Filipino

๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—•๐—”


๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก

โ€œ๐˜š๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ!โ€ย ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฐ๐Ÿฑ


Karagdagang Babasahin: ๐Ÿญ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฐ:๐Ÿญ๐Ÿณ


๐—ฃ๐—”๐—š-๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก

Ipinapakita ng tekstong ito ang nasa puso ng gawaing pagtubos ni Cristo:

Siya ay dumating.

Siya ay naglingkod.

Siya ay nagbigay.


Ito rin dapat ang humubog sa ating mga buhay kung gusto nating ipahayag si Cristo. Gaya ng sinasabi sa Kasulatan, โ€œ. . . ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐโ€ (1 Juan 4:17). Malinaw kung saan tayo tinatawag: Ipinapahayag dapat ng ating paglilingkod ang Kanyang puso. Sinasalamin dapat ng kabutihan natin ang Kanyang kabutihan.


Hindi isinigaw ni Jesus ang Kanyang pag-ibig mula sa langit. Siya ay ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜. Pumunta Siya sa ating mga pamayanan. Ang kabutihan ay hindi nagsisimula sa paggawa ng isang bagay, kundi sa pagsama sa isang tao. Paglapit. Pagiging naroon. Pagpapakita. Lumapit si Jesus sa mga naghihirap: sa bulag, sa may ketong, sa nagugutom, sa tinanggihan, sa makasalanan. Lumapit talaga Siya para mahawakan ang ating mga luha, marinig ang ating mga hinaing, at maramdaman ang mga sakit na nararamdaman natin. Ang kabutihan ay nagsisimula sa presensya. Hindi ka makakapaglingkod sa isang komunidad kung hindi mo ito lalapitan.


Pero hindi lamang dumating si Jesus; Siya rin ay ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ. Pumarito Siya para makiramay sa atin. Pero ang pakikiramay nang walang pagkilos ay walang kabuluhan. Ang paglilingkod ay hindi isang bagay na paminsan-minsan lamang ginagawa ni Jesusโ€”ito ang likas sa Kanya sa bawat araw. Si Jesus, na nakakataas sa lahat, ay pinili ang pinakamababang kalagayan. Ang salitang โ€œmaglingkodโ€ na ginamit ni Marcos ay naglalarawan ng isang taong nagsisilbi sa mga kumakainโ€”nakayuko, nakatuon sa pangangailangan, handang tugunan ang mga pangangailangan at pasanin ng iba, at tumutulong para sa kanilang pisikal, emosyonal, at espirituwal na pangangailangan.


Hinawakan Niya ang may ketong para pagalingin.

Pinakain Niya ang nagugutom at ipinangaral sa kanila ang katotohanan.

Nakinig Siya sa bulag para maibalik ang kanyang paningin.

Pinalaya Niya ang mga tao mula sa mga demonyo at ibinalik ang kanilang dangal.


Ipinahayag Niya ang Kanyang kabutihan sa pamamagitan ng paglilingkod. Paglilingkod ang wika ng kabutihan.


Si Jesus ay hindi lamang lumapit at naglingkod. ๐—œ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† rin Niya ang Kanyang buhay bilang pantubos sa marami. Malaki ang katumbas ng pagtubos. Buhay ni Jesus ang naging kapalit para sa ating kaligtasan. Ang tunay na pagmamahal ay laging nagbibigay ng mahalagang bagayโ€”oras, yaman, at kaginhawaan. Walang ipinagkait si Jesusโ€”hindi ang Kanyang kaluwalhatian, hindi ang Kanyang karapatan, hindi ang Kanyang buhay. Habang sumusunod tayo kay Jesus, dapat nating tandaan na ang pagbibigay ay hindi kawalan; ito ay pakikilahok sa pagtubos ng Diyos. Ang pinakamahalagang bagay na maibibigay natin sa iba ay ang ebanghelyo ni Jesu-Cristo.


Kung paano si Jesus, ganito din dapat tayo:

Malapit sa mga nasasaktan

Aktibo sa paglilingkod

Masakripisyo sa pagbibigay.


๐—š๐—”๐—ช๐—œ๐—ก

โ€ข Si Jesus, ang Hari ng mga hari, ay naglingkod at pinili ang pinakamababang kalagayan sa lahat. Ano ang sinasabi nito sa iyo tungkol sa buhay na tinatawag tayong ipamuhay bilang mga mananampalataya?

โ€ข Ang paglilingkod at pagmamahal ay ganap na pinag-isa sa buhay ni Cristo. Ano ang mga konkretong bagay na pwede mong gawin para maipakita ang pag-ibig ni Cristo sa iyong iglesya at komunidad?

โ€ข Para sa ating mga na kay Cristo, dala natin ngayon ang pinakamahalaga, makapangyarihan, at nakakapagpabagong mensahe na pwedeng marinig ng sangkatauhan. Sino ang mga tao sa buhay mo na kailangang makarinig ng mensaheng ito?


๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Panginoong Jesus, sa Hardin ng Getsemane, ang Iyong panalangin ay panalangin ng pagsuko. Ngayon, bilang Iyong mga mamamayan, ito rin ang aming panalangin: โ€œHindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban Ninyo.โ€ Dahil sa Iyong ginawa, kami ay napalaya, malayang makakapili na mamuhay nang nagbibigay karangalan at kaluwalhatian sa Iyong pangalan sa isang mundong hindi pa nakakakilala sa Iyo. Sa lahat ng mga bagay na tinawag Mo kaming gawinโ€”paglilingkod, pagbibigay, at pagpuntaโ€”ipinakita Mo muna kung paano ito magagawa nang lubos. Tulungan Mo po kami na lalo pang maging katulad Mo. Nawaโ€™y maging salamin ng Iyong puso ang aming mga buhay. Amen.


๐—›๐—œ๐— ๐—ก๐—ข

โ€œ๐˜– ๐˜›๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜“๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฆ ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฆโ€ (โ€œ ๐˜– ๐˜•๐˜ข๐˜ธ๐˜ขโ€™๐˜บ ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜”๐˜ฐโ€) ni Thomas O. Chisholm


๐˜– ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ขโ€™๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜”๐˜ฐ! ๐˜—๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ

๐˜”๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฅ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ช๐˜ต

๐˜›๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข

๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ


๐˜–! ๐˜•๐˜ข๐˜ธ๐˜ขโ€™๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜”๐˜ฐ! ๐˜– ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ขโ€™๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜”๐˜ฐ

๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜บ ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ

๐˜—๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ

๐˜๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ ๐˜”๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ