Pagpasok sa Makipot na Pintuan

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Bakit kaya mas pinipili ng tao ang madali o kilalang daan sa buhay?

โ€ข May naaalala ka bang pagkakataon na pinili mo ang mas mahirap na daan pero mas maganda ang naging resulta? Ano ang nangyari?

โ€ข Naranasan mo na bang mawalan ng oportunidad o pagsisihan ang isang bagay dahil sa pag-aantay mo sa isang desisyon? Ano ang natutunan mo?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜—๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ. ๐˜•๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ.โ€ย ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿณ:๐Ÿญ๐Ÿฏโ€“๐Ÿญ๐Ÿฐ


Nagkumpara si Jesus ng dalawang daan: ang isa ay malapad at madali pero nauuwi sa kapahamakan, at ang isa ay makipot at mahirap pero patungo sa buhay. Ang buhay na ito ay puno ng kaligayahan, kapayapaan, at layunin sa pagsunod sa Diyos. Hindi lang ito tungkol sa hinaharap kundi pati sa yaman ng kaharian ng Diyos ngayon. Ang pagpili sa makipot na daan ay pagsunod kay Cristo, na humahantong sa mas malalim na relasyon sa Diyos kahit na may mga pagsubok. Ngayong araw, pag-uusapan natin ang halaga ng krus at ang tunay na kahulugan ng pagsunod kay Cristo.


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป.

โ€œ๐˜—๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ.โ€ ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿณ:๐Ÿญ๐Ÿฏ


Sa orihinal na wika, mabigat ang ibig sabihin ng talatang ito at binibigyang-diin ang pangangailangang kumilos agad. Hindi lang basta nagbigay ng payo si Jesus. Sa halip, tinawag Niya tayo na magdesisyon agad. Mukhang maganda ang maluwang na pintuan, na kumakatawan sa kasiyahan at makamundong pamumuhay, pero dadalhin tayo nito sa kapahamakan. Pinapaalala ni Jesus na hindi pwedeng patagalin ang desisyon na sumunod sa Kanya. Ano ang sinasabi ng 2 Corinto 6:2 tungkol sa kaligtasan ng Diyos?


๐Ÿฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ.ย 

โ€œ๐˜•๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ.โ€ย ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿณ:๐Ÿญ๐Ÿฐ


Mahirap ang makipot na daan. Marami sa mga sumusunod kay Cristo ang dumaan sa matinding pagsubokโ€”pang-uusig, pagkakulong, at kamatayan. Para sa mga mananampalataya, ang paglakad sa makipot na daan ay parang paglangoy laban sa agos. Sa isang kultura na laging hinahanap ang maginhawa at madaling buhay, madalas ay parang hindi ka kasali. Malakas ang tukso na sumuko o maglakad sa maluwang na daan na mas madali. Pero itinuturo ni Jesus na patungo sa buhay ang makipot na daan, kahit pa mahirap at kaunti lang ang pumipili nito. Isipin ang isang pagkakataon na nahirapan kang sumunod kay Cristo. Ano ang natutunan mo?


๐Ÿฏ. ย ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†-๐—ด๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†ย 

โ€œ๐˜•๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ.โ€ย ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿณ:๐Ÿญ๐Ÿฐ


Noong sinabi ni Jesus na dumating Siya para magkaroon tayo ng buhay na ganap (Juan 10:10), hindi lang Niya tinutukoy ang buhay sa langit, kundi pati na rin ang makabuluhang buhay na pwede nating maranasan dito sa mundo sa piling Niya. Bagamat nangangahulugan ito ng pagkakait sa ating sarili at pagpapasan ng krus araw-araw, ang buhay na ito ay puno ng kapayapaan, kagalakan, at layunin na hindi matutumbasan ng anumang tagumpay sa mundo. Natutuklasan ng mga nakakaranas ng ganitong buhay na sulit ang lahat ng sakripisyo. Ikwento ang isang pagkakataong nakaranas ka ng kasiyahan sa pamumuhay mo nang kasama si Jesus.ย 


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Sinabi ni Jesus na ang malawak na daan ay madali, pero patungo sa kapahamakan. Sa buhay mo, ano ang mga bagay na mukhang madali o komportable, pero alam mong magiging hadlang sa pagsunod mo kay Jesus? Ano ang gagawin mo tungkol dito?

โ€ข Ano ang handa kang isuko para magpatuloy sa makipot na daan na patungo sa buhay? Hilingin sa Diyos na ipakita sa โ€˜yo ang mga bagay na ito at bigyan ka ng lakas na sumunod sa Kanya.

โ€ข Ano ang pwede mong gawin ngayong linggo para maakay ang mga tao sa paligid mo na sumunod kay Jesus at maranasan ang buhay na ibinibigay Niya, kahit pa hindi ito madali?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa bagong buhay na natanggap mo kay Cristo at sa biyaya na nagbibigay sa โ€˜yo ng kakayahang sumunod sa Kanya araw-araw.

โ€ข Hilingin sa Diyos na tulungan kang isuko ang mga bagay na nagiging hadlang sa ganap na pagsunod mo kay Jesus.

โ€ข Ipagdasal ang dalawa o tatlong tao na kilala mo, na mahanap nila ang kalooban ng Diyos at matanggap nila ang Kanyang biyaya at sumunod kay Jesus. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng pagkakataong maipahayag ang ebanghelyo sa kanila ngayong linggo.