Filipino
𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗧𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗬𝗢
Ang Dakilang Utos ang pangunahing misyon ng Iglesya mula kay Cristo—kasing-halaga pa rin ito ngayon tulad noong una Niya itong ibinigay.
𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡
𝘓𝘶𝘮𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪, “𝘐𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘢𝘵 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘬𝘰. 𝘉𝘢𝘶𝘵𝘪𝘴𝘮𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘈𝘮𝘢 𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶. 𝘛𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘶𝘵𝘰𝘴 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘈𝘵 𝘵𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰: 𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰.” 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝟮𝟴:𝟭𝟴–𝟮𝟬
Maalab ang apoy ng Iglesya noong umpisa, nagpapadala ng mga kalalakihan at kababaihan para dalhin ang ebanghelyo sa buong mundo. Ngunit paglipas ng panahon, nanghina ang apoy na iyon. Maraming mananampalataya ang naging kampante, iniisip na hindi na kailangang mamuhay ayon sa misyon. Kung gusto ng Diyos na iligtas ang mga tao, gagawin Niya iyon sa paraang gusto Niya, nang walang tulong mula sa sinumang misyonaryo.
Nilabanan ni Justinian von Welz (1621–1688) ang maling paniniwalang iyon. Sa tingin niya ay nakalimutan ng mga Protestante ang utos ni Jesus na ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng bansa. Sumulat siya upang ipakita na ang Dakilang Utos ay para sa lahat ng Kristiyano, sa lahat ng panahon.
Pagkaraan ng mahigit isang siglo, pinagtibay ulit ni William Carey ang utos na ito. Sinabi niya sa mga ministro, “Ang utos na turuan ang lahat ng bansa na ibinigay sa mga apostol ay para rin sa lahat ng ministro hanggang sa katapusan ng mundo.” Mabilis ang naging sagot nila: “Umupo ka! Kung gusto ng Diyos na iligtas ang mga pagano, gagawin Niya iyon nang hindi tayo kinokonsulta.”
Ngunit hindi mag-isa ang Diyos sa pag-akay sa mga naliligaw ng landas. Sa halip, tinatawag Niya ang mga tao para ipangaral ang mab uting balita. Narinig ni Carey ang tawag, sumunod siya, at sinimulan ang kilusan ng makabagong misyon.
Hanggang ngayon, umiiral pa rin ang Dakilang Utos, at patuloy na tumatawag ang Diyos. Makikita natin ito sa lahat ng apat na Ebanghelyo at sa aklat ng mga Gawa. Ngunit ang bersyon ni Mateo ang umangat, at ang isa sa mga dahilan ay ang paggamit niya ng salitang “lahat.”
𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻: Si Jesus, ang muling nabuhay na Panginoon, may hawak ng lahat ng bagay, ang Siyang nag-utos na pumunta tayo sa iba’t ibang lugar. Siya ang may kapangyarihan upang magbigay ng utos, gumawa ng mga desisyon, at magpasunod ng mga tao. Dahil sa kung sino Siya, iniiwan natin ang lahat ng pinanghaha wakan natin at sinusunod natin Siya. Hindi natin Siya matatawag na Panginoon kung hindi natin sinusunod ang Kanyang salita.
𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗶: Itinakda ni Jesus ang lawak ng utos: “lahat ng mga lahi.” Walang hangganan ang pag-ibig ng Diyos. Lahat ng tao, wika, at tribo ay tinatanggap sa Kanyang kaharian. Hindi lamang tayo tinawag para magkaroon ng mga bagong mananampalataya kundi para magdisipulo. Kasama sa utos na ito ang pagbabautismo at pagtuturo, ngunit ang nasa puso ay pagdidisipulo.
𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝘂𝘁𝗼𝘀 𝗞𝗼 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼: Ang Dakilang Utos ay hindi tungkol sa pagpili ng utos na susundin. Hindi natin pwedeng sundin lang ang mga utos na gusto natin. Ang layunin ng pagdidisipulo ay turuan ang mga tao na sundin ang lahat ng Kanyang utos (dahil mahal natin Siya).
𝗣𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶: Ang Kanyang pangako ay kasing tibay ng Kanyang utos: “Lagi ninyo akong kasama.” Hindi minsan. Hindi kung madali lang ang mga pinagdadaanan natin. Palagi. Sa hirap, panganib, at pagdududa. Ang Kanyang presensya ang ating lakas at tapang habang tinutupad natin ang bahagi natin sa Dakilang Utos.
𝘒𝘢𝘳𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘣𝘢𝘴𝘢𝘩𝘪𝘯: 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝟵:𝟯𝟳–𝟯𝟴; 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟮𝟬:𝟮𝟭–𝟮𝟮; 𝗥𝗢𝗠𝗔 𝟭𝟬:𝟭𝟯–𝟭𝟱; 𝟮 𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗧𝗢 𝟱:𝟭𝟴–𝟮𝟬; 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗣𝗢𝗦 𝟮:𝟭𝟬–𝟭𝟭
𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗦𝗜𝗣𝗔𝗡
Maraming tao sa kasaysayan ang naging kampante at tinanggihan ang tawag ng misyon. Paano mo mapapanatiling buhay sa puso mo ang agad-agad na pagsunod sa Dakilang Utos?
𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡
Isaalang-alang ang mga “lahat” sa Mateo 28:18–20. Ganap ka bang nagpapailalim sa Kanyang kapangyarihan? May pagmamahal ka ba para sa lahat ng bansa? Sinusunod mo ba ang lahat ng Kanyang utos? Nagtitiwala ka ba na palagi mo Siyang kasama? Alin sa apat na ito ang kailangan pang lumago sa buhay mo?
𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡
Ikaw ang muling nabuhay na Hari, may hawak ng lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Tinawag Mo kami na pumunta sa iba’t ibang lugar—magdisipulo, magbautismo, at magturo. Malinaw ang Iyong utos; ito ang pangunahing misyon namin, kasing halaga ito ngayon tulad noong una Mo itong sinabi. Patawarin Mo po kami kung minsan ay nagiging kampante kami at iniisip namin na kikilos Ka nang hindi kami kasama.
Palakasin Mo po ulit ang apoy sa aming puso tulad ng mga unang disipulo na nagpunta hanggang sa dulo ng mundo. Hayaan Mo pong magbigay-sigla sa amin ang alab ng kanilang puso. Hindi namin tinatanggap ang kaisipang ang misyon ay para lang sa iba. Bigyan Mo po kami ng mga matang nakikita ang mga nawawala sa tamang landas, mga pusong magmamahal sa kanila, at tinig na handang magpahayag ng Iyong katotohanan.
Kinikilala namin na nauna Ka na sa amin, at ang Iyong presensya ang nagpapanatili sa amin. Hindi kami mag-aatubili o mag-aalinlangan. Panatilihin Mo po kaming handa, kumikilos, at nagtitiwala. Amen.