Mas Mabuting Paglilingkod
๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Paano mo tinatrato ang mga taong malapit sa puso mo? Paano ito naiiba sa paraan ng pagtrato mo sa mga kakilala o mga bagong kakilala mo pa lang?
โข May ipinangako na ba sa โyo na parang napakaganda para maging totoo, pero natupad naman? Ano ang naramdaman mo nang matupad ito?
โข Ikwento ang isang pagkakataon na naramdaman mong kailangan mo ng panibagong simula. Paano ka nakabangon at nagpatuloy?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต ๐ฉ๐ช๐จ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐จ๐ข๐ธ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐จ๐ข๐ธ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ช, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐จ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ฏ๐ข๐ถ๐ฏ๐ข. ๐๐ต ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐บ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด.ย ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ด:๐ฒ
(Basahin din ang ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ด:๐ญโ๐ฑ, ๐ณโ๐ญ๐ฏ.)
Isa sa mga mas mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Cristo ay ang mas mabuting paglilingkod. Sa talatang ito, ang paglilingkod ay tumutukoy sa pampublikong pagsisilbi sa Diyos at sa mga tao na ginagawa ng mga pari. Sa Lumang Tipan, ang mga pari ay naghahandog ng mga sakripisyo at mga alay sa Diyos bilang pagsamba at upang maging posible ang pakikipag-ugnayan sa Kanya. Sila rin ang may tungkuling turuan ang mga Israelita tungkol sa panuntunan o salita ng Diyos. Ngunit kahit pa nagbigay ang paglilingkod na ito ng daan tungo sa pakikipag-ugnayan sa Diyos, hindi nito ganap na nilinis ang mga tao at hindi rin ito nagdulot ng ganap na pagbabago sa kanilang buhay. Mas higit ang paglilingkod ni Jesus kaysa sa mga pari dahil ito ay nakabatay sa ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฌ๐ฐ. Sa araw na ito, pag-aaralan natin ang mga mas mabubuting pangako na natupad sa pamamagitan ng mas mabuting paglilingkod ni Jesus sa ilalim ng bagong tipan.
๐ญ. ย ๐ก๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐๐๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ป.
โ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฑ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, โ๐๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐จ๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ด๐ณ๐ข๐ฆ๐ญ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ข๐ธ ๐ฏ๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ: ๐๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐ช๐ฎ ๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ด๐ช๐ฑ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ถ๐ต๐ฐ๐ด ๐ฌ๐ฐ, ๐ข๐ต ๐ช๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฌ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ถ๐ด๐ฐ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข. . . .โ ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ด:๐ญ๐ฌ
Ang mga utos at panuntunan ng Diyos ay isinulat noon sa mga kasulatan at binabasa nang malakas upang malaman at maalala ng mga tao. Ipinapakita nito kung ano ang tama at mali; ngunit hindi nito kayang turuan ang tao na gawin ang tama at iwasan ang mali (Roma 7:7โ12).
Ngunit sa ilalim ng bagong tipan, isinulat ng Diyos ang Kanyang mga panuntunan sa ating mga puso. Hindi na ito basta panlabas na utos o alituntunin lang. Ang paglilingkod ni Jesus ay nagbubunga ng bagong kagustuhan sa atin na mahalin ang Diyos at ang ating kapwa, at ang pag-ibig na ito ang tumutupad sa utos ng Diyos (Roma 13:8โ10; Galacia 5:14). Paano ipinapakita ng 1 Juan 4:10 at 19 kung paano nabubuo sa atin ang pag-ibig na ito para sa Diyos at sa kapwa?
๐ฎ. ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ถ๐๐ฎ.
โ. . . ๐๐ฌ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข, ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ. ๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ณ๐ถ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ช๐ฅ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต, ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฎ๐ข๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ฌ๐ช๐ญ๐ข.โ ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ด:๐ญ๐ฌโ๐ญ๐ญ
Sa Lumang Tipan, iilan lamang ang piniling makalapit sa presensya ng Diyos. Ang mga Israelita ang bayan ng Diyos at may daan sa Tabernakulo upang makipag-ugnayan sa Diyos. Ngunit tanging ang mga pari lang ang maaaring pumasok sa santuwaryo kung saan higit na nararanasan ang Kanyang presensya. Nakakalungkot man ngunit dahil nilabag ng mga Israelita ang kasunduan nila sa Diyos, sinabi ng Diyos na sila ay hindi na Niya bayan (Hosea 1:9). Ngunit nangako Siya na darating ang panahon na muli silang tatawagin na Kanyang bayan (Hosea 2:23). Ang magandang balita ay sa ilalim ng bagong tipan, ang lahat ng nagtitiwala kay Jesus ay nagiging bahagi ng bayan ng Diyos, na may direktang daan patungo sa Kanya at maaaring magkaroon ng malalim at tunay na pagkakilala sa Kanya. Sa iyong karanasan, ano ang mga biyayang natatanggap mo bilang bahagi ng komunidad ng bayan ng Diyos?
๐ฏ.ย ๐ ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป.
โ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ต ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ฎ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข.โย ๐๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ด:๐ญ๐ฎ
Sa lumang tipan, ang taunang mga handog ay para lamang sa isang taon na pagtatakip o pagtatanggal ng mga kasalanan ng tao sa harap ng Diyos upang makapiling nila Siya. Sa bagong tipan, ang habag ng Diyos ay hindi lamang nagliligtas sa atin mula sa parusa at bunga ng ating mga kasalanan. Ang handog ni Jesus ay naging pantubos sa lahat ng ating kasalanan at nagtanggal ng ating pagkakasala at kahihiyan. Kapag sinasabi sa Bibliya na hindi na inaalala ng Diyos ang ating mga kasalanan, hindi ibig sabihin na nakalimot Siya o hindi na Niya alam ang lahat ng bagay. Ibig sabihin nito, hindi na Niya tayo hinuhusgahan ayon sa ating mga kasalanan kundi pinipili Niya na makita si Jesus sa atin. Ang Kanyang awa ang nagpapahintulot sa atin na mabuhay ayon sa ating bagong pagkakakilanlan, hindi na tayo nakakulong sa mga tanikala ng ating nakaraan. Paano ito naging totoo sa buhay mo?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Naniniwala ka ba na tinitingnan ka ng Diyos nang may habag at pagmamahal at hindi na Niya tinatandaan ang iyong mga kasalanan? Paano mo maipapakita ang pamumuhay na malaya at puno ng biyaya mula sa Diyos?
โข Paano mo nakikita ang mga panuntunan at utos ng Diyos? Paano nakatulong ang ating napag-usapan ngayon upang maging maayos ang iyong pananaw, saloobin, at pamumuhay para sa Kanya?
โข Naniniwala ka ba na ikaw ay pag-aari ng Diyos? Paano magbabago ang pagtingin mo sa iyong sarili at sa ibang tao sa iyong iglesya dahil sa pinag-usapan natin ngayon?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa pagpapadala kay Jesus dahil sa pamamagitan Niya ay natatanggap natin ang mas mabuting paglilingkod, ang mas malapit na ugnayan sa Diyos, ganap na kapatawaran ng ating mga kasalanan, at bagong pagkakakilanlan bilang Kanyang mga mamamayan.
โข Hilingin sa Diyos na tulungan kang tandaan ang iyong pagkakakilanlan bilang isa sa Kanyang mga mamamayan. Ipanalangin na mamuhay ka nang sumusunod sa Kanyang mga utos at makasabay sa patnubay ng Banal na Espiritu.
โข Ipanalangin ang mga tao sa paligid mo kung saan nais mong maipangaral ang ebanghelyo. Hilingin na buksan ng Diyos ang kanilang mga puso habang inaanyayahan Niya sila na maging bahagi ng Kanyang pamilya.