Ang Misyon
๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Ano ang pinakanakakagulat na nangyari sa iyo ngayong linggo?
โข Isipin ang isang panahon na may isang underdog o inaapi na nanalo. Ikwento kung ano ang nakita at naranasan mo.
โข Magkwento tungkol sa pinakamalayong lugar galing sa bahay mo na napuntahan mo. Bakit ka pumunta roon?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, ๐ฌ๐ข๐ข๐ธ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ช๐ฏ. ๐๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ, 2๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด.ย ๐ฆ๐๐๐ ๐ข ๐ฒ๐ณ:๐ญโ๐ฎ
(Basahin din ang ๐ฆ๐๐๐ ๐ข ๐ฒ๐ณ:๐ฏโ๐ณ.)
Ang Diyos ay dapat kilalanin ng Kanyang mga mamamayan at gawing tanyagโsa buong mundo. Ang panalanging ito at kagustuhan ng salmista ay nagpatuloy mula Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan nang dumating na si Jesus upang tayo ay iligtas. Nagpapatuloy pa ito ngayon sa atin na nakarinig ng ebanghelyo at tinawag upang isakatuparan ang misyon ng Diyos. Mayroon tayong dapat gampanan upang ang mundo ay makakilala at magkaroon ng takot sa Diyos. Ang mga mamamayan ng Diyos ngayonโang Iglesyaโay hindi lamang tagatanggap ng pagpapala ng Diyos (ang lugar ng misyon) kundi masugid ding tagapaghayag ni Cristo sa mundo (ang pwersa ng misyon). Sa araw na ito, tingnan natin kung paano isinasali ng Diyos ang Kanyang mga mamamayan upang makilahok sa paghahayag ng Kanyang pangalan sa ibaโt ibang bansa.
๐ญ. ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐๐๐ป๐ถ๐ป.
๐ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, ๐ฌ๐ข๐ข๐ธ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ช๐ฏ. ๐๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ, ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด. . . .
๐๐ข๐จ-๐ข๐ฏ๐ช ๐ด๐ข๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข๐ช๐ฏ. ๐๐ข๐ธ๐ขสผ๐บ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช, ๐ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด. ๐๐ต ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฌ๐ฐ๐ต ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ. ๐ฆ๐๐๐ ๐ข ๐ฒ๐ณ:๐ญโ๐ฎ, ๐ฒโ๐ณ
Ang mga Kristiyano ay binigyan ng Diyos ng layunin na ipakilala Siya. Anuman ang larangang ginagalawan natin, kailangan ay makita si Cristo sa ating mga buhay at maihayag natin Siya sa ating mga salita, kilos, at pamumuhay. Sa paggawa natin nito, maisasalamin natin ang Kanyang kadakilaan at kabutihan sa mga taong nakapalibot sa atin. Paano malalaman ng mga tao ang tungkol sa Diyos at sa kabutihan Niya sa atin kung hindi natin sila sasabihan? Paano magiging pagkakataon ang mga pang-araw-araw nating pakikisalamuha sa iba upang maipakita ang ebanghelyo?
๐ฎ. ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ..ย
. . . ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด. ๐๐ถ๐ณ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข ๐ด๐ข๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ, ๐ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด.ย ๐ฆ๐๐๐ ๐ข ๐ฒ๐ณ:๐ฎโ๐ฏ
Ang saklaw ng ating mga buhay at gawain ay higit na mas malaki pa sa ating lokal na konteksto. Tinawag tayo upang maging pagpapala sa bawat bansa, para ang lahat ng tao ay makilala at magbigay-papuri sa Diyos. Ang tingin sa atin ng Diyos ay hindi tulad ng tingin natin sa ating mga sariliโnakikita Niya kung paano maipapahayag sa mundo ang Kanyang mga pamamaraan at kapangyarihan sa pamamagitan natin. Hanggang saan mo ipinapanalangin na makarating ang ebanghelyo sa iyong henerasyon? Paano magiging pagpapala ang ating iglesya sa mga bansa?
๐ฏ. ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐ฝ๐๐ฟ๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ.
๐๐ถ๐ณ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข ๐ด๐ข๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ, ๐ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด. ๐๐ข๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ ๐ด๐ข๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ ๐ข๐ต ๐ถ๐ฎ๐ข๐ธ๐ช๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ถ๐ณ๐ช ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ณ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏสผ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ต๐ฐ๐ญ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ฏ๐ถ๐ฃ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข. ๐ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, ๐ฑ๐ถ๐ณ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข.ย ๐ฆ๐๐๐ ๐ข ๐ฒ๐ณ:๐ฏโ๐ฑ
Sa kabila ng lahat ng poot at pagkakawatak-watak sa mundo ngayon, ang nasa puso ng Diyos ay ang magdiwang ang mga tao sa Kanya. Karapat-dapat Siya sa lahat ng ating papuri. Sa makasalanang mundo na ito, tayo ang Kanyang mga kinatawan na nagsisilbing mga kamay at paa Niya, nagpapahayag sa iba ng tungkol sa Kanya. Pribilehiyo natin ang maipahayag Siya at makita ang katuparan ng Kanyang walang hanggang mga plano. Ano sa tingin mo ang magiging itsura ng langit isang araw kapag ang lahat ng tao na galing sa bawat bansa ay sabay-sabay na sasamba sa Diyos?
Ang ating iglesya ay hindi lamang isang lugar ng misyon; tayo ay pwersa ng misyon, tinawag upang ipakilala si Cristo saan man tayo naroroon at saan man tayo pupunta. Isipin na lamang kung ano ang maaaring gawin ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong ganap na nagpapasakop sa Kanya at tapat na nagsasakatuparan ng Kanyang misyon sa mundo!
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Maglaan ng oras upang pag-isipan ang Mateo 28:18โ20 ngayong linggo. Isulat ang mga naiisip mo at maghandang ibahagi ito sa susunod na linggo.
โข Ano ang papel ng iglesya sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa? Ano sa palagay mo ang bahagi mo rito? Nakikita mo ba ang sarili mo na nakikibahagi sa pagdarasal, pagbibigay, o sa pagpunta sa ibaโt ibang lugar?
โข Bilang bahagi ng isang pamilya ng mga iglesya at ministeryo sa buong mundo, paano mo masusuportahan at paano ka makikipag-ugnayan sa mga misyonero at kaibigan na tumutulong sa ibaโt ibang kultura? Paano niyo mahihikayat ang bawat isa na manatiling matatag sa pagsasagawa ng misyon ng Diyos kahit na magkakaiba ang inyong kinaroroonan at konteksto?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang pagmamahal sa Kanyang mga nilikha, para sa ating kaligtasan, at sa Kanyang plano ng pagtutubos.
โข Manalangin na maging pagpapala ang ating iglesya sa mga bansaโisang pwersa ng misyon sa paghahayag ng ebanghelyo. Ipagdasal na maunawaan at maisagawa mo ang iyong bahagi rito at saan ka man ilalagay o dadalhin ng Diyos.
โข Ipanalangin na ang mga tao sa bawat bansa ay manumbalik sa Diyos, magkaroon ng takot sa Kanya, at sumunod sa Kanya. Humiling sa Diyos ng mas marami pang manggagawa na maipapadala lalo na sa 113 na mga bansa na wala pang iglesya ng Every Nation.