Filipino

๐—ฃ๐—”๐—š๐—›๐—”๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ฃ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ช


๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก

โ€œ๐˜š๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ธ.โ€ย ๐—Ÿ๐—จ๐—–๐—”๐—ฆ ๐Ÿญ๐Ÿต:๐Ÿญ๐Ÿฌ


Karagdagang Babasahin: ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฏ:๐Ÿญ๐Ÿฒโ€“๐Ÿญ๐Ÿด; ๐Ÿญ ๐—ง๐—œ๐— ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ข ๐Ÿญ:๐Ÿญ๐Ÿฑ; ๐—ฅ๐—ข๐— ๐—” ๐Ÿฑ:๐Ÿด


๐—ฃ๐—”๐—š-๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก

Nilikha ng Diyos ang sanlibutan at itoโ€™y lubos na mabuti. Ngunit nang pumasok ang kasalanan, nasira ang lahat, lalo na ang ugnayan ng Diyos at ng tao. Nagbigay ang Diyos ng sagot nang bihisan Niya ang tao, na tumutukoy sa Kanyang pinakahuling lunasโ€”ang pagdating ng Kanyang Anak. Sinasabi sa Ebanghelyo ayon kay Juan na ang Diyos ay umiibig kaya Siya nagsugo. Gayon na lamang ang Kanyang pag-ibig sa Kanyang nilikha na ayaw Niya itong manatiling nakahiwalay sa Kanya magpakailanman. Ang magmahal ay likas sa Kanya at hindi lamang isa sa Kanyang mga ginagawa. Pinili ng Diyos na magmahal kaya isinugo Niya ang Kanyang Anak hindi para magbigay ng paghatol kundi para iligtas ang sanlibutan.


Isinugo si Jesus para magligtas. Hinanap Niya ang mga naliligawโ€”ang sangkatauhang hindi karapat-dapat, alipin at patay dahil sa kasalanan. Siya ang lumapit sa atin at hindi Siya naghintay na tayo ang lumapit sa Kanya. Hinanap Niya tayo; hindi tayo ang naghanap sa Kanya. Sa katunayan, noong tayoโ€™y makasalanan pa, namatay Siya para sa atin (Roma 5:8). Sa Diyos, ang mga naliligaw ay matatagpuan at maibabalik sa Kanyang layunin. Ang hinihingi lamang Niya ay maniwala tayo sa Kanya, magtiwala nang lubos sa kung sino Siya at sa Kanyang ginawa, at sumunod sa Kanya habang tayoโ€™y nabubuhay.


Kung paanong tinanggap natin ang Kanyang pag-ibig at habag, tayo rin ay Kanyang isinusugo para hanapin ang mga naliligaw at akayin sila tungo sa Kanyang nagliligtas na biyaya. Minsan ay nakatutok tayo sa bahagi ng Diyos sa pagliligtas ng sanlibutan kapag iniisip natin ang misyon ng Diyos kaya hindi na tayo kumikilos. Minsan ay masyado naman tayong nakatutok sa ating sarili at sa laki ng ipinapagawa sa atinโ€”ang pangangaral at pag-abot sa mga naliligaw ng landasโ€”na nagdudulot ng bigat at pakiramdam na tayo ay may kakulangan. Pero kapag tiningnan natin ang Kanyang salita, makikita natin na ang Diyos ang nagliligtas; Siya ang nagbabago sa mga naliligaw para matagpuan sila at ibinabalik Niya sila sa Kanyang sarili.


Ang tungkulin natin ay ipahayag ang ebanghelyo. Itoโ€™y pakikipagtulungan sa pagtupad ng Diyos sa Kanyang layunin. Ang maganda sa pakikipagtulungang ito ay nauna na ang Espiritu ng Diyos sa atin. Bago pa tayo ipadala ay kumikilos na Siya sa mga puso ng mga taong tinatawag Niyang abutin natin.ย 


Kung paanong isinugo si Jesus, tayo rin ay pumupunta sa ibaโ€™t ibang lugar dala ang pag-ibig ng Diyos at may hangaring matagpuan ang mga naliligaw. ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜†๐—ผ, ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ: ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ฆ๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ผ. ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผโ€™๐˜† ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎโ€™๐˜ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผโ€™๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ.


๐—š๐—”๐—ช๐—œ๐—ก

โ€ข Kinailangang pumarito ni Jesus sa sanlibutang nilikha Niya para itoโ€™y tubusin at ibalik sa Ama. Ano ang sinasabi nito sa iyo tungkol sa lalim ng kasalanan ng tao?

โ€ข Ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa sanlibutan sa ganitong paraan: noong tayoโ€™y makasalanan pa, isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesus upang mamatay sa krus para sa ating mga kasalanan (Roma 5:8). Ano ang itinuturo sa iyo ng katotohanang ito tungkol sa lawak ng pag-ibig ng Diyos at sa Kanyang puso para sa mga naliligaw?

โ€ข Kung paanong isinugo si Jesus, tayo rin ay isinugo upang ipahayag ang mensahe ng ebanghelyo. Paano ka magiging isang epektibong saksi ni Cristo at isang malinaw na tagapagpahayag ng pag-ibig ng Diyos para sa sanlibutan?


๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Ama naming nasa langit, hindi namin mapigilang mamangha sa katotohanang noong kamiโ€™y makasalanan pa, namatay si Jesus para sa aminโ€”kapalit naminโ€”upang kamiโ€™y mailigtas at maibalik sa Iyo. Tanging pag-ibig lamang ang makakapagtulak sa isang pagliligtas na tulad nito. Panginoon, hinihiling po namin na ang pintig ng aming puso ay maging tulad ng pintig ng Iyong puso para sa mga naliligaw. Bigyan Mo po kami ng mga matang nakakakita na silaโ€™y mga kalalakihan at kababaihang iniibig ni Jesus at pinag-alayan Niya ng Kanyang buhay. Ito ang nagtutulak sa amin na pumunta hanggang sa dulo ng daigdigโ€”para makilala Ka rin nila at magkaroon sila ng buhay na walang hanggan. Sa pangalan ni Jesus, amen.


๐—›๐—œ๐— ๐—ก๐—ข

โ€œ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ข๐˜ตโ€ (โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฌโ€) ng Every Nation Music


๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜”๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ

๐˜๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜”๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ

๐˜•๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜จ

๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ


๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข, ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐโ€™๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฌ, ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฌ

๐˜•๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ

๐˜—๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜”๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜จ

๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฆ


๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข, ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐโ€™๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฌ, ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฌ

๐˜•๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ

๐˜—๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜”๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜จ

๐˜’๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜”๐˜ฐ