Ang Kalakasan na Magtiwala sa Diyos Dahil Laging may Katuturan ang Pananalig sa Kanya

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Tukuyin ang isang ginagawa mo o nakasanayang gawin dahil ginagawa rin ito ng iba o naipasa สผto sa สผyo ng ibang tao. Ano ang kahalagahan nito para sa สผyo?

โ€ข Masasabi mo ba na magaling kang sumunod sa mga tagubilin? Bakit oo o bakit hindi?

โ€ข Nautusan ka na bang gawin ang isang bagay na hindi mo maintindihan kung bakit ipinapagawa sa สผyo? Ginawa mo pa rin ba สผto? Bakit?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฆ, โ€œ๐˜๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฑ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ค๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ.โ€ ๐—๐—ข๐—ฆ๐—จ๐—˜ ๐Ÿฒ:๐Ÿฎโ€“๐Ÿฏ


(Basahin din: ๐—๐—ข๐—ฆ๐—จ๐—˜ ๐Ÿฒ:๐Ÿญ, ๐Ÿฐโ€“๐Ÿฎ๐Ÿณ.)


Hinarap ng mga Israelita ang isang totoong pader na naging hadlang sa kanilang pag-usad. Binigyan sila ng Diyos ng mga tagubilin na sa pang-unawa ng tao ay walang katuturan. Maraming kwento sa Bibliya kung saan nagbigay ang Diyos ng mga utos at tuntunin na hindi kayang intindihin ng limitadong pang-unawa ng tao. Sa limitadong nating pag-iisip, ang mga ito ay pwedeng tila walang saysay. Pero dito lumalabas ang kakaibang pananampalataya at mas nakikita natin kung sino ang Diyos at kung ano ang Kanyang kakayanan. Titingnan natin ngayon ang mga katotohanan na makakatulong sa atin na maging malakas ang loob at magtiwala sa Diyos kahit na hindi natin naiintindihan ang Kanyang mga utos o pamamaraan.


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป.

๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฆ, โ€œ๐˜๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฑ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ค๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ.โ€ ๐—๐—ข๐—ฆ๐—จ๐—˜ ๐Ÿฒ:๐Ÿฎโ€“๐Ÿฏ


Dahil ito ay isang pananakop ng militar, maaaring inaasahan natin na kakailanganin din ng mga taktika ng militar para maisakatuparan itoโ€”siguro ay paghuhukay ng mga lagusan sa ilalim ng lupa, direktang pagsira sa pader, o magkampo sa paligid ng bayan buong maghapon ng bawat araw at maghintay hanggang sa sumuko ang mga taga-Jerico. Malayo sa mga taktikang ito ang ipinagawa ng Diyos kay Josue. At malinaw na ang hinihingi ng Diyos sa Kanyang mga mamamayan ay ang kanilang tiwala sa Kanyang mga pamamaraan kahit pa sumasalungat ang mga ito sa lohika o sa mga pamantayang kultural. Ano ang sinasabi ng Isaias 55:8โ€“9 tungkol sa pagkakaiba ng mga kaisipan at pamamaraan ng Diyos sa atin? Paano ka tumutugon kapag ang mga tagubilin ng Diyos sa โ€™yo ay tila salungat sa iyong likas na pag-iisip o sa mga kultural na nakasanayan sa lipunan?ย 


๐Ÿฎ. ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ.

๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜•๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข. ๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ.ย ๐—๐—ข๐—ฆ๐—จ๐—˜ ๐Ÿฒ:๐Ÿฎ๐Ÿฌ


Inutusan ng Diyos ang mga Israelita na magmartsa nang palibot sa lungsod isang beses sa isang araw sa loob ng anim na araw. At sa ikapitong araw ay gagawin nila ang pagmartsa nang pitong beses. Sumunod ang mga Israelita nang may pananampalataya at kahandaang sumunod. Sa huli, nawasak ang mga pader at nasakop ng mga hukbo ng Israel ang lungsod, tulad ng sinabi ng Diyos sa kanila. Sa kabuuan, ito ay dahil sa kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan nila. Ang kailangan lang nilang gawin ay sumunod kahit na wala silang naiintindihan at kahit parang wala silang pag-asang manalo. Ano ang larawan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa mga pamamaraan ng Diyos, kahit na sa simula ay hindi mo maintindihan ang hinihingi Niya sa iyo?


๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ.

๐˜š๐˜ข ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต, ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ธ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฆ, โ€œ๐˜๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ!โ€. . . . ๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ. ๐—๐—ข๐—ฆ๐—จ๐—˜ ๐Ÿฒ:๐Ÿญ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿณ


Tinupad ng Diyos ang Kanyang salita at ibinigay ang tagumpay sa mga Israelita. Hindi ito kailanman naging tungkol sa sariling kakayahan o pagkaunawa ng mga Israelita sa mga nangyayari. Ang lahat ng ito ay tungkol sa katangian ng Diyos. Anu-ano ang mga pangako ng Diyos na pinanghahawakan mong tutuparin Niya? Paano binabago ng pagkilala sa Kanyang katangian bilang tapat at makapangyarihang tagatupad ng pangako ang pananaw mo habang hinihintay mo ang katuparan ng mga pangakong ito?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Ang Diyos ay walang hangganan; tayo naman ay may hangganan. Malayo ang mga pamamaraan Niya sa mga pamamaraan natin. Ano ang itinuturo ng mga katotohanang ito sa mga pinagdadaanan mo ngayon? Isulat ito sa iyong journal at balik-balikan ito sa buong linggo.ย 

โ€ข May utos ba o tagubilin mula sa Diyos sa kasalukuyang panahon ng buhay mo na isinasantabi mo dahil hindi mo ito maunawaan? Anong mga hakbang ang pwede mong gawin para lalo ka pang mamuhay nang may pagsunod sa Diyos araw-araw?

โ€ข Isipin ang isang kapamilya o kaibigan na kailangang makakilala at sumunod sa Diyos. Paano mo siya mahihikayat na sumunod sa Kanya nang buong puso, kahit na salungat ito sa mga kultural na nakagawian sa lipunan?

ย 

๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos dahil Siya ay tapat, makapangyarihan sa lahat, at mapagmahal. Hilingin sa Kanya ang pananampalataya upang maniwala at magtiwala sa Kanyang katangian, kahit sa mga panahong walang katiyakan o sa mga sandaling hindi mo naiintindihan ang Kanyang mga ipinapagawa.

โ€ข Ipanalangin na magkaroon ka ng pusong laging handang makinig sa tinig ng Diyosโ€”sabik at handang sumunod sa Kanyang mga utos at handang tumugon nang may pananampalataya para makita ang Kanyang kapangyarihang kumikilos sa bawat sitwasyon.

โ€ข Mamagitan para sa mga taong maaaring humaharap sa buhay nang wala ang lakas na tanging Diyos lamang ang makakapagbigay. Hilingin sa Kanya na ipakita sa iyo kung paano mo mapapalakas ang kanilang loob at mapapatatag ang kanilang pananampalataya.