Filipino

𝗊𝗔 𝗕𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗡𝗗𝗢

Mula sa lahat ng bansa at henerasyon, ipapahayag ng mga tao ang katuwiran ng Diyos at ang natapos na gawain ni Cristo. 


𝗕𝗔𝗊𝗔𝗛𝗜𝗡

𝘋𝘪𝘰𝘎 𝘬𝘰! 𝘋𝘪𝘰𝘎 𝘬𝘰! 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘯’𝘺𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯? . . . 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕, 𝘮𝘢𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘚 𝘵𝘢𝘰 𝘎𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘚 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘢𝘵 𝘎𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘯𝘶𝘯𝘶𝘮𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘢𝘵 𝘎𝘢𝘎𝘢𝘮𝘣𝘢 𝘎𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 . . . 𝘈𝘯𝘚 𝘎𝘶𝘎𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘎𝘢𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘚𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘚𝘬𝘰𝘥 𝘎𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘈𝘵 𝘵𝘶𝘵𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘚 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘚 𝘮𝘚𝘢 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘚 𝘵𝘶𝘯𝘚𝘬𝘰𝘭 𝘎𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕. 𝘉𝘢𝘭𝘢𝘯𝘚 𝘢𝘳𝘢𝘞, 𝘎𝘪𝘭𝘢𝘯𝘚 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯𝘚𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘚 𝘮𝘚𝘢 𝘚𝘪𝘯𝘢𝘞𝘢 𝘯’𝘺𝘰 . . .  𝗊𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟮𝟮:𝟭, 𝟮𝟳, 𝟯𝟬–𝟯𝟭 


Sa gitna ng matinding pagsalakay ng kanyang mga kaaway, sinabi ni David: “Mas mababa pa ako sa tao—para lang akong uod sa lupa. Kinukutya nila ako, dinuduraan, at inaasar. Pinalilibutan nila ako, na para bang mababangis na hayop. Binutas nila ang aking mga kamay at paa. Kita ko ang aking mga buto. Parang mga toro, aso, at baka na sumisigaw ang mga kaaway ko. Wala na akong lakas, nadudurog ang puso ko, nanunuyo ang dila ko. Nakahandusay ako sa alikabok ng kamatayan” (hango sa Awit 22:6–18). 


Walang ibang nakasulat na pangyayari sa buhay ni David na ganito kahirap. Ang pagdaing niya ay higit pa sa kanyang sariling karanasan—ito’y larawan ng pagdurusa ni Cristo. Ipinakita ni David ang tindi ng paghihirap na pagdadaanan ni Jesus sa krus kapag binayaran Niya ang kabayaran para sa kaligtasan ng mga bansa. Ang Salmo 22 ay isang propesiya na parang isang uri ng pagdadalamhati. 


Sa binanggit na awit, mapapansin na habang lumulubog si David sa pagdurusa, umaahon naman ang pagsamba niya sa Diyos. Nagsimula siya sa hinagpis ngunit nagtapos sa pagtitiwala, at sinabi niya na, “malalaman ang mga ginawa” ni Jesus. Ito’y tulad ng sigaw ni Cristo sa krus—“Tapos na.” Sa huling bahagi ng awit, makikita na mula sa pag tingin sa sarili lang niya, nagkaroon ng pagbabago kay David at siya ay tumingin sa mga bansa. Ang kanyang pagdaing ay naging papuri. Nakita niya ang mas malawak na larawan: ang misyon ng Diyos para sa lahat ng mga bansa at mga susunod na henerasyon. 


Matututunan natin dito ang dalawang katotohanan tungkol sa puso ng Diyos para sa misyon: 


𝟭. 𝗔𝗻𝗎 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗎 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗮𝘆 𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗞 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗎𝗶𝗻𝗌𝗌𝗻.

“𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕, 𝘮𝘢𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘚 𝘵𝘢𝘰 𝘎𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘚 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘢𝘵 𝘎𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘯𝘶𝘯𝘶𝘮𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬.”

Ang kamatayan ni Cristo ay hindi lang para sa isang bansa kundi para sa lahat ng mga bansa. Sa huli, magbubunga ito ng pagtubos ng napakaraming tao. 


𝟮. 𝗔𝗻𝗎 𝗺𝗎𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗌𝗱 𝗻𝗮 𝗵𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗌𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗞𝗮𝗞𝗮𝗿𝗶𝗻𝗶𝗎 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝘁𝘂𝗎𝗌𝗻. 

“𝘈𝘯𝘚 𝘎𝘶𝘎𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘎𝘢𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘚𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘚𝘬𝘰𝘥 𝘎𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰.” 

Hindi titigil ang misyon. Magpapatuloy ito. Ito ay para sa buong daigdig sa lahat ng henerasyon habang dinidisipulo ng isang hener asyon ang susunod na henerasyon. Responsibilidad natin na magdisipulo bilang tugon sa tawag ng Diyos na makibahagi sa Kanyang misyon. 


𝘒𝘢𝘳𝘢𝘚𝘥𝘢𝘚𝘢𝘯𝘚 𝘉𝘢𝘣𝘢𝘎𝘢𝘩𝘪𝘯: 𝗊𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟮𝟮; 𝗊𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟳𝟎:𝟱–𝟳; 𝗜𝗊𝗔𝗜𝗔𝗊 𝟱𝟮:𝟭𝟬; 𝟱𝟯:𝟯–𝟱; 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝟮𝟳:𝟰𝟲 


𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗊𝗜𝗣𝗔𝗡

Nagsimula ang Awit 22 sa hirap ngunit nagtapos sa tagumpay—mula pagdaing papunta sa papuri. Sa gitna ng pagdurusa, isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang layunin. Paano mo magagamit ang mga panahon mo ng paghihirap bilang pagkakataon para magbigay ng pagsamba at patotoo sa Diyos?


𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡

Pumili ng isang tao sa iyong pinagtatrabahuhan, paaralan, o komunidad na galing sa ibang lahi o kultura. Alamin ang kanyang kwento, pakinggan ang kanyang pananaw, at humanap ng pagkakataon para maibahagi sa kanya ngayong linggo ang tungkol sa pag-ibig ni Cristo.


𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡

Jesus, Ikaw ay pinabayaan upang kami ay matubos. Tinupad ng Iyong paghihirap ang propesiya sa Awit 22, na nagdala ng kaligtasan sa lahat ng bansa. Dahil sa Iyong tinapos na gawain sa krus, nakarating ang kaligtasan sa buong mundo. Nawa’y maalala Ka ng lahat ng bansa at maibalik sila sa Iyo.

 

Buksan Mo po ang puso ng mga taong hindi pa nakakarinig ng Iyong pangalan, at ipaabot Mo po ang ebanghelyo sa bawat tribo, wika, at bayan. Nawa’y lahat ng pamilya, bawat henerasyon, at lahat ng bansa ay yumuko sa Iyong harapan bilang pagsamba. 


Magpadala Ka po ng mga manggagawa sa anihan na maghahayag na tapos na ang pagtubos at bayad na ang utang. Ipadala Mo po kami saan mo man gusto, upang ang aming buhay ay magamit para sa Iyong kaluwalhatian. Nawa’y makita sa aming buhay ang tagumpay ni Cristo, at magalak ang mga bansa sa Iyong kaligtasan. Amen.