Ang Pagmamahal ng Ama
๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Kapag naririnig mo ang salitang โpag-ibig,โ sino o ano ang unang pumapasok sa isip mo?
โข Sino sa buhay mo ang nagpaparamdam sa โyo ng ginhawa at pagtanggap kapag kasama mo sila?
โข Ano ang nagtutulak sa iyo na manatili sa isang relasyon o pagkakaibigan kahit mahirap?
๐ช๐ข๐ฅ๐
โ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ ๐ด๐ข ๐ด๐ข๐ฏ๐ญ๐ช๐ฃ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ: ๐๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐จ๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐๐ฏ๐ข๐ฌ, ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ.โ ๐๐จ๐๐ก ๐ฏ:๐ญ๐ฒ
Ang talatang ito ang madalas na unang nababasa ng maraming mananampalataya. Para itong buod ng ebanghelyoโpagliligtas mula sa walang hanggang kapahamakan tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo. Pero naiintindihan ba natin talaga ang lalim nito? Bawat dakilang gawain sa kasaysayan ay may dahilan. Ang mga tao ay nagsasakripisyo, lumalaban, at nagtitiis sa ibaโt ibang kadahilanan. Pero ang dahilan ng Diyos sa pag-aalay ng kaligtasan ay kakaiba at walang kahambing: ang Kanyang walang kapantay na pag-ibig.
Pag-uusapan natin ang misyon ng Diyos na maibalik tayoโisang misyon na dulot ng pag-ibig na higit pa kaysa sa anumang bagay. Ngayong araw, titingnan natin nang mas malalim ang dahilan sa likod ng misyon ng Diyos at kung paano nito kayang baguhin ang takbo ng ating buhay.
๐ญ. ๐๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ด๐ฎ๐น๐ผ..
โ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด . . . ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐จ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ถ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ, ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด ๐ด๐ช๐ญ๐ข.โ ๐๐จ๐๐ก ๐ฏ:๐ญ๐ฒโ๐ญ๐ณ
Nakita ng Diyos na ang mundong Kanyang nilikha ay naliligaw, namamatay, at nakatakdang masira. Ang mundo natin ay basag at hindi marunong magpasalamat; binabalewala natin ang mga bagay, kinakalimutan ang kabutihan ng Diyos at tinatalikuran Siya. Dahil sa sobrang pagmamahal Niya sa atin, ibinigay Niya ang pinakamahalagang handogโang Kanyang pinakamamahal na Anak, si Jesu-Cristo. Walang kahit ano o kahit sino na makakapagligtas sa atin, kayaโt ipinadala ng Ama ang Anak, ang Ikalawang Persona ng Santatlo, sa isang misyon para iligtas tayo. Ibinigay Niya si Jesus hindi lamang para samahan tayo, kundi para mamatay para sa atin. Kung ikaw, ibibigay mo ba sa mga taong galit at hindi marunong magpasalamat ang isang bagay o taong napakahalaga sa โyo?
๐ฎ. ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ฎ.
โ. . . ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ.โ ๐๐จ๐๐ก ๐ฏ:๐ญ๐ฒ
Parang napakadali: ang ๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข. Ang pagiging simple nito ang nagpapaisip sa atin na dapat siguro ay may mga ritwal o mabubuting gawa muna bago tayo maligtas. Pero ito ang pinakamalaking paanyaya ng Diyos: tinatawag Niya ang mga tao na tumugon sa Kanya nang may pananampalataya. Ibahagi ang kwento kung kailan mo tinanggap si Cristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas. Naging mahirap o madali ba โto para sa โyo? Ano ang nagtulak sa โyo para gawin ang desisyong iyon? Minsan ba ay nahuhuli mo pa rin ang sarili mo na parang sinusubukan mong โpagtrabahuhanโ ang iyong kaligtasan?
๐ฏ. ๐๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐ป.
โ. . . ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐จ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ถ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ, ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด ๐ด๐ช๐ญ๐ข.โย ๐๐จ๐๐ก ๐ฏ:๐ญ๐ฒโ๐ญ๐ณ
Dahil sa kasalanan, nararanasan natin ang pagkawasak at pagkawalay mula sa Diyos dito sa buhay sa mundo, at sa huli, ang walang hanggang pagkakahiwalay sa Kanya. Pero dahil sa napakadakilang pag-ibig ng Diyosโsa pamamagitan ng regalo Niyang Anak, si Jesu-Cristoโbinuksan ng Diyos ang isang bagong kahihinatnan para sa atin. Habang tinatanggap natin ang Kanyang regalo nang may pananampalataya kay Jesus, nakatakda tayong makatanggap ng buhay na walang hanggan. Hindi lang ito tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan; kasama rin dito ang pagkakaroon ng uri ng buhay na gusto ng Diyos para sa atin habang nandito pa tayo sa mundo. Ano ang pananaw mo sa buhay pagkatapos ng kamatayan bago mo nakilala ang Diyos? Paano nagbago ang pananaw mo habang mas nakikilala mo Siya?
Ang pag-ibig ng Diyos ang dahilan sa likod ng layunin Niya na makipagkasundo sa atin. Hindi lang Niya tayo iniligtas, kundi binibigyan din Niya tayo ng bagong kahahantungan: ang buhay na walang hanggan. Higit pa dito, tinawag Niya tayo na makibahagi sa Kanyang layunin na ibalik tayo sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba ng tungkol sa pinakamagandang regalo at kahahantungang inilalaan Niya para sa atin.
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Pag-isipan ang katangian ng Diyos. Ano ang sinasabi sa atin ng pagpapadala Niya kay Jesus bilang handog tungkol sa Kanyang pagmamahal sa atin?
โข May mga bagay ba na ginagawa mo pa rin para โkitainโ ang pabor ng Diyos? Ano ang isang hakbang na maaari mong gawin ngayong linggo para maalala at tumugon sa Kanyang paanyaya?
โข Paano makikita ang layunin ng Diyos na pakikipagkasundo sa sarili mong paligid at komunidad? Ano ang isang kongkretong hakbang na maaari mong gawin ngayong linggo para makatulong na maibalik ang iba sa Diyos?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang dakilang pag-ibig para sa atin. Dahil sa Kanyang pagmamahal, ibinigay Niya ang Kanyang pinakamahalagang kaloob: ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo.
โข Hilingin sa Diyos ang biyaya na umasa lamang sa Kanya at hindi sa sarili nating gawa.
โข Idalangin na malinaw nating marinig ang tinig ng Diyos kung paano tayo makikiisa sa Kanyang layuning ibalik tayo sa Kanya.