Filipino
๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐จ๐ก๐๐ก
Habang ang Iglesya ay patuloy na lumalalim sa ugnayan kay Jesu-Cristo, mas lumalaki ang epekto ng ebanghelyo sa ibang tao, sa mga campus, sa mga komunidad, at sa buong mundo.
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก
๐๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ. ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฉ๐๐ฃ๐ช๐ฉ๐ช๐ง๐ช๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐จ๐ ๐๐ฎ๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐ ๐๐ง๐ช๐ฃ๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ค๐จ. ๐๐ ๐๐๐ฃ๐ค๐ค๐ฃ, ๐ข๐๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐จ๐ ๐จ๐ ๐ฟ๐๐ค๐จ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฅ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐-๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฎ ๐พ๐ง๐๐จ๐ฉ๐ค.ย ๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฎ๐ด
Basahin din ang: ๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐ฎ:๐ณ; ๐ฏ:๐ญ๐ฎโ๐ญ๐ณย
ย
๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก
Ipinaliwanag ni apostol Pablo kung sino ang dapat nating ipahayagโsi Cristo at si Cristo lamang.ย ย
Ang pahayag na ito ay may kasamang babala at katuruan. Ang sulat ni Pablo sa mga taga-Colosas ay isang paalala sa mga mananampalataya na manatiling matatag laban sa mga mapanlinlang at maling pilosopiya na nakakaapekto sa kanilang iglesya noong panahong iyon.ย
Kayaโt unang binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan at kadakilaan ni Cristo sa pagsabing Siya lamang ang tunay na pinakamataas at may awtoridad. Siya ang namumuno sa lahat ng nilalang, pati na rin sa mga espirituwal na pangangatwiran at kapangyarihan sa kanilang lungsod at rehiyon. Nagbigay si Pablo ng matinding babala sa iglesya upang hindi sila basta maniwala sa kahit ano o magpaloko sa mga maling katuruan. Habang patuloy na itinuturo si Cristo, magkakaroon ng matatag na pundasyon ang mga mananampalataya kay Cristo, upang patuloy na lumago at tumibay sa Kanya (Colosas 2:7).ย
ย
Ang layunin ay ang paglago ng bawat mananampalataya kay Cristo. Tayo ay nagiging katulad ng imahe Niya at dapat ay mas lalo pang nagiging katulad Niya sa araw-araw. Bilang mga naligtas ng ebanghelyo, tayo ay patuloy ding ginagawang banal nito. Ang prosesong ito sa buong buhay natin ay kinabibilangan ng pagiging maingat at pagtugon sa mga babala na natanggap natin para talikuran ang ating dating pagkatao, umiwas sa maling aral, at magpatuloy sa paglago sa karunungan ng mga paraan ng Diyos.ย
Ang paglagong ito ay hindi lamang para sa atin bilang mga indibidwal na mananampalataya. Ito rin ay para sa Iglesya. Kapag tiningnan natin ang ating kalagayan at ang mga kakulangang nararanasan pa natin, parang imposibleng isipin na may isang malagong Iglesya na maihaharap kay Cristo. Dahil ang espirituwal na pag-unlad ng mga mananampalataya ay konektado sa pagiging mas katulad ni Cristo, ang isang malagong Iglesya ay kakikitaan ng malalim na pagmamahalan sa isaโt isa, pagbibigayan ng kapatawaran, at pagtuon ng pag-asa kay Jesu-Cristo (Colosas 3:12โ17). Bahagi ito ng layunin at plano ng Diyos para sa atin, kung saan makikita natin nang buo ang bunga ng natapos na gawain ni Cristo sa krus, at ito ang ating inaasahan at ipinapahayag. Habang ang Iglesya ay patuloy na lumalalim sa ugnayan kay Jesu-Cristo, mas lumalaki ang epekto ng ebanghelyo sa ibang tao, sa mga campus, sa mga komunidad, at sa buong mundo.ย
๐ง๐จ๐ ๐จ๐๐ข๐ก
โข Bilang isang tagasunod ni Cristo, ano ang mga bagay na maaaring sinasabihan ka ng Diyos na layuan? Paano ka patuloy na magiging matatag sa Kanya?ย
โข Paano mo maipapakita kung sino si Cristo sa iyong pamilya at komunidad?ย
โข Ang layunin natin ay maipahayag si Cristo. Tukuyin kung paano mo ito magagawa, at humingi sa Diyos ng tapang, lakas ng loob, at mga pagkakataon para makapaglingkod.ย
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
Panginoong Jesus, Naniniwala kami na Ikaw ang pinakamataas, makapangyarihan, at may awtoridad. Nawaโy makita ang katotohanang ito sa buhay namin at nawaโy maisalamin namin kung sino Ka sa lahat ng aming ginagawa. Nawaโy mas maging matatag ang Iglesya at maipahayag Ka namin sa aming mga salita, kilos, at buhay. Nawaโy mas lalo pa kaming maging katulad Mo araw-araw. Amen.