Tinawag Upang Patuloy na Magtipon-tipon

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Sabihin ang pangalan ng taong hindi maaaring hindi mo makita sa loob ng isang linggo. Bakit espesyal ang taong ito para sa iyo?ย 

โ€ข Mas gusto mo ba ang nananatili sa bahay o mas gusto mo ang lumalabas kasama ang mga kaibigan mo? Ano ang mga bagay na isinasaalang-alang mo kapag pumipili ka kung ano sa dalawang ito ang gagawin mo?ย 

โ€ข Kanino ka humihingi ng payo? Bakit mo pinagkakatiwalaan ang taong ito?ย 


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ขสผ๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜š๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ข, ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ. ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ข๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿฐ-๐Ÿฎ๐Ÿฑย 


(Basahin din ang ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿญ๐Ÿต-๐Ÿฎ๐Ÿฏ)


Bagamaโ€™t nagpatuloy sa paglago ang sinaunang iglesya, hindi ito nangyari nang walang mga pagsubok. Naging mahirap ang pagtitipon-tipon dahil sa mga banta ng pag-uusig, kabilang na din ang kanilang mga personal na pagkakaiba-iba. Ngunit ayon sa disenyo ng Diyos sa iglesya, hinimok nila ang mga disipulo na laging magkita-kita nang personal, at sama-samang ipamuhay ang ebanghelyo. Maging sa kasalukuyan, sa lahat ng mga kawalang katiyakan at sa mga pagsubok na kinakaharap natin, hindi itinakda ng Diyos na mamuhay tayo nang mag-isa o kaya ay gawin ang Kanyang misyon nang mag-isa. Kasama ang mga kapwa natin mananampalataya, maaari tayong maging ang Iglesya dahil sama-sama tayong binubuo ni Jesus. Sa araling ito, tingnan natin kung paano tayo makakapagpatuloy sa pagiging Iglesya ng Diyos nang sama-sama.ย 


๐Ÿญ. ๐—ฆ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎสผ๐˜ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป.

๐˜ˆ๐˜ต ๐™จ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™๐™ž๐™ ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ๐™–สผ๐™ฉ ๐™ž๐™จ๐™– ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏย ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿฐ


Kapag nagmamalasakit tayo sa isang tao, ang pagbibigay ng mga pagpuna na makakatulong sa kanya ay kasinghalaga ng positibong reaksyon. Kung minsan, tulad ng mga espuwela, o ang kasangkapang may tulis na ikinakabit sa sakong ng bota at ginagamit para patakbuhin ang sinasakyang kabayo, ang mga pagpuna ay maaaring hindi komportable o masakit. Ang mga disipulo ay hinikayat na pasiglahin ang isa't isa, tungo sa pagmamahal at mabubuting gawa. Kabilang dito ang paghamon at pagwawasto sa isa't isa upang matiyak na ang lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay nagpapakita ng pagmamahal ng Diyos. Ang pagmamahal sa iba ay maaaring mangahulugan ng pagsasabi sa kanila ng kailangan nilang marinig at pag-akay sa kanila tungo kay Cristo. Ang paraan ng paghikayat natin sa iba ay mahalaga. Habang nagpapatuloy tayo sa pagiging asin at liwanag, ang layunin natin ay hindi ang manakit kundi ang hikayatin ang iba sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya. Paano ka hinamon o itinuwid ng isang tao sa paraang nagpapakita ng liwanag ng pag-ibig ng Diyos?


๐Ÿฎ. ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป.

๐™ƒ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™—๐™–๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฅ๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜š๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ข, ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ.ย ย ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿฑ


Salamat sa teknolohiya at nagkaroon tayo ng maraming paraan para makipag-ugnayan sa isaโ€™t isa. Gayunpaman, ang pisikal na pagkikita-kita ay may isang pakinabang na mahalaga para sa interaksyon ng taoโ€”ang pagiging ganap na naroroon. Kapag nagkikita-kita tayo online, madaling mawala ang atensyon natin sa sinumang kausap natin. Isipin mo na lamang kung kailangan mong magbigay ng payo sa isang tao habang may iba kang ginagawa. Mahahati ang atensyon mo at maaaring hindi mo mapansin kung ano ang ginagawa ng Diyos. Dahil dito, mahalaga na tayo, bilang isang iglesya, ay pisikal na nagtitipon-tipon. Kapag nagkikita tayo nang harapan, magkakasama nating ikinasisiya ang presensya ng Diyos. Ano ang ilang bagay na pinahahalagahan mo sa mga pisikal na pagtitipon-tipon na hindi mo nagagawa online?


๐Ÿฏ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ.

๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜š๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ, ๐™ฅ๐™–๐™ก๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ค๐™ค๐™— ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™จ๐™–, ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ.ย  ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿฑ


Ang pisikal na pagtitipon ay nakakatulong sa atin na palakasin ang loob ng isa't isa habang matiyaga nating hinihintay ang pagbabalik ni Cristo. Bagamaโ€™t maaari tayong humarap sa mga pagsubok, malalagpasan natin ang mga ito nang sama-sama habang patuloy nating ipinamumuhay ang pagiging tulad ni Cristo gaya ng dinisenyo ng Diyos para sa atin. Bahagi ng buhay na ito ang pagtitipon-tipon kasama ang iba pang mga mananampalataya at ang pagpapatatag sa isaโ€™t isa. Isipin ang isang pagkakataon na nakatanggap o nagbigay ka ng lakas ng loob sa isang tao. Paano ito nakatulong sa iyong paglago?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Nahihirapan ka bang sabihin sa iba ang kailangan nilang marinig? Sa anong mga paraan mo ito malalampasan at matitiyak na ginagawa mo ito nang may pagmamahal?

โ€ข Paano ka natulungan ng isang tao sa iyong iglesya o espiritwal na pamilya na mapagtagumpayan ang mga pagsubok o kaisipan na maaaring maging hadlang sa pagpapatuloy mo sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos kasama nila? Paano mo ito patuloy na haharapin ayon sa natutunan mo sa salita ng Diyos ngayong araw?ย 

โ€ข Isipin ang isa o dalawang tao na nangangailangan ng lakas ng loob. Paano ka magiging isang mapagmahal na halimbawa ni Cristo sa kanila ngayong linggo?ย 


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa pagpapadala Niya kay Jesus, ang tagapagtayo at pundasyong bato ng Iglesya, at sa mga taong nagmamahal sa iyo at tumutulong sa iyong paglago. Hilingin sa Diyos na panatilihing bukas ang iyong puso at isipan upang makatanggap ka ng pagwawasto mula sa mga taong ito.

โ€ข Ipanalangin na akayin ka ng Diyos upang mas higit mong pahalagahan ang pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mo mananampalataya, lalo na ang mga pisikal na pagtitipon-tipon.ย 

โ€ข Ipanalangin ang isang taong kailangang makarinig tungkol sa pag-ibig ng Diyos ngayon. Hilingin sa Diyos na palakasin at samahan sila sa oras ng kahirapan.