Filipino
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก
โ๐๐ข๐บ๐ฐสผ๐บ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ข๐ฌ๐ฐ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ. ๐๐ต ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐสผ๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ช๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ฐ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ.โย ๐๐๐ฉ๐๐ง๐๐๐จ๐ฆ ๐ฎ๐ฌ:๐ฎ๐ฒ
Basahin din ang ๐๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ก๐ข๐ ๐๐ข ๐ฐ:๐ฑโ๐ด; ๐ฆ๐๐๐ ๐ข ๐ฎ๐ฐ:๐ญ; ๐ญ๐๐๐๐ฅ๐๐๐ฆ ๐ด:๐ฎ๐ฏ
๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก
Ang tema ng 2024 para sa Every Nation ay kabanalan. Noong Enero ay pinag-isipan natin ang panawagan tungo sa kabanalan. Sa debosyonal na ito, patuloy tayong mag-iisip kung ano ang ibig sabihin nito para sa atin sa mga kanya-kanya nating buhay, pamilya, pati na rin sa ating simbahan, sa ating mga paaralan at sa ating mga komunidad. Habang ipinagdiriwang natin ang katapatan ng Diyos sa atin at sa ating simbahan ngayong taon, alalahanin natin na ang katapatang ito ay tumagal sa lahat ng mga henerasyon. Bilang tugon, ang tangi nating nais ay mabigyan Siya ng karangalan sa bawat bansa.
Ngayon ay magsisimula tayo sa pag-unawa na tinawag tayo ng Diyos upang maging banal o nakabukod. Ito ay interesante dahil maraming katangian ang Diyos na Siya lang ang mayroon at hindi maaaring ibahagi sa ibang tao. Ang Diyos ay bukod na makapangyarihan, nakakaalam ng lahat, at hindi nagbabago. Ngunit hindi Niya kailanman sinabi sa atin na, โMaging makapangyarihan kayo dahil Ako ay bukod na makapangyarihanโ o โHuwag kayong magbabago dahil Ako ay hindi kailanman nagbabago.โ Ngunit sinasabi Niya na โMaging banal kayo dahil Ako ay banal.โ Ibig sabihin nito ay ang kabanalan ay isang katangian ng Diyos na maaaring ibahagi sa ibang tao. Ito ay isang katotohanan na pinagtibay sa parehong Luma at Bagong Tipan.
Karamihan sa atin ay iniuugnay ang kabanalan sa katinuan at maging sa kakatwaan. Maaaring iniisip natin na ang mga banal na tao ay kakaiba at kakatwang mga indibidwal na maaaring naninirahan sa isang lugar sa disyerto, sa isang lilib na lugar na malayo sa mundo bilang mga โbanal na tao.โ Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng Diyos nang sinabi Niyang, โMaging banal kayo dahil Ako ay banal?โ
Ang panimulang kahulugan ng banal ay ang pagiging nakahiwalay o nakabukod. Ang pagkakabukod na ito ay may dalawang pananaw: ang pagiging nakabukod sa isang bagay at pagkakahiwalay tungo sa ibang direksyon.
Sa unang pananaw, ibig sabihin nito ay pagkakabukod sa mga nakapaligid sa atin. Kung tungkol ito sa Diyos, ibig sabihin ng kabanalan ay nakabukod na Siya sa kalidad ng Kanyang mga nilikha. Hindi Siya kabahagi nito at ang mga katangian Niya ay malayo sa Kanyang mga nilikha. Kapag nanawagan Siya sa Kanyang mga tao na maging banal, ito ay isang panawagan na maging nakabukod tayo sa pagkatao, pag-uugali, at pamumuhay sa mga nakapalibot na bansa na sumasamba sa mga huwad na diyos. Ito ay upang maisalamin Siya ng bayan ng Diyos at maging ilaw tayo sa mga nakapaligid sa atin at mapangunahan natin ang iba na sambahin Siya.
Nagiging posible ang pagkakabukod natin sa mga kaparaanan ng mundo kapag naintindihan natin ang tawag na maging nakahiwalay upang maisakatuparan ang layunin ng Diyos, na siyang pangalawang pananaw ng pagiging banal. Ang pagiging nakabukod para sa Diyos ay nangangahulugan na tayo ay sa Kanya lamang. Tinawag tayo na magkaroon ng tapat na relasyon sa Kanya at mamuhay na para sa Kanya lamang. Kapag nakikita natin ang ating mga sarili na pagmamay-ari lamang ng Diyos (at hindi ng ating sarili), ang ating mga pag-iisip, mga salita, at mga kilos ay nababago upang mas maisalamin pa Siya.
๐ง๐จ๐ ๐จ๐๐ข๐ก
โข Sa anong mga paraan mo naisasalamin ang pagkatao ng Diyos sa mga taong nakapaligid sa โyo? Anong mga pag-iisip, ugali, at kilos ang kailangan mong isuko sa Panginoon ngayon?
โข Paano nababago ng ideya na ikaw ay espesyal na pagmamay-ari ng Diyos ang paraan ng pagtingin mo sa sarili? Paano ka nito natutulungan na malampasan ang mga kahirapan at pagsubok sa buhay mo?
๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐
Pag-isipan ang kabutihan at katapatan ng Diyos sa atin bilang iglesya. Tandaan kung ano ang Kanyang mga nagawa at ipakita ang iyong pagpapasalamat para sa Kanyang mga plano at layunin para sa atin habang patuloy tayong nagbibigay karangalan sa Kanya at nagdidisipulo.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
Ama sa Langit, salamat sa pagpili sa akin na maging Inyong anak, isang sisidlan ng Inyong kabaitan, at bahagi ng Inyong kaharian. Kung malayo ako sa Inyo, hindi ako magiging banal. Hindi ako karapat-dapat ngunit sinagip Ninyo ako at ibinukod para sa Inyong layunin. Nawaโy gabayan ako ng Inyong Espiritu at pangunahan ako tungo sa lahat ng katotohanan habang binibigyan ako ng karunungan, pag-asa, at kapayapaan. Nawaโy lahat ng aking gagawin ngayon at sa araw-araw ay magbigay puri sa Inyo. Sa Ngalan ni Jesus, amen.