Estratehikong Pagpapadala

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Ano ang pinakamagandang kwento na narinig mo? Gusto mo rin ba itong ibahagi sa iba?

โ€ข Natutuwa ka bang magbiyahe o mas gusto mong manatili sa iyong siyudad? Bakit?

โ€ข Kung maaari kang pumunta nang paulit-ulit sa isang bansa, saan ka pupunta? Ano ang kaibahan nito sa iba pang mga bansa?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜•๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฎ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‘๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ.โ€ย ย ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿญ:๐Ÿด


Bago Siya umakyat sa langit, ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga disipulo ang utos na puntahan ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod Niya. Tinawag sila ni Jesus na pumunta sa ibaโ€™t ibang mga bayan at magbigay ng patotoo tungkol sa Kanya. Ito ang magsisilbing pintuan para maipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo. Nang ipadala sila ni Jesus sa buong mundo, sinabihan Niya silang hintayin ang pangako ng Banal na Espiritu, na matatanggap nila. Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang mga pwede nating matutunan mula sa talatang ito, habang sumusunod tayo sa tawag ng Diyos na pumunta sa ibaโ€™t ibang lugar.


๐Ÿญ. ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ.


โ€œ๐˜•๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ถ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ . . .โ€ย ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿญ:๐Ÿด


(Basahin din angย ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿญ:๐Ÿฐโ€“๐Ÿฑ.)


Nang tawagin ng Diyos ang Kanyang mga disipulo para ipalaganap ang ebanghelyo, hindi Niya sila pinapunta sa mga bayan nang mag-isa. Sa katunayan, nangako Siya na kasama nila ang Kanyang presensya at kapangyarihan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Magagawa natin ang tawag ng Diyos na ipangaral ang ebanghelyo dahil alam natin na kasama natin ang Kanyang presensya kung tayo man ay pupunta sa ibang lugar para mangaral o mananatili sa kung nasaan tayo ngayon. Paano mo naranasan ang presensya ng Diyos sa lugar na kinalalagyan mo ngayon?


๐Ÿฎ. ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜†๐—ผ.

โ€œ. . . ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฎ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‘๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข . . .โ€ ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿญ:๐Ÿด


Ang tawag ng Diyos na ipahayag ang ebanghelyo ay para sa lahat ng Kanyang mga disipulo, kabilang tayong mga disipulo ngayon. Ang iba sa atin ay tinawag upang ipahayag ang ebanghelyo sa ating mga komunidad. Pero sinasagot ng iba ang tawag na ito sa pamamagitan ng paggawa ng pangmatagalan at madiskarteng plano para maipangaral ang ebanghelyo sa ibaโ€™t-ibang lungsod at bansa. Saan man tayo naroon, tayo ay tinawag upang ipahayag ang ebanghelyo. Anu-anong mga oportunidad para sa pagpapahayag ng ebanghelyo ang nakikita mo sa loob at labas ng iyong komunidad ngayon?


๐Ÿฏ.๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ.

โ€œ. . . ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฎ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‘๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ.โ€ย ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐Ÿญ:๐Ÿด


Malinaw na sinabi ng Diyos kung sino ang mga dapat makarinig ng ebanghelyo. Nagpapadala Siya ng mga taong magpapahayag ng ebanghelyo hanggang sa marinig ito ng bawat tao sa buong mundo. Walang lugar sa mundo na hindi kasama sa utos na ito ng Diyos. Kaya naman bilang isang iglesya, nagpapadala tayo ng mga misyonaryo na pumupunta sa lahat ng bahagi ng mundo. Pero kasama tayong lahat sa tawag na ito. Tinatawag tayo ng Diyos upang lumabas sa ating mga comfort zone o mga lugar na maginhawa para sa atin upang ipangaral ang ebanghelyo. Naipangaral mo na ba ang ebanghelyo sa mga lugar na hindi maginhawa para sa iyo? Ano ang naging resulta nito?


Anuman ang ginagawa natin, ito man ay ang pagdarasal para sa ating mga cross-cultural missionary at ang mga lugar kung nasaan sila, pagsuporta sa kanilang gawain sa pamamagitan ng pagbibigay, o pagpunta sa ibaโ€™t ibang bansa, hindi natin ito dapat na ginagawa nang mag-isa. Ipinangako ni Jesus na kasama natin Siya hanggang sa dulo ng panahon, at tumawag din Siya ng iba pa para maisagawa natin ang misyong ito nang magkakasama.


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Kung ito ang unang pagkakataon na narinig mo ang tawag ng Diyos na ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo, ano ang isang bagay na naunawaan mo? Paano mas lalalim ang pakikibahagi mo sa tawag ng Diyos sa iyong buhay ngayong linggo?

โ€ข Saan at paano ka tinawag ng Diyos na makibahagi sa Kanyang misyon sa panahong ito? Manalangin at hilingin sa Diyos na patuloy na ipakita sa iyo ang Kanyang tawag at layunin para sa buhay mo.ย 

โ€ข Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng bansa na maipagdarasal mo. Mangakong ipagdarasal mo ang bansang ito, na maraming mga misyonaryo ang maipapadala dito, maipapangaral ang ebanghelyo, at magbabago ang buhay ng mga tao.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa pagpapadala Niya ng Kanyang mga disipulo upang maipahayag ang ebanghelyo sa buong mundo. Pasalamatan Siya sa pagpapadala Niya ng ebanghelyo sa iyo at sa iyong komunidad.

โ€ข Ipanalangin na malinaw kang makarinig mula sa Diyos sa pagsagot mo sa Kanyang tawag na ipahayag ang ebanghelyo at suportahan ang mga misyonaryong ipinapadala sa ibaโ€™t ibang bansa.

โ€ข Hingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang bansa o komunidad na maipagdarasal mo ngayong linggo.