Filipino
๐๐๐๐ก๐จ๐๐ข๐ ๐จ๐ฃ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐๐ฃ๐จ๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐ข๐ ๐จ๐ก๐๐๐๐
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก
๐๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ฏ๐ข๐ณ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต: ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ช๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ด๐ช๐ฑ ๐ข๐ต ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ข๐ฏ. ๐๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ช๐ฅ. ๐๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ถ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข๐ช๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ด๐ขสผ๐ต ๐ช๐ด๐ข. ๐๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฏ๐ต๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฉ๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฏ๐ต๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ-๐ช๐ช๐ฏ๐ด๐ถ๐ญ๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ-๐ช๐ช๐ฏ๐ด๐ถ๐ญ๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ. ๐๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ธ๐ช๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐ข๐ธ๐ข๐ข๐ฏ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ญ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข ๐จ๐ข๐ธ๐ช๐ฏ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฌ๐ข๐ข๐ธ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ด๐ข๐ฃ๐ช ๐ด๐ข ๐๐ข๐ด๐ถ๐ญ๐ข๐ต๐ข๐ฏ, โ๐๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ช๐ด ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ช๐จ๐ข๐บ๐ข ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ข๐ต ๐จ๐ข๐ธ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช. ๐๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐บ๐ข๐ฑ๐ข๐ข๐ฏ. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐ช๐ฏ๐ช๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ, ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ด๐ข๐จ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข, ๐ฏ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ต ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐จ๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข.โ . . . ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ด๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฏ. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ญ๐ข๐จ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐จ ๐ด๐ข ๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ญ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ด๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ.ย ๐ญ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐ข โญ๐ฏ:๐ดโ๐ญ๐ฎ, ๐ญ๐ฑย
Basahin din ang ๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ ๐ญ๐ฎ:๐ฏ๐ฌโ๐ฏ๐ญ; ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฒ:๐ฎ๐ณโ๐ฎ๐ด; ๐๐จ๐๐ก ๐ญ๐ฏ:๐ฏ๐ฐโ๐ฏ๐ฑ; ๐ญ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐ข ๐ฏ:๐ญ๐ฏโ๐ฎ๐ฎ; ๐ญ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐ข ๐ฐ:๐ฐโ๐ญ๐ญ.ย
๐ฃ๐๐-๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก
Sa kanyang sulat, si apostol Pedro ay nagsalita tungkol sa isyu kung paano dapat ang mga simbahan sa Asya Minor ay tumugon sa tumataas na pagpapahirap sa mga Kristiyanong mananampalataya. Ang unang simbahan ay maaaring nag-atubili na abutin ang mga nagpapahirap sa kanila at sabihan ang mga hindi pa nananampalataya tungkol sa kabutihan at kabanalan ng Diyos. Ngunit silaโat tayoโay hindi dapat umurong sa pagmahal sa mga tao at pagsabi sa kanila tungkol sa magandang balita ng ebanghelyo.
Tulad ng kasabihan na โang maaasim na salita ay hindi nakakagawa ng kaibigan; ang isang kutsarang pulot ay makakahuli ng mas maraming langaw kaysa sa isang galong suka,โ ang mga Kristiyano ay makakaugnay sa iba gamit ang pag-ibig higit pa sa alitan, o kagalakan higit pa sa pakikipagdebate, at grasya higit pa sa relihiyon. Sa kabaitan, kabutihan, pasensiya, at respeto, may mas malaking posibilidad na mas gustuhing makinig ng mga tao sa ebanghelyo ni Cristo. Ang pag-ibig ng Diyos ay dapat makita sa kung paano natin pakitunguhan at tratuhin ang iba. Higit pa riyan, ang paraan ng ating pamumuhay ay nagsasalamin sa ating ugnayan kay Jesus.
Sa ikalawang siglo AD, si Tertullian na isang sinaunang ama ng simbahan ay nagsabi na ang pamahalaang Romano ay nagdududa sa mga simbahang Kristiyano at kung paano sila lumalago. Nagpadala pa sila ng mga espiya sa simbahan upang makita kung ano ang nangyayari. May isang espiya na nag-ulat: โAng mga Kristiyanong ito ay kataka-taka. Nagtitipon-tipon sila sa isang kwarto na walang laman upang sumamba. Wala silang imahe. May sinasabi silang isa na ang pangalan ay Jesus, na wala naman doon, pero mukang inaasahan nilang dumating anumang oras. At sa totoo lang, mahal na mahal nila Siya at mahal din nila ang isaโt isa.โ
Sa ating mga komunidad, ang mga tagasunod ni Jesus ay nakabukod upang isalamin ang Diyos, ipahayag ang ebanghelyo, at ipakita ang Kanyang pagmamahal. Inuutusan tayo ni Jesus na mahalin ang ating mga kapitbahay at kaaway. Sinabi Niya na malalaman ng mga tao na tayo ay Kanyang mga disipulo kung mahal natin ang isaโt isa. Ang pagmamahal ng Diyos ay para sa atin at ating mga kamag-anak, kapitbahay, kaklase, katrabaho, kaibigan, at kahit sa ating mga kaaway at mga taong malayo sa Diyos. Ang gagawin lamang natin ay ang sundin Siya, matapat na lumakbay kasama Siya, at ihayag Siya.
๐ง๐จ๐ ๐จ๐๐ข๐ก
โข Pag-isipan ang iyong buhay. Sa tingin mo ba, ang iyong mga salita at kilos ay parang isang galon ng suka o isang kutsarang pulot? Ano sa tingin mo ang ginagawa ng Diyos sa iyong buhay upang bumalik ang mga tao papunta sa Kanya?
โข Pangalanan ang mga grupo na naiimpluwensyahan mo. Paano mo kaya maisusulong ang kaharian ng Diyos sa iyong komunidad?
๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐
Itanong sa Diyos at sa ilang mga kaibigan mo sa iglesya kung paano mo maisasalamin ang pag-ibig ng Diyos at kung paano ka magiging isang biyaya sa iyong komunidad.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
Jesus, walang anumang salita ang makapagpapahayag ng aking pasasalamat sa Inyo dahil tinanggap at minahal Ninyo ang isang makasalanan na tulad ko. Tulungan Ninyo akong maisalamin ang Inyong kabutihan at katapatan sa mga taong nakapaligid sa akin. Ipakita Ninyo sa akin kung ano ang dapat magbago sa akin, at kung ano ang dapat manatili sa aking mga pamamaraan, upang ang iba ay makarinig at tumugon sa magandang balita ng ebanghelyo. Panatilihin Ninyo ako sa hakbang na kasabay ang Inyong Espiritu at bigyan Ninyo ako ng tapang na tumugon nang tuwid habang binubuksan Ninyo ang mga pintuan sa aking komunidad upang makapagpahayag ako ng ebanghelyo at makapagdisipulo. Nawaโy umapaw ang Inyong pagmamahal sa akin upang itoโy umapaw rin sa iba. Amen.