Filipino

๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—œ๐—ก

Tiyak na kaya namang maisakatuparan ng Diyos ang gawaing ito nang wala tayo, ngunit pinili Niya tayong maging bahagi ng Kanyang misyon, bilang Kanyang mga anak. Bagamaโ€™t ang gawain ay sa Kanya pa rin, ang pribilehiyo at kagalakan na maging bahagi nito ay sa atin.ย 


๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก

๐˜๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐™ข๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™œ๐™ก๐™š๐™จ๐™ฎ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™ก๐™ช๐™—๐™ช๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™จ๐™–๐™๐™š ๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™…๐™ช๐™™๐™ž๐™ค. ๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช, ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข. ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿฑโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฒ


Basahin din ang: ๐—Ÿ๐—จ๐—–๐—”๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿฏโ€“๐Ÿฎ๐Ÿณย 

ย 

๐—ฃ๐—”๐—š-๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก

Walang gaanong kwento na kasing-radikal ng kwento ng pagbabalik-loob ni Pablo. Mula sa pagiging isang masigasig na tagapag-usig ng iglesya hanggang sa pagiging isa sa mga pinakamakapangyarihang tagapagpahayag ng ebanghelyo, ang buhay ni Pablo ay ganap na nabago ng mabuting balita ng Panginoong Jesu-Cristo.ย 


Ang kwento ay hindi natapos sa pagbabalik-loob ni Pablo. Ginawa niyang layunin ng kanyang buhay ang maging isang ministro ng ebanghelyo, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด. Bagamat ang ating mga kwento ay hindi kasing-radikal, kung sino man tayo ngayon, ito ay dahil sa naipahayag sa atin ang ebanghelyo.ย 

ย 

Mula sa simula, ang nais ng Diyos ay ang kaligtasan ng mga tao. Ipinagkatiwala Niya sa atin ang mensahe ng pagkakasundo upang mas maraming tao ang maibalik sa isang mapagmahal na ugnayan sa Kanya. Pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, si Jesus ay nagpakita sa dalawang disipulo sa daan patungong Emaus, at doon ay ipinaliwanag Niya ang nakalagay sa lahat ng Kasulatan tungkol sa Kanya. Nais ni Jesus na magkaroon ng tamang pananaw ang Kanyang mga disipulo sa lahat ng pagdurusa ng Mesias (Lucas 24:26).ย 

ย 

Ang Diyos ay may layunin sa anumang pagkakataon upang buksan ang mata ng mga tao sa katotohanan. Nang makatagpo ni Pablo si Jesus sa daan patungong Damascus, naging bulag ang kanyang mga pisikal na mata. Ngunit sa sandaling iyon, ang kanyang mga espirituwal na mata ay nabuksan at nakita niya kung sino talaga si Jesus. Mula noon, ang buhay ni Pablo ay ganap na nagbago. Naging handa siyang talikuran ang lahat para makilala si Cristo at maipahayag ang Kanyang ebanghelyo anuman ang mangyari.


Tinatawag tayo ng Diyos na gawin din ito. Inilagay Niya tayo sa ating mga tahanan, paaralan, lugar ng trabaho, at komunidad, binigyan tayo ng mga kasanayan, talento, at kakayahanโ€”upang maipahayag din natin kung sino si Jesus. Maaaring iba-iba ang mga instrumento at paraan na ibinigay sa atin, ngunit may isang bagay tayong pareho: Lahat tayo ay nagkaroon ng pagtatagpo kay Jesus. At sa pamamagitan ng ating mga buhay na patuloy na binubuo at binabago ng ebanghelyo, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang mensahe.


Tiyak na kaya namang maisakatuparan ng Diyos ang gawaing ito nang wala tayo, ngunit pinili Niya tayong maging bahagi ng Kanyang misyon, bilang Kanyang mga anak. Bagamaโ€™t ang gawain ay sa Kanya pa rin, ang pribilehiyo at kagalakan na maging bahagi nito ay sa atin.


Walang duda na ang gawaing ito ay may kasamang mga hamon at paghihirap. Ngunit maaari tayong manatiling matatag at buo ang loob dahil alam natin na ang ating pagdurusa ay hindi maihahambing sa tiniis ni Jesus sa krus. Ang mensaheng dala natin ay napaka ganda para bitawan kapalit ng mga mababaw na hangarin. Dahil sa ebanghelyo, sa walang hanggan, at sa Dakilang Misyon, maaari tayong maging tapat na mga katiwala ng pagtawag na ito upang maging asin at ilaw nasaang sulok man tayo ng mundo.


๐—ง๐—จ๐— ๐—จ๐—š๐—ข๐—ก

โ€ข Ano ang buhay mo bago mo nakatagpo si Cristo? Paano nagbago ang iyong buhay mula noon?ย 

โ€ข Ang buhay na isinasabuhay natin ay siya ring mensahe na ipinahahayag natin sa mundo. Paano ka mananatiling matatag sa iyong relasyon sa Diyos, para mas makilala at maipakilala mo Siya sa iba?ย 

โ€ข Sinu-sino ang mga tao sa iyong komunidad na hindi pa nakakakilala sa Diyos? Paano mo sila matutulungan at masasamahan upang lumago ang kanilang ugnayan sa Diyos?ย 


๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Ama namin sa langit, Salamat po sa gawaing tinapos ni Cristo sa krus at sa maraming kahulugan nito sa aming mga buhay bilang mga mananampalataya. Nawaโ€™y maipahayag namin ang ebanghelyo sa lahat ng aming gagawin. Ipinapanalangin namin na palakasin Mo po kami at gamitin Mo po kami para maibalik ang mga tao sa tamang ugnayan sa Iyo. Nawaโ€™y makita ng mga tao si Cristo sa aming buhay at maipahayag namin na Siya ang Panginoon ng lahat. Sa pangalan ni Jesus, Amen.ย