Jesus, ang Mesias
๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข May nasabihan ka na ba ng โSa wakas, dumating ka naโ? Gaano kahalaga ang pagdating ng taong iyon?
โข Nangailangan ka na ba ng tulong ng ibang tao para mailigtas ka? Ano ang nangyari?
โข Kapag naghihintay ka, mas gusto mo bang maghintay nang sandali lang kahit pa iba ang matanggap mo o handa kang maghintay nang matagal para makuha ang talagang gusto mo? Bakit?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ-๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ. ๐๐ช ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ช ๐ฏ๐ช ๐๐ฃ๐ณ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ. . . . ๐ข๐ต ๐ด๐ช ๐๐ข๐ค๐ฐ๐ฃ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ฐ๐ด๐ฆ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ขสผ๐บ ๐ด๐ช ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข. ๐๐ช ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ฏ๐ข ๐ต๐ช๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐จ ๐ฏ๐ข ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ. ๐๐ข๐บ๐ข ๐ฎ๐ข๐บ 14 ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ฃ๐ณ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ, ๐ฎ๐ข๐บ 14 ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ข๐จ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐ด๐ณ๐ข๐ฆ๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ฐ๐ฏ๐ช๐ข, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐บ 14 ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ข๐จ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ. ๐ ๐๐ง๐๐ข ๐ญ:๐ญ, ๐ญ๐ฒโ๐ญ๐ณ
Nang ibinahagi ni Mateo ang talaan ng mga ninuno ni Jesus, sinabi niya na si Jesus nga ang pinakahihintay na Mesias at Panginoon. Si Jesus ay hindi lamang katuparan ng ipinangako ng Diyos kay Abrahamโna sa pamamagitan Niya ay pagpapalain ang lahat ng bansaโkundi katuparan din ng pangako ng Diyos kay David na isa sa kanyang mga apo ang magtatatag ng kaharian na walang-hanggan. Maliban pa dito, tinawag din ni Mateo si Jesus na Cristo. Ipinapahiwatig lang nito na si Jesus ang pinili at ipinangakong Tagapagligtas na binabanggit sa buong Lumang Tipan. Sa pagbalik-tanaw ni Mateo sa lahi ni Jesus mula sa Kanya pabalik kay Jose, pinatunayan ni Mateo na dumating na sa wakas ang Tagapagligtas, na tumupad sa inaasahan ng mga Judio sa isang Mesias at sa plano ng Diyos na kaligtasan ng mundo. Sa araw na ito, titingnan natin ang kabuluhan ng pagdating ni Cristo Jesus para sa atin.
๐ญ. ๐๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ, ๐๐ถ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ฎ๐ธ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐.
๐๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ-๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ. ๐๐ช ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ช ๐ฏ๐ช ๐๐ฃ๐ณ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ. ๐ ๐๐ง๐๐ข ๐ญ:๐ญ
Ang pagdating ni Jesus sa mundo ay itinakda na bago pa Siya ipinanganak. Pinagtahi-tahi ng Diyos ang mga buhay at kaganapan sa loob ng maraming henerasyon upang masiguro na isisilang sa mundo ang Tagapagligtas. Nagbibigay ito sa atin ng malakas na pananalig sa Kanyang katapatan. Hindi kumikilos ang Diyos nang basta-basta lang. Hindi Niya tayo nilikha nang walang pag-iingat at basta-basta lamang noong ipinanganak tayo. Napapanatag tayo nito dahil ang Diyos ang may hawak ng lahat, kumikilos sa lahat ng panahon, mga tao, at mga pangyayari upang maisakatuparan ang mga plano at layunin Niya sa ating buhay. Paano nabago ang buhay mo nang malaman mo na may plano at layunin ang Diyos para sa lahat?
๐ฎ.๐๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ, ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ฎ๐ธ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐.
๐๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ-๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ. ๐๐ช ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ช ๐ฏ๐ช ๐๐ฃ๐ณ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ. . . . ๐๐ข๐บ๐ข ๐ฎ๐ข๐บ 14 ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ฃ๐ณ๐ข๐ฉ๐ข๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ, ๐ฎ๐ข๐บ 14 ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ข๐ท๐ช๐ฅ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ข๐จ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐ด๐ณ๐ข๐ฆ๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ฐ๐ฏ๐ช๐ข, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐บ 14 ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ข๐จ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ. ๐ ๐๐ง๐๐ข ๐ญ:๐ญ,๐ญ๐ณ
Ang talaan ng mga ninuno mula kay Adan hanggang kay Cristo ay nagpapakita lamang na ang Diyos ay kumikilos sa ibaโt ibang klase ng tao. Pinipili Niya ang mga makapangyarihan at tanyag pati na rin ang mga karaniwan at hindi kilala. Ang mga haring tulad nina David, Hezekia, at Zerubabel ay mga tanyag pati na rin ang mga tulad ni Zadok na pinuno ng mga pari. Ngunit kasama ng mga tanyag na pangalang ito ay ang mga hindi Judio na tulad nina Ruth at Rahab at ang mga abang tao na sina Maria at Jose. Ipinapakita ng pagkakaiba-ibang ito na sa plano ng Diyos para sa kaligtasan, maaaring maging bahagi ang kahit na sino at hindi ito ayon sa estado sa buhay o angkan. Nakikita ng Diyos ang bawat isa sa atin at maaari Niya tayong gamitin sa mga plano Niya. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng seguridad at halaga. Sabi sa Mateo 28:18โ20, ano ang ipinapagawa ni Jesus sa atin? Nagagawa mo ba ito kung nasaan ka ngayon?
Ang listahan ng mga ninuno ni Jesus ay nagpapatunay na walang sinuman ang hindi mahalaga para hindi maging bahagi sa kwento ng Diyos. Kung para sa mundo ay hindi tayo kilala, nakikita pa rin tayo ng Diyos at alam Niya ang bawat detalye ng ating mga buhay. Tinatawag tayo ng Diyos na ihayag ang ginawa ni Jesus hanggang sa dulo ng daigdig upang sa wakas ay malaman ng mga tao na dumating na ang Tagapagligtas at itinatatag na Niya ang Kanyang kaharian dito sa mundo.
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Minsan ba ay nararamdaman mo na walang halaga ang iyong buhay? Hilingin sa Diyos na tulungan kang makita ang sarili mo tulad ng pagtingin Niya sa iyo.
โข Hilingin sa Diyos na ipakita Niya ang plano at layunin Niya sa buhay mo. Isulat ito at ilagay sa lugar na nakikita mo palagi upang maalala mo na nais ng Diyos na mamuhay ka nang may kahalagahan.
โข Ano ang mga maaari mong gawin upang makibahagi sa gawain ng Diyos sa mundo? Manalangin na magkaroon ka ng mga pagkakataong ibahagi kung sino si Jesus sa mga malalapit sa iyo.
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos para sa katiyakang mahalaga ang buhay mo, kahit ano pa man ang sabihin o isipin ng mga tao sa paligid mo. Humingi sa Diyos ng lakas ng loob para mamuhay ayon sa kagustuhan Niya at maisakatuparan ang mga plano Niya.
โข Manalangin na bigyang-linaw ng Diyos ang mga gusto Niyang ipagawa sa iyo para magampanan mo ang iyong bahagi sa Kanyang plano. Hingin ang isang pusong handang sumunod sa Kanya.
โข Manalangin na ngayong Pasko, gamitin ka ng Diyos upang makapaghatid ng pag-asa at lakas ng loob sa mga nakapaligid sa iyo. Ilista lahat ng mga pagtitipon na dadaluhan mo at humiling ng pagkakataon na makapagbahagi ka ng pag-asa sa mga tao.