Filipino

๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐— ๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—”๐—š


๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก

๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ, โ€œ๐˜ˆ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ-๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿฎ


Karagdagang Babasahin: ๐—˜๐—ซ๐—ข๐——๐—จ๐—ฆ ๐Ÿญ๐Ÿฏ:๐Ÿฎ๐Ÿญโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฎ; ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿณ:๐Ÿญ; ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฑ; ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿต:๐Ÿฎ; ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ:๐Ÿฐ; ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿฏโ€“๐Ÿญ๐Ÿต; ๐Ÿต:๐Ÿญโ€“๐Ÿด; ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐Ÿฎ:๐Ÿญ๐Ÿฑ


๐—ฃ๐—”๐—š-๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก

Sa Juan 8:12โ€“19, nakipag-usap si Jesus sa mga Pariseo habang ipinagdiriwang ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol (๐˜๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜‰๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ด), kung saan ang liwanag ay isang mahalagang simbolo. Dito, ipinahayag Niya, โ€œ๐˜ˆ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ.โ€ Ikalawa ito sa mga sinabi ni Jesus na sinimulan Niya sa mga salitang โ€œAko angโ€ para ipahayag kung sino Siya. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng ilaw ng Diyos na nagliligtas at kung paano Niya tinatawag ang Kanyang mga tagasunod na mamuhay sa liwanag na ito.


Ano ang ibig sabihin ng pagiging ilaw ng mundo ni Jesus?


Mahalaga ang imahe ng liwanag sa Kasulatan. Ipinapakita ng Lumang Tipan na ang Diyos ang ilaw at kaligtasan ng Israel (Salmo 27:1), na ang Kanyang salita ay ilaw na nagbibigay-liwanag sa kanilang mga paa (Salmo 119:105), at ang Kanyang presensya ay naipahayag bilang isang haliging apoy na gumabay sa Israel sa gabi habang sila ay nasa ilang (Exodus 13:21โ€“22). Ang liwanag ng Diyos ay sumasagisag sa Kanyang kaligtasan, gabay, at presensya. Isinakatuparan ni Jesu-Cristo ang lahat ng ito.


Ang ilaw ng sanlibutan ay ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€. Ipinahayag ni Juan ang isang liwanag na hindi kayang talunin ng kadiliman (Juan 1:4). Ang sanlibutan ay nawasak, puno ng makasalanan, at naimpluwensyahan ng kaaway. Dahil dito, nalubog ang sangkatauhan sa espirituwal na kadiliman, namumuhay ayon sa laman at nalilinlang ng kasinungalingan. Ngunit ang sangkatauhan ay hindi iniwan nang walang pag-asa. Sinabi ni Isaias, โ€œ๐˜•๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จโ€ (Isaias 9:2).


Si Jesus ang ilaw ng mundo na nagpapabukas ng mata ng mga bulag at inililigtas ang Kanyang bayan mula sa espirituwal na kadiliman (Juan 9:1โ€“8). Sa pamamagitan ng Kanyang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay, inililigtas Niya ang mga makasalanan mula sa kaharian ng kadiliman at ginagabayan sila patungo sa Kanyang kamangha-manghang liwanag.


Ito ang tanging tugon natin: magtiwala, umasa, at sumunod. Habang nagtitiwala tayo kay Cristo para sa ating kaligtasan, dapat din nating hangarin na makibahagi sa Kanyang misyon. Tinatawagan Niya tayong mamuhay bilang mga taong nagbibigay patotoo sa Kanya bilang ating pag-asa sa gitna ng mundong nawalan ng pag-asa. Sa Kanya, tayo ay mga anak ng Diyos, mga ilaw sa sanlibutan, na tinatawag na ipahayag at ipakita ang Kanyang nakapagliligtas na katotohanan sa isang mapanlinlang na sangkatauhan (Filipos 2:15).


Dahil si Jesus ang ilaw ng sanlibutan, maaari rin nating ipakita ang Kanyang liwanag sa mundong ito. Tanging ang liwanag ni Jesus ang makakapagbigay ng pag-asa at kaligtasan sa ating mga eskwelahan, komunidad, lugar na pinagtatrabahuhan, at mga lugar kung saan tayo ipinadala para makibahagi sa Kanyang misyon. Nawaโ€™y maging isang malinaw na patotoo ang ating mga buhay: isaalang-alang si Jesus at ipakita ang Kanyang liwanag para makita ng lahat.


๐—š๐—”๐—ช๐—œ๐—ก

โ€ข Paano ka hinihikayat ng pagkakilala kay Jesus bilang ilaw ng sanlibutan na lumapit pa sa Kanya at higit na magtiwala sa Kanya?

โ€ข Paano mo maipapakita, kasama ang iyong espirituwal na pamilya, ang pagiging ilaw sa sanlibutan sa inyong paaralan, pinagtatrabahuhan, o sa larangan ng misyon?

โ€ข Isulat ang pangalan ng hindi bababa sa tatlong tao na maaari mong ipangaral ang mabuting balita ngayong linggo.


๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Panginoong Jesus, pinupuri Ka namin bilang ilaw ng sanlibutan at sa Iyong pagiging patotoo sa katotohanan. Salamat po sa pagpapalaya sa amin mula sa kaharian ng kadiliman at sa paglapit sa amin sa Iyong liwanag. Nawaโ€™y mamuhay kami ngayon bilang mga anak ng liwanag, na sumasalamin kung sino Ka sa aming mga iniisip, sinasabi, at ginagawa, at umaakay sa iba patungo sa Iyo. Tulungan Mo po kami na magtiwala, sumunod, at umasa sa Iyo at ipahayag ang Iyong kapangyarihang nakapagliligtas sa buong mundo. Amen.


๐—›๐—œ๐— ๐—ก๐—ข

โ€œ๐˜‰๐˜ฆ ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜”๐˜บ ๐˜๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏโ€ (โ€œ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜•๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธโ€) ni Eleanor Hullย 


๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜– ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ

๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ

๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ, ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฐ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช

๐˜Ž๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ


๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข

๐˜ˆ๐˜ฌ๐˜ฐโ€™๐˜บ ๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜”๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ

๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ

๐˜๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐโ€™๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜๐˜บ๐˜ฐ