Filipino
๐๐๐๐ก๐จ๐๐ข๐ ๐จ๐ฃ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐๐ฃ๐จ๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ก
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก
โ๐๐ต๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ. ๐๐ข๐จ-๐ถ๐ด๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐสผ๐บ ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ฅ, ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐จ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ฐ๐ฏ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. ๐๐ต๐ข๐ญ๐ช ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ณ๐ข๐ด๐ฐ ๐ฐ ๐ช๐ญ๐ข๐จ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ฐ๐ฐ ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ. ๐๐ด๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฉ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ต๐ถ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ถ๐ฏ๐จ๐ด๐ฐ๐ฅ.โย ๐๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ก๐ข๐ ๐๐ข ๐ฒ:๐ณ-๐ต
๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐ญ๐ข๐ฉ๐ช ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐จ๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ด๐ณ๐ข๐ฆ๐ญ. ๐๐จ๐๐ข๐ ๐ฎ:๐ญ๐ฌย
๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก
Bilang bayan na pinili ng Diyosโisang maharlikang pagkapari at isang banal na bansa (1 Pedro 2:9)โtayo ay ibinukod para sa Kanya. Ang pahayag na ito ng pananampalataya ay hindi lang para sa ngayon kundi isang bagay na ating hinahangad na yakapin ng bayan ng Diyos para sa mga parating na henerasyon. Ang pagpasa ng katotohanang ito nang matapat at masigasig sa susunod na henerasyon ay nangangailangan ng makabuluhan at tapat na pagkilos galing sa kasalukuyang henerasyon.
Kahit sa panahon pa ni Moises ay hinihikayat na ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak tungkol sa Diyos tulad ng makikita sa Deuteronomio 6:7โ9. Kasama rito ang pangunahing panalangin ng Shema na kinikilala bilang araw-araw na paghayag ng pananampalataya ng mga Hudyo sa parehong ritwal sa umaga at gabi. Ang gawaing ito sa loob ng mga pamilya at komunidad ay may layunin dahil ganito kung paanong ang tuloy-tuloy at sadyang pagdidisipulo ay binibigyang-diin galing sa isang henerasyon tungo sa isa. Ngunit sa pagdaan ng mga taon, maaaring nabigo sila na ipasa ang kaalaman ng pagkatao at mga ginawa ng Diyos.
Ang mga tribo ng Israel ay nakagawa ng malaking pagkakasala nang hindi nila ganap na sinunod ang Diyos. Ang pagkakamaling ito ay nagbunga ng isang bagong henerasyon tulad ng nabanggit sa Hukom 2:10 na nagtakwil sa Panginoon at sumamba sa mga huwad na diyos ng mga taong nakapaligid sa kanila (Hukom 2:12). Sa pagbabagong ito ay nawalan sila ng pananaw sa Diyos at sa kanilang sariling pagkakilanlan na maaaring nagdala sa kanila sa mga kalagayan na may kompromiso.
Habang hindi man tayo ligtas sa mga parehong kabiguan, mayroon tayong kakayahang maiwasan ang mga ito sa ating mga pamilya, mga buhay, at sa loob ng ating simbahan. Pwede nating ipasa ang kaalaman ng kung sino ang Diyos at kung ano ang mga ginawa Niya sa loob, para sa, at sa pamamagitan natin sa susunod na henerasyon.ย
Bilang isang simbahan, daladala natin ang responsibilidad na sakop ang maraming henerasyon na ipasa ang gabilya o batonโang mensahe ng ebanghelyo. Dapat ay gumawa tayo ng mga disipulo sa ating mga tahanan, mga paaralan, at kung saan man naroon ang mga kabataan. Ang mga magulang ay mayroong susunod na henerasyon sa kanilang mga tahanan, ang mga guro ay mayroon sa kanilang mga silid-aralan, at lahat tayo ay may mga kamag-anak at mga batang kaibigan na pwede nating abutin. Ang pag-abot sa kanila sa murang edad sa pamamagitan ng pagdidisipulo na may kasamang ugnayan at mga ugnayan na sakop ang maraming henerasyon ay ilan sa mga dahilan kung bakit pinipili ng mga kabataan na manatili sa simbahan.
Dinidibdib natin ang panawagan na alagaan ang susunod na henerasyon at turuan sila na harapin ang kanilang mga laban. Ang gawain ng Diyos sa ating simbahan ay hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon. Maging masipag tayo sa pagtuturo ng mga Kasulatan, pagbibigay ng malinaw na tuntunin, pagbabahagi ng kaalaman, at pagsasalamin ng pagmamahal at katotohanan ng Diyos sa susunod na henerasyon. Habang pinapaalala natin sa kanila ang matatag na pag-ibig at hindi nagbabagong katapatan ng Diyos, nawaโy patuloy na sumulong ang Kanyang kaharian sa atin at sa pamamagitan natin sa susunod na apatnapung taon at sa susunod pa, galing sa isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon.
๐ง๐จ๐ ๐จ๐๐ข๐ก
โข Ngayong taon, paano naging mabuti at tapat ang Diyos sa โyo? Paano Siya naging tapat sa iyong pamilya? Paano Siya naging tapat sa iyong lokal na iglesya at sa mas dakilang katawan ni Cristo?
โข Simula sa iyong pamilya at sa mga nakakahalubilo mo, maaari mo bang maipasa sa susunod na henerasyon ang mensahe ng ebanghelyo?
๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐
Mag-isip ng isang paaralan na malapit sa iyong puso. Planuhin mo na laging magdasal para sa mga mag-aaral, mga guro, at mga nagtatrabaho sa paaralan na ito.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
Panginoon, lumalapit kami sa Inyo na may pasasalamat sa puso. Naaalala namin ang Inyong kadakilaan at ang hindi mabilang na paraan kung saan ipinakita Ninyo ang Inyong matatag na pagmamahal. Nawaโy patuloy naming ibahagi ang Inyong pagmamahal at ang Inyong salita sa susunod na henerasyon, upang mas makilala nila Kayo at sumunod sila sa Inyo. Tulungan Ninyo kaming makapagdisipulo ng mga kabataan nang may taos-pusong pagmamahal at grasya. Nawaโy magkaroon sila ng lumalagong ugnayan sa Inyo at sa Inyong mamamayan, at nawaโy maakay nila ang mas marami pang tao palapit sa Inyo . . . sa Ngalan ni Jesus, Amen.