Filipino

𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗔𝗕𝗥𝗔𝗛𝗔𝗠

Ipinapakita ng kasunduan ng Diyos kay Abraham ang layunin Niya na hindi nagbabago—ang dalhin ang pagtubos at pagpapala sa lahat ng bansa sa pamamagitan ni Cristo. 


𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡

𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘬𝘢𝘺 𝘈𝘣𝘳𝘢𝘮, “𝘓𝘪𝘴𝘢𝘯𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘯𝘴𝘢, 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘮𝘰, 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘮𝘣𝘢 𝘩𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢, 𝘢𝘵 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰. 𝘎𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘮𝘰. . . . 𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘮𝘰, 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰.” 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗦𝗜𝗦 𝟭𝟮:𝟭–𝟯


Ang ama ni Abraham, si Tera, ay pumanaw na. Panahon na para magpatuloy siya sa paglalakbay. Matagal na siyang nakatira sa Haran. 


Ilang taon na ang nakalipas nang magsimula ang paglalakbay niya sa Ur, isang lungsod na sumasamba sa diyos ng buwan. Tulad ng kanyang pamilya, nakilahok din si Abraham sa mga ritwal ng idola triya o pagsamba sa mga diyos-diyosan. Tuwing gabi, nagsisindi sila ng ilaw sa altar sa kanilang bahay, nananalangin para sa kalusugan, pagkakaroon ng anak, at proteksyon laban sa mga panganib kapag gabi. Nakaugat na sa buhay niya ang idolatriya—iyon lang ang alam niya. 


Ngunit nagpakita sa kanya ang Diyos ng kaluwalhatian at inutusan siyang umalis ng Ur. Sumunod si Abraham kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. 


Kasama niya ang kanyang ama sa simula, hanggang sa makarat ing sila sa Haran. Doon sila tumira hanggang mamatay si Tera. 


Pagkatapos, iniwan ni Abraham ang kanyang tahanan at pumunta sa lupa na may pagpapala. 

Ang salitang “pagpapala” ang sentro ng Genesis 12:1–3. Apat na beses itong binanggit sa talata 2 at 3. Paano nangyari iyon? Sa mga naunang kabanata (Genesis 3–11), puro kasalanan at kahihiyan ang nakita natin—mula sa pagkakasala ni Adan hanggang sa kayabangan sa Babel. Inaasahan natin ang parusa, ngunit ang sinabi ng Diyos ay pagpapala. Ayon kay Christopher Wright, 


“𝘈𝘯𝘨 𝘎𝘦𝘯𝘦𝘴𝘪𝘴 12:1–3 𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘦𝘬𝘴𝘵𝘰, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘎𝘦𝘯𝘦𝘴𝘪𝘴 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘉𝘪𝘣𝘭𝘪𝘺𝘢. 𝘐𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢: 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘎𝘦𝘯𝘦𝘴𝘪𝘴 3–11, 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘺𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘶𝘩𝘢𝘯. 𝘈𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘉𝘪𝘣𝘭𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘯𝘴𝘢, 𝘢𝘵 𝘴𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘴𝘦𝘯𝘵𝘳𝘰.”


Ang pagpapala ay higit pa sa kasiyahan. Ito ay kasaganaan, kapayapaan, mahabang buhay, masaganang lupa, at lumalaking pamilya. Higit sa lahat, ito’y buhay na nakaayon sa Diyos at nakakaranas ng Kanyang kaluwalhatian. 


Ang mga pangako ng Diyos kay Abraham, sa kanyang pamilya, at sa buong mundo, ay pagpapatuloy ng orihinal na pagpapala na ibinigay Niya kay Adan (Genesis 1:28–30). Ipinapakita nito na hindi nagbago ang layunin Niya na punuin ang mundo ng Kanyang presensya. Habambuhay Siyang tapat sa Kanyang pangakong pagpapalain ang lahat ng bansa. 


Tayo ay naging konektado sa pangakong ito sa pamamagitan ni Cristo. Tinatanggap natin ang pagpapala ni Abraham. Ngunit hindi lamang tayo tinawag para tumanggap—tinawag din tayong magbahagi. Kung paanong isinugo ng Diyos si Abraham, tayo rin ay inaanyayahang makiisa sa Kanyang misyon na pagpalain ang lahat ng bansa. 


𝘒𝘢𝘳𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘣𝘢𝘴𝘢𝘩𝘪𝘯: 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗦𝗜𝗦 𝟭𝟳:𝟭–𝟴; 𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟲𝟳:𝟭–𝟮; 𝗜𝗦𝗔𝗜𝗔𝗦 𝟰𝟵:𝟲; 𝗚𝗔𝗟𝗔𝗖𝗜𝗔 𝟯:𝟴–𝟵 


𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗦𝗜𝗣𝗔𝗡

Sumunod si Abraham sa Diyos nang buo ang pagtitiwala kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kinailangan niyang iwan ang nakaraan para tanggapin ang pangako ng Diyos. Ano ang hinihiling ng Diyos na iwan mo para sumunod sa Kanya? 


𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡

Kung paanong iniwan ni Abraham ang idolatriya na dati niyang ginagawa, suriin ang sarili mong buhay. May mga bagay bang pumi pigil sa iyo na ibigay ang buo mong debosyon sa Diyos at sa Kanyang misyon? Pumili ng isang kilos, nakasanayang kaisipan, o tukso na isusuko mo sa Diyos, at palitan ito ng isang gawain na magbibigay luwalhati sa Kanya.


𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡

Panginoon, tinawag Mo si Abraham na umalis—iwan ang mga bagay na pamilyar at ligtas—at magtiwala sa Iyo para sa mga mas nakakahigit na bagay. Pinangakuan Mo siya ng pagpapalang hindi lang para sa kanya, kundi para sa lahat ng bansa sa pamamagitan niya. Ang layuning ito ay nananatili hanggang ngayon. Kay Cristo, tinatawag, pinagpapala, at isinusugo Mo pa rin kami para ipagpatuloy ang Iyong misyon. 


Kahit winasak ng kasalanan ang mundo, nananatili ang Iyong layunin—ang tubusin at ibalik ang lahat ayon sa Iyong disenyo. Dahil Ikaw ay tapat, pinipili naming mamuhay nang may pananampalataya, nagtitiwalang gagabayan Mo kami. Isinusuko namin ang aming sarili sa Iyong di-nagbabagong misyon, kahit hindi malinaw ang daan sa hinaharap. Bigyan Mo po kami ng tapang na sumunod saan Mo man kami ipadala at na maging pagpapala sa mundo, gaya ng Iyong pagpapala sa amin. Amen.