Pananalangin | Kapag Ikaw ay Nananalangin . . .

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Ano-ano ang mga ginagawa mo para mapalago ang iyong mga pinakamahahalagang relasyon?

โ€ข Paano ka namumuhunan para sa kalusugan o personal mong paglago? Magbahagi ng kahit isang bagay na ginagawa mo bawat linggo para rito.

โ€ข Sino ang natatakbuhan mo sa tuwing nangangailangan ka? Gaano ka kasigurado na tutulungan ka ng taong ito?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ. ๐˜š๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ต.โ€ ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿฒ:๐Ÿญ


(Basahin din ang ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿฒ:๐Ÿฑโ€“๐Ÿญ๐Ÿฑ.)


Habang isinasabuhay natin ang mga espirituwal na disiplina, hindi lang tayo mas lumalakas sa larangang espirituwal at nagiging mas tulad ni Jesus. Higit pa rito, lumalago tayo sa ating ugnayan sa Diyos. Ang pananalangin ay isa sa mga disiplinang espirituwal at isang mahalagang bahagi ng ating araw-araw na ritmo ng biyaya. Kapag nananalangin tayo, ito ay kabilaang pakikipag-usap sa pagitan natin at ng Ama. Nagkakaroon tayo ng pagkakataong kausapin Siya, nakikita natin kung paano Siya tumututok at matiyagang nakikinig sa atin, at nabibigyan tayo ng pagkakataong marinig Siya. Ngayong araw, tingnan natin kung ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa panalangin sa Kanyang Pangangaral sa Bundok.


๐Ÿญ. ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป, ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ.

โ€œ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ. ๐˜”๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ, ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข.โ€ ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿฒ:๐Ÿฑ


Ang panalangin ay bahagi ng kultura ng mga Judio. Pero madalas, nakakalimutan ng mga tao ang tunay na layunin at kahulugan ng panalangin. May mga tao na nananalangin nang malakas sa mga pampublikong lugar para lang makita ng iba na sila ay masunurin at matuwid. Nagbigay si Jesus ng paalala na kapag tayo ay nananalangin, ang layunin natin ay hangarin ang Diyos Ama. Mahalagang malaman natin kung kanino tayo nananalangin kaysa unahin ang pansarili nating kagustuhan o kung ano ang tingin sa atin ng iba. Sa pananalangin, nagpapakumbaba tayo sa harap Diyos, lumalapit tayo sa Kanya at inaayon ang ating mga sarili sa Kanyang kalooban. Makakaasa tayo na kapag tayo ay nananalangin, naririnig tayo ng ating Ama sa langit (1 Juan 5:14). Paano sinimulan ni Jesus ang Kanyang panalangin (Mateo 6:9)?


๐Ÿฎ. ๐—ž๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป.ย 

โ€œ๐˜š๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ, ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค, ๐™ฅ๐™ช๐™ข๐™–๐™จ๐™ค๐™  ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ฌ๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ค ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ.โ€ ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿฒ:๐Ÿฒ


Hinikayat ni Jesus ang mga tao na pumasok sa sarili nilang kwarto at manalangin nang hindi nakikita. Hindi ito tungkol sa pagiging mapaglihim sa pananalangin o hindi pagpapakita sa iba na tayo ay nagdarasal. Sa halip, hinihikayat tayo ni Jesus na hangarin ang Diyos at maglaan ng oras at lugar para sa pagdarasal. Makikita sa buong Ebanghelyo na si Jesus ay nanalangin tuwing madaling araw o sa kailaliman ng gabi para makipag-usap sa Ama. Dahil mahalaga ang panalangin para sa atin, kailangan nating paglaanan ito ng panahon at magtakda ng tiyak na oras kung kailan natin ito gagawin, para hindi natin ito makalimutan o mapabayaan. Ibahagi ang iyong personal na oras ng pananalangin at ang mga pagkakataong nananalangin ka kasama ang iyong komunidad ng iglesya.


๐Ÿฏ. ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ ๐—ก๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ.

โ€œ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด. ๐˜ˆ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏสผ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข.โ€ย ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿฒ:๐Ÿณโ€“๐Ÿด


Sinabi ni Jesus na ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ . . . ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ o umasang maririnig tayo ng Diyos kung mahaba ang ating panalangin. Nilinaw Niya na alam ng ating Ama kung ano ang kailangan natin at kung ano ang laman ng ating puso bago pa man tayo magdasal. Hindi ibig sabihin nito na hindi na tayo magdadasal o gagamit ng mga salita. Nananalangin tayo nang buo ang loob na naririnig tayo ng Diyos, alam Niya ang ating mga pangangailangan sa paglapit natin sa Kanya, at sasagutin Niya tayo ayon sa Kanyang kalooban (1 Juan 5:14). Naririnig tayo ng Diyos. Paano binago ng katotohanang ito ang paraan mo ng pagdarasal?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Kanino ka nananalangin? Ano ang madalas mong ipinagdarasal? Ano ang isang bagay na sisimulan mong gawin para sundin ang mga tuntuning itinuro ni Jesus tungkol sa pananalangin?

โ€ข May inilaan ka bang oras at lugar para manalangin nang mag-isa o kaya ay kasama ang iyong komunidad ng iglesya? Mangakong gagawin mo ito at hingin ang tulong ng Banal na Espiritu at ng isang malapit na kaibigan para matupad mo ang iyong pangako.

โ€ข May kakilala ka ba na kailangang makaalam na ang Diyos ay Ama natin at naririnig Niya tayo at alam Niya ang ating mga pangangailangan? Paano mo mapapalakas ang loob ng taong ito gamit ang natutunan natin ngayong linggo?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos para sa handog Niyang kaligtasan sa pamamagitan ng krus ni Jesu-Cristo na nagbigay-daan upang mapabilang tayo sa Kanyang pamilya at makalapit tayo sa Kanya nang buo ang loob at may kalayaan.

โ€ข Ipanalangin na magkaroon ka ng kasiyahan at disiplina habang ipinapangakong maglalaan ka ng oras at lugar para sa pananalangin. Ipagdasal na habang nananalangin kang mag-isa o kasama ang iyong komunidad ng iglesya, lalago ang iyong pagkakakilala at ugnayan sa Diyos.

โ€ข Hilingin sa Diyos na tulungan kang gabayan ang iba papunta sa Kanya. Ipanalangin na hindi ka titingin lamang sa mga pangangailangan mo kundi mabigyan ka ng pusong mapaglingkod sa iba habang mas nakikilala at sinusunod mo Siya.ย