Filipino
๐ฃ๐๐ ๐๐๐ฌ๐
Ang ugnayang ipinagkaloob ni Cristo sa Kanyang ina ay nagpapakita ng bagong komunidad na nilikha ng krus.
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก
๐๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ช๐ต ๐ด๐ข ๐ฌ๐ณ๐ถ๐ด ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ข, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ช๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ข, ๐ด๐ช ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ฏ๐ข ๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ญ๐ฐ๐ฑ๐ข๐ด, ๐ข๐ต ๐ด๐ช ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐จ๐ข-๐๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข. ๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ด๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ, ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ช๐บ๐ข, โ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ, ๐ช๐ต๐ถ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ.โ ๐๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ด๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข, โ๐๐ต๐ถ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ข.โ ๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, ๐ต๐ถ๐ฎ๐ช๐ณ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ด๐ข ๐ต๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ด๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ. ๐๐จ๐๐ก ๐ญ๐ต:๐ฎ๐ฑโ๐ฎ๐ณ
Mga Karagdagang Babasahin: ๐๐จ๐๐ก ๐ญ:๐ญ๐ญโ๐ญ๐ฏ; ๐ญ๐ฏ:๐ฏ๐ฐโ๐ฏ๐ฑ; ๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐-๐๐๐๐ฆ๐ข ๐ฎ:๐ญ๐ฐโ๐ญ๐ฒ; ๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐-๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ฏ:๐ญ๐ญโ๐ญ๐ฑ
Ang ugnayang ipinagkaloob ni Cristo sa Kanyang ina ay nagpapakita ng bagong komunidad na nilikha ng krus.
๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ. ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฟ๐ผ๐ผ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ.
Si Jesus, ang Diyos na nagkatawang-tao, ay nagkaroon din ng isang pamilya dito sa lupa na tinawag Niyang Kanya. Kaunti lang ang mga detalyeng ibinigay ng Banal na Kasulatan tungkol sa Kanyang kabataan, ngunit alam natin na Siya ay ganap na tao at naranasan Niya ang mga bagay na nararanasan ng mga batang Judio noong unang siglo. Tulad ng ibang batang lalaki na nakikisalamuha sa kanyang mga kaibigan, maaari nating isipin na si Jesus ay nag-uukit din ng kahoy, nakikipagbuno, at nag-eeksplora. Alam Niya ang kahalagahan ng lingguhang hapunan tuwing Araw ng Pamamahinga o Sabbath, ang mga tradisyon ng taunang pista, at ang pakiramdam ng pagiging bahagi ng lahing Judio.
๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ. ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐.ย
Si Jesus ay lumaki at naging ganap na lalaki. Bilang pagsunod sa Ama, Siya ay ipinako sa krus. Si Maria at Juan ay nakatayo sa paanan Niya. Tumatakbo ang oras. Papalapit na ang Kanyang kamatayan, nagbanggit si Jesus ng dalawang nakakagulat na mga pahayag. Sa nalalapit na pagbalot ng katahimikan, sa sandaling iyon, marahil sina Maria at Juan ay nagsikap na marinig Siya sa gitna ng ingay. Ano ang sinabi Niya? Sa Kanyang mga huling salita sa Kanyang ina at sa Kanyang minamahal na disipulo bago Siya pumanaw, pinalawak Niya ang kahulugan ng pamilya upang isama ang espirituwal na pamilyaโpara sa mga tumatawag sa Kanya bilang Panginoon.
Kakaiba ito! Nang hindi binabawasan ang halaga ng ating mga pisikal na pamilya, ibinigay Niya sa atin ang kailangan natin para mamuhay sa isang nasirang mundo bilang mga tagasunod Niya. Sila ang mga di-perpektong kalalakihan at kababaihan na magsasabi ng katotohanan sa atin, maninindigan kasama natin sa pananampalataya, magbibigay ng lakas ng loob sa atin, at iiyak kasama natin. Isang komunidad na kasama natin sa pagdanas ng Kanyang pagmamahal at pagtatatag ng Kanyang kaharian, gamit ang biyaya at mga kaloob na ibinigay ng Ama sa atin.
๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ. ๐๐๐ฝ๐ฟ๐ถ๐๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ. ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐.
Isinalarawan ng manunulat na si John Fawcett ang kalakasan ng komunidad na sama-sama nating nararanasan sa kanyang himno naย โBlest Be the Tie That Binds.โ Narito ang pagsasalin ng himno sa Filipino:
Pinagpala ang mga Ugnayang Nagbubuklod
๐๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ฉ๐ข๐ต๐ช
๐๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ
๐๐ข ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฏ๐ข, ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ช๐ด๐ขโ๐บ ๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฐ๐บ
๐๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ณ๐ข๐ฎ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ฉ๐ฐ๐บ
๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก
Pinalawak ni Jesus ang konsepto ng pamilya upang isama ang mga espirituwal nating ugnayan nang hindi nababawasan ang halaga ng mga likas nating ugnayan sa pamilya. Sa anong mga paraan ka nahihirapan o nabibigyang-kasiyahan sa pagbabalanse ng mga tungkulin mo sa iyong pisikal at espirituwal na pamilya? Paano mo pagbubutihin ang pag-aalaga sa mga pamilyang ito?
๐๐๐ช๐๐ก
Maghanap sa espirituwal na pamilya mo ng nangangailangan ng suporta. Maglaan ng oras para sa kanya, mag-alok ng tulong, at manalangin kasama niya at para sa kanya.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
Ama sa langit, maraming salamat sa ipinagkaloob Ninyong pamilya. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa pisikal na pamilyang ibinigay Ninyo sa amin, sa pagmamahal at suporta na ibinibigay nila. Nagpapasalamat din kami sa espirituwal na pamilya at komunidad ng mga mananampalatayaย na inilagay Ninyo sa buhay namin. Tulungan po Ninyo kami na pahalagahan at alagaan ang mga ugnayang ito, na kinikilalaย namin bilang kaloob Ninyo sa amin upang kami ay patuloyย na mamuhay nang tapat dito sa mundo.
Ipinakita sa amin ni Jesus ang kahalagahan ng pag-aalaga sa bawat isa, hanggang sa Kanyang mga huling sandali dito sa lupa. Turuan po Ninyo kaming palawakin ang aming pagmamahal at pag-aalaga, hindi lamang sa mga taongย pinakamalapit sa amin, kundi pati na rin sa lahat ng bahagi ng aming espirituwal na pamilya. Sana ay maging mabilis kami sa pagbibigay ng suporta at kalakasan ng loob, at patuloy kaming manindigan nang sama-sama, na ayon sa kagustuhan Ninyo.
Sa ngalan ni Jesus, Amen.