Ang Kapitan ng Hukbong Romano
๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Ibahagi ang una mong akala sa isang tao na ngayon ay kilalang-kilala mo na.
โข Ibahagi ang isang kaganapan, kwento, o kasabihan na bumago sa akala mo sa isang bagay.
โข Anong pagpapakita ng pagmamahal ang lubhang nakaantig sa puso mo? Paano ka naapektuhan nito?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ข๐ญ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ถ๐ณ๐ช ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช, โ๐๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฐ ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ.โย ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฎ๐ฏ:๐ฐ๐ณ
(Basahin din ang ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฎ๐ฏ:๐ฏ๐ฏโ๐ฏ๐ด, ๐ฐ๐ฐโ๐ฐ๐ฒ.)
Ang pagpapapako sa krus ay ang pangunahing parusa ng mga taga-Roma. Sa kaso ni Jesus, dinala na Siya kay Gobernador Pilato ng Judea. Ipinatong ng mga sundalo ni Pilato ang koronang tinik at kinutya Siya, dahil alam nila na tinatawag Niya ang Kanyang sarili na โHari ng mga Judio.โ May isang kapitanโpinuno ng mga 80 sundalo sa hukbong Romanoโna nagmasid kay Jesus. Ang kapitan na ito ay saksi sa lahat ng mga pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos at kapangyarihan sa pagkakapako at kamatayan ni Jesus. Ang iba sa mga pangyayaring ito ay totoong kahanga-hanga. Nakita niya si Jesus, na sa halip na umiyak at magmura tulad ng ibang pinapako sa krus, ay nagpatawad sa mga papatay sa Kanya (Lucas 23:34). Sa pagkamatay ni Jesus, nasaksihan ng kapitan ang pagkawala ng sinag ng araw, paglindol, pagkabiyak ng mga bato, at pagbukas ng mga libingan (Mateo 27:51โ53; Lucas 23:44). Sa araw na ito ay pag-uusapan natin ang naging tugon ng kapitan sa pagpapapako at kamatayan ni Jesus sa krus, at kung paano natin ito magagamit sa buhay natin ngayon.
๐ญ. ๐๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ถ ๐๐ฒ๐๐๐.
๐๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ข๐ญ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐ต๐ข๐บ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ด๐ช๐ฏ๐ฅ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐ช๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐บ๐ข๐ณ๐ช. ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข, โ๐๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฐ ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด!โย ๐ ๐๐ง๐๐ข ๐ฎ๐ณ:๐ฑ๐ฐ
Pagkatapos niyang masaksihan ang mga pangyayari, napuno ang kapitan ng pagkamangha at inihayag niya na si Jesus ay tunay na ๐๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด. Ang karamihan sa pangungutya ay tungkol sa pag-angkin ni Jesus sa pagiging Cristoโkasama na rito ang koronang tinik, kapa, at karatula sa ibabaw ng ulo ni Jesus. Pinagtatawanan nila ang taong nagsasabing siya ay Hari, na kasalukuyang pinagdudusahan ang hatol na kamatayan. โDi tulad ng mga Judio, ang kapitan ay hindi lumaki na umaasa sa paparating na Mesias. Ngunit nang mamatay si Jesus, kinilala ng kapitan na totoo nga ang sinasabi Niya tungkol sa sarili: Siya ang Anak ng Diyos. Paano mo nakikita ang Diyos sa buhay mo? Paano mo Siya binigyan ng pagkilala at paano ka patuloy na lumago sa ugnayan mo sa Kanya?
๐ฎ. ๐ฃ๐ถ๐ป๐๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐.
๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ข๐ญ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ถ๐ณ๐ช ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช, โ๐๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฐ ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ.โย ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฎ๐ฏ:๐ฐ๐ณ
Dagdag pa sa pagkilala na si Jesus ay Anak ng Diyos, pinuri ng kapitan ang Diyos. Ibig sabihin nito ay kinilala at pinaniwalaan din niya ang Diyos. Ang tugon na ito at pagbabago ng sundalong taga-Roma ay higit na kakaiba sa lahat. Habang kinukutya ng iba si Jesus, pinuri Siya ng kapitan. May kwento ka ba ng pagbabago mula sa pangungutya tungo sa pagbibigay ng papuri? Paano ka binago ng karanasan mo sa pagmamahal ni Jesus at pagiging saksi sa Kanyang kapangyarihan?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Pag-isipan kung paano mo kinikilala si Jesus sa iyong araw-araw na pamumuhay. Ano ang isang paraang magagawa mo para mas sadyaing makilala Siya?ย
โข Maglaan ng panahon para pasalamatan ang Diyos sa tiyak na pagpapakita Niya ng Kanyang pagmamahal sa iyo. Paano mo matatandaang purihin Siya araw-araw?
โข Ipagdasal ang bahagi ng iyong buhay na sa tingin mo ay nangangailangan ng pagbabago. Ano ang isang hakbang na magagawa mo tungo sa pagbabagong ito?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa paghahayag Niya ng Kanyang pagmamahal at kapangyarihan sa pamamagitan ng sakripisyo ni Jesus sa krus at sa bawat araw ng iyong buhay.
โข Hilingin sa Diyos na tulungan kang mas makilala Siya at makita ang Kanyang pagkilos sa iyong buhay. Ipanalangin na malinaw mong maipaliwanag at mapatunayan sa iba ang Kanyang kabutihan.
โข Ipanalangin na manatiling bukas ang iyong puso sa pagbabago at pangunguna ng Diyos, dahil alam mo na araw-araw tayong nililinis ng Diyos.