Kapangyarihan ng Salita ng Diyos
๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข May narinig ka bang bagay kamakailan na napaisip ka ng, โTotoo ba talaga โyon?โ Bakit ka nagkaroon ng ganitong reaksyon?
โข Magkwento ng isang pagkakataon kung kailan may sinabi ang isang tao na nakaapekto sa pananaw mo o sa naging desisyon mo. Bakit naging mahalaga para sa โyo ang mga sinabi niya?
โข Sa palagay mo, ano ang dahilan kung bakit mapagkakatiwalaan ang isang tao o bagay?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ด๐ถ๐ญ๐ข๐ต๐ข๐ฏ ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ข๐บ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ, ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ . . .ย ๐ฎ ๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐๐ข ๐ฏ:๐ญ๐ฒ
Isipin ang lahat ng mga boses na nagsasabi kung ano ang totooโkultura, social media, personal na mga damdamin, at maging ang mga tradisyon. Nakakalito minsan kung ano ba talaga ang dapat paniwalaan. Pero ipinapaalala sa โtin ng binasang talata na ang Bibliya ay galing sa Diyos at puno ng Kanyang kapangyarihan. Hindi ito tulad ng mga pabago-bagong opinyon sa mundo. Ang salita ng Diyos ay hindi nagbabagoโito ay matatag, totoo, at mapagkakatiwalaan. Kapag hindi mo masabi kung ano ang tama o kung paano mamuhay, alamin kung ano ang sinasabi ng Bibliya. Ngayong araw, pag-uusapan natin kung bakit ang Bibliya ang dapat nating sundin sa ating buhay.
๐ญ. ๐๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ฏ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ถ๐๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐.
๐๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ด๐ถ๐ญ๐ข๐ต๐ข๐ฏ ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ข๐บ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ, ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ . . . ๐ฎ ๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐๐ข ๐ฏ:๐ญ๐ฒ
Hindi lang basta ideya o opinyon ng tao ang nasa Bibliya. Sabi sa 2 Pedro 1:21, ang mga sumulat nito ay ginabayan ng Banal na Espiritu, kaya ang naisulat nila ay ang gusto talagang iparating ng Diyos. May isang kilalang dalubhasa sa teolohiya ang nagsabi na ang iyong paniniwala o hindi sa Bibliya ay paniniwala o hindi na din sa Diyos. Dahil ang Bibliya ay salita ng Diyos, tinatawag tayong magtiwala at sumunod sa lahat ng itinuturo nitoโhindi lang ang mga bahaging gusto natin. Sa pamamagitan ng Kasulatan, nangungusap ang Diyos sa atin. Paano mo naranasan ang pakikipag-usap sa โyo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita?
๐ฎ. ๐๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐๐ฏ๐๐ด๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ถ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ..ย
๐๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ด๐ถ๐ญ๐ข๐ต๐ข๐ฏ ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ข๐บ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ, ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ธ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ฅ ๐ด๐ข ๐๐ช๐ฐ๐ด.ย ๐ฎ ๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐๐ข ๐ฏ:๐ญ๐ฒโ๐ญ๐ณ
Ang salita ng Diyos ay hindi lang para sa kaalaman natin; ito ang bumabago sa โtin. Ang layunin ay hindi lang para madagdagan ang alam natin kundi para hubugin tayo para tayo ay maging ย handa sa lahat ng mabubuting gawa. Sinasanay tayo ng Kasulatan na mamuhay nang tulad ni Jesus. Itinuturo sa โtin ng Kasulatan kung ano ang totoo, itinutuwid tayo kapag tayoโy nagkakamali, at tinutulungan tayong lumago sa mga maka-Diyos na pag-uugali. Habang binabasa at sinusunod natin ang Salita ng Diyos, unti-unti Niya tayong binabago para maging katulad ni Cristo. Paano binago ng Salita ng Diyos sa buhay mo?
Sa mundong puno ng mga pabago-bagong opinyon at sariling katotohanan, ang Salita ng Diyos ang matibay at hindi nagbabagong pamantayan ng katotohanan. Dahil ang Bibliya ay mismong Salita ng Diyos, dapat natin itong paniwalaan, sundin, ipamuhay, at pahalagahan nang higit sa lahat. Habang mas nakikilala natin ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita at mas sinusunod natin Siya, unti-unting nababago ang ating buhay. Kapag hinahayaan natin ang Kanyang Salita na hubugin ang ating isipan, ituwid angย ating landas, at sanayin ang ating puso na ipahayag Siya, namumuhay tayo sa paraang nagbibigay luwalhati at karangalan sa Kanya.
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Anong mga tinig sa buhay mo ang mas nakakaimpluwensya sa โyoโmedia, kaibigan, kultura, o damdamin? Ano ang pwede mong gawin para masigurong ang Salita ng Diyos lamang ang nag-iisang awtoridad sa buhay mo?
โข Paano hinubog ng Kasulatan ang pag-iisip at pag-uugali mo nitong nakaraang taon? Pag-isipan kung paano ka binago ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
โข Isipin ang isang kaibigan, kapamilya, o kakilala na nangangailangan ng pag-asa sa mga panahong โto. Paano mo mapapalakas ang loob niya ngayong linggo gamit ang mga natutunan mo tungkol sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Purihin ang Diyos sa pagbibigay sa atin ng Kanyang Salita na nananatiling matatag at hindi pabago-bago sa gitna ng mundong puno ng kasinungalingan at kalituhan. Hilingin sa Kanya na bigyan ka ng matinding pagmamahal at pananabik sa Kanyang salita.ย
โข Ipagdasal na matuto kang magtiwala at magpasakop sa kabuuan ng Kanyang salitaโhindi lang sa mga bahaging pamilyar o magaan para sa โyo. Hilingin rin na gamitin Niya ang Kanyang Salita para baguhin ka, upang lalo kang maging katulad ni Jesus sa isip, salita, at gawa.ย
โข Hingin sa Diyos na tulungan kang maibahagi ang Kanyang salita sa iba ngayong linggoโupang silaโy mapalakas, maturuan, at magabayan patungo kay Cristo.