐™–๐™œ๐™–๐™ก๐™–๐™ ๐™–๐™ฃ . . .ย ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿด


May kagalakang dala ang pagkakilala at pagsunod sa Diyosโ€”at ang Kanyang salita ang nagdadala sa โ€˜tin dito. Sa pagbabasa natin ng Kanyang salita, nakikita natin ang Kanyang kabutihan, katapatan, at mga pagpapala at napupuno ang puso natin ng totoong kagalakan. Ang mga utos Niya ay tama at mabuti, at hindi sila pabigat, inaakay tayo tungo sa masayang buhay. Paano mo naranasan ang kagalakang dala ng Salita ng Diyos kahit pa mahirap ang sitwasyon?


๐Ÿฐ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป.

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ต ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ก๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฃ.ย . ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿด


Tinutulungan tayo ng salita ng Diyos na makakita nang malinaw. Sa mundong puno ng kalituhan at iba-ibang opinyon, ang Banal na Kasulatan ang nagsisilbing gabay para makita natin ang tama. Binabago nito kung paano natin tinitingnan ang buhay, ang ibang tao, ang layunin natin, at ang katotohanan. Habang binabasa natin ang Salita ng Diyos, unti-unti nating nakikita ang mundo sa paraan na gusto Niyaโ€”may linaw, karunungan, at malasakit. Mas nauunawaan natin ang Kanyang kalooban, ginagawang pagliligtas, at mga plano. Tinuturuan din tayo nitong harapin ang mga nangyayari sa paligid, hindi sa takot o galit, kundi sa pananampalataya. Paano binago ng salita ng Diyos ang pananaw mo sa ibang tao o ang mga pangyayari sa paligid mo?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Sa anong bahagi ng buhay mo nararamdaman na tinatawag ka ng Diyos na sumunod sa Kanya ngayon? Paano pinapagtibay ng salita ng Diyos ang katotohanan na ang pagsunod sa Kanya ang pinakamabuting gawin?

โ€ข Paano mo mapupuno ang araw mo ng mga paalala tungkol sa katotohanan ng Diyos? Hilingin sa Diyos na ipakita sa โ€™yo kung bakit sapat ang Kanyang salita para sa lahat ng kailangan mo sa panahong ito.

โ€ข Paano ka mamumuhay nang naka-ugat sa salita ng Diyos para ang mga tao sa paligid ay maakay mo na lumapit sa pag-asa, karunungan, at kagalakan na matatagpuan sa Kanyang salita?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay Niya ng Kanyang Salita na sapat para sa ating araw-araw na buhay. Hilingin sa Diyos na tulungan kang makita ang mundo ayon sa Kanyang karunungan at pananaw.

โ€ข Ipanalangin na punuin ka Niya ng Kanyang presensya at lakas habang araw-araw mong binabasa at pinanghahawakan ang Kanyang salita. Hilingin rin na huwag kang mapalayo sa Kanya, lalo na kapag ikaw ay pinanghihinaan ng loob.

โ€ข Humingi sa Diyos ng mga pagkakataon na maging ilaw sa iyong komunidad. Idalangin na ang Kanyang salita ay patuloy na umapaw sa puso mo para maging daluyan ka ng buhay, kagalakan, at karunungan sa mga tao sa paligid mo.